Friday, October 30, 2009

ANG KAIBAHAN NG KAUTUSAN NI CRISTO SA KAUTUSAN NI MOISES

” PAGHAHAMBING

NG

KAUTUSAN

NI

MOISES

SA KAUTUSAN

NI CRISTO

(Pag-aaral sa

Kahulugan ng

Nasasaad

sa JUAN 1:17 )

” Sapagkat ibinigay ang KAUTUSAN sa

pamamagitan ni MOISES ngunit ang PAG-IBIG at

KATOTOHANAN ay dumating sa pamamagitan

ni CRISTO.

- JUAN 1:17

1. Ang Kautusan ni Moises ay mahigpit at may malupit na parusa sa bawat mabigat na pagkakasala.



Kung may masusumpungan sa gitna mo, sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ang lalake o babae na gumagawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon mong Dios, sa pagsalangsang sa kaniyang tipan,

At yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sumamba sa kanila, o sa araw, o sa buwan, o sa anomang natatanaw sa langit na hindi ko iniutos;

At maisaysay sa iyo, at iyong mabalitaan; ay iyo ngang sisiyasating masikap; at, narito, kung totoo, at ang bagay ay tunay, na ang gayong karumaldumal ay nagawa sa Israel,

Ay iyo ngang ilalabas ang lalake o babaing yaon, na gumawa nitong bagay na kasamaan, sa iyong mga pintuang-daan, sa makatuwid baga’y ang lalake o babae; at iyong babatuhin sila ng mga bato, hanggang sila’y mamatay.

Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin.

Ang kamay ng mga saksi ay siyang unang papatay sa kaniya at pagkatapos ang kamay ng buong bayan. Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
- DEUTERONOMIO 17:1-7










HALIMBAWANG TUNTUNIN:
Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila:

Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook;

At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya’y may masamang pamumuhay, at manglalasing.

At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya’y mamatay: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng buong Israel, at matatakot.







- DEUTERONOMIO 21:18-21

Ang Kautusan ni Cristo ay nababatay sa habag at pag-ibig.

Ang katuparan ng pangako ay hindi inaantala ng Panginoon tulad ng inaakala ng iba. Siya ay mapagtiis sa atin. Hindi niya nais na ang sinuman ay mapahamak kundi ang lahat ay magsisi.
- 2 PEDRO 3:9
Kaya nga, yamang tayo ay may isang dakilang pinakapunong-saserdote, si Jesus na Anak ng Diyos na dumaan sa mga langit, tayo ay magpakatatag sa ating ipinahahayag. 15Sapagkat wala tayong pinakapunong-saserdote na hindi maaaring makiramay sa ating mga kahinaan. Siya ay sinubok sa lahat ng paraan katulad natin ngunit siya ay hindi nagkasala. 16Kaya nga, dumulog tayo sa trono ng biyaya na may malaking pagtitiwala upang tayo ay tumanggap ng habag at biyaya na makatutulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
- HEBREO 4:14-16
HALIMBAWANG ARAL:
1Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon dahil ito ay matuwid. 2Igalang ninyo ang inyong ama at ina. Ito ang unang utos na may pangako: 3Gawin ninyo ito upang maging mabuti para sa inyo at kayo ay mamuhay nang matagal sa lupa. 4Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak sa halip ay alagaan ninyo sila sa pagsasanay at sa turo ng Panginoon.
- EFESO 6:1-4

2. Sa tuntunin ng Kautusan ay hindi maaaring maghandog sa Diyos ang mga taong may kapintasan o kapansanan.

17. Iyong salitain kay Aaron, na iyong sasabihin, Sinoman sa iyong mga binhi, sa buong panahon ng kaniyang lahi, na magkaroon ng anomang kapintasan, ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios.
18. Sapagka’t sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit; maging ang taong bulag, o pilay, o magkaroon ng ilong na ungod, o ang mayroong kuntil,
19. O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali,
20. O taong kuba, o unano, o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata, o galisin, o langibin, o luslusin:
21. Walang tao sa binhi ni Aaron na saserdote, na magkaroon ng kapintasan, na lalapit upang magharap ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: siya’y may kapintasan; siya’y huwag lalapit na magharap ng tinapay ng kaniyang Dios.
22. Kaniyang kakanin ang tinapay ng kaniyang Dios, ang pinakabanal at ang mga bagay na banal:
23. Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing, o lalapit man sa dambana, sapagka’t may kapintasan siya; upang huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario: sapagka’t ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
- LEVITICO 21:17-23
Ang mga kapon at mga anak sa labas ay hindi maaaring makisama sa kapulungan ng Diyos.
1. Ang nasaktan sa mga iklog, o ang may lihim na sangkap na putol ng katawan ay hindi makapapasok sa kapisanan ng Panginoon.
2. Isang anak sa ligaw ay huwag papasok sa kapisanan ng Panginoon; hanggang sa ikasangpung salin ng lahi ay walang sa kaniya’y makapapasok sa kapisanan ng Panginoon.
- DEUTERONOMIO 23:1-2

Ang salita ni Cristo ay nagsasabi na pantay-pantay ang pagtingin ng Diyos sa lahat ng tao at ang kanyang mga aral ay nagtuturo na tanggapin ang lahat ng tao.

28Sinabi niya sa kanila: Alam ninyo na hindi ayon sa kautusan na ang Judio ay makisama o lumapit sa isang taga-ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na huwag kong tawaging pangkaraniwan o marungis ang sinuman.
- GAWA 10:28
Walang itinatangi ang Diyos:
7Ang Ama ay humahatol nang walang pagtatangi ayon sa gawa ng bawat isa. Yamang tinatawag ninyo siyang Ama, ang inyong pag-uugali ay dapat may pagkatakot sa panahon na kayo ay namumuhay bilang mga dayuhan.
- 1 PEDRO 1:17
Igalang ang lahat ng tao:
Igalang ninyo ang lahat ng tao. Ibigin ninyo ang mga kapatid. Matakot kayo sa Diyos at igalang ninyo ang hari.
- 1 PEDRO 2:17
Tanggapin ang bawat isa upang maparangalan ang Diyos:
Kaya nga, upang maluwalhati ang Diyos, tanggapin ninyo ang bawat isa ayon sa paraan ng pagtanggap sa atin ni Cristo.
- ROMA 15:7

3. Mayroong tuntunin sa Kautusan na ukol sa pagganti sa bawat masamang ginawa ng tao sa kanyang kapwa.

17. At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala;
18. At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.
19. At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya;
20. Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya.
21. At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin.
- LEVITICO 24:17-21

3. Ang aral ni Cristo ay nauukol sa pagpaparaya.

38Narinig ninyong sinabi: Mata sa mata at ngipin sa ngipin. 39Ngunit sinasabi ko sa inyo: Huwag ninyong kalabanin ang masamang tao. Ngunit ang sinumang sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kaniya ang kabila. 40Kung may ibig magsakdal sa iyo at kunin ang iyong damit, payagan mo na rin siyang kunin ang iyong balabal. 41Sinumang pumilit sa iyo na lumakad ng higit sa isang kilometro, lumakad ka ng higit pa sa dalawang kilometro na kasama niya. 42Bigyan mo ang humihingi sa iyo at huwag mong talikdan ang ibig humiram sa iyo.
- MATEO 5:38-42
17Huwag kayong gumanti ng masama sa masama sa sinuman. Magkaloob nga kayo ng mga mabubuting mga bagay sa harap ng mga tao. 18Kung maaari, yamang ito ay nasasainyo, mamuhay kayong may kapayapaan sa lahat ng tao. 19Mga minamahal, huwag kayong maghiganti, sa halip, bigyan ninyo ng puwang ang galit ng Diyos sapagkat nasusulat: Ang paghihiganti ay sa akin, pagbabayarin ko sila sa kanilang ginawa. Ito ang sinabi ng Panginoon. 20Kaya nga: Kapag nagutom ang inyong kaaway, pakainin mo siya. Kapag nauhaw siya, painumin mo siya sapagkat kapag ginawa mo ito, bubuntunan mo ng nagbabagang uling ang kaniyang ulo. 21Huwag magpatalo sa masama, sa halip, talunin mo ng mabuti ang masama.
- ROMA 12:17-21

4. Ang tuntunin ng Kautusan sa gayak ay nauukol sa panlabas lamang.

5. Ang babae ay huwag mananamit ng nauukol sa lalake, ni ang lalake ay magsusuot ng pananamit ng babae; sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon mong Dios.
- DEUTERONOMIO 22:5
11. Huwag kang magbibihis ng magkahalong kayo, ng lana at lino na magkasama.
- DEUTERONOMIO 22:11
12. Gagawa ka sa iyo ng mga tirintas sa apat na laylayan ng iyong balabal, na ipinangbabalabal mo sa iyo.
- DEUTERONOMIO 22:12
19. Iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan. Huwag ninyong pagaasawahin ang dalawang hayop ninyong magkaiba; huwag kayong maghahasik sa inyong bukid ng dalawang magkaibang binhi; ni damit na hinabi na may magkahalong dalawang magkaibang kayo ay huwag kayong magsusuot.
- LEVITICO 19:19
27. Huwag ninyong gugupitin ng pabilog ang mga buhok sa palibot ng inyong ulo, ni huwag mong sisirain ang mga dulo ng iyong balbas.
-LEVITICO 19:27

Ang mga aral ni Cristo sa gayak ay nauukol sa pagkatao o laman ng kalooban ng puso ng tao.

8Kaya nga, ninais ko na ang mga lalaki ay manalangin sa lahat ng dako na itinataas ang kanilang mga kamay na banal na walang poot o pagtatalo. 9Gayundin naman, ninais ko na gayakan ang mga babae ang kanilang sarili, manamit ng maayos, maging mahinhin at gina-gamit nang maayos ang pag-iisip. Hindi dapat na nakatirintas ang buhok, o nagsusuot ng ginto, o perlas o mga mamahaling damit. 10Sa halip, dapat na magsuot sila ng mga mabubuting gawa. Ito ay nararapat sa mga babaeng nagsasabing sumasamba sila sa Diyos.
- 1 TIMOTEO 2:8-11
Kayo namang mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyong sariling mga asawa. At kung mayroon pa sa kanila na hindi sumusunod sa salita ng Diyos ay madala rin sila ng walang salita sa pamamagitan ng pamumuhay ng asawang babae. 2Madadala sila kapag nakita nila ang inyong dalisay na pamumuhay na may banal na pagkatakot. 3Ang inyong paggayak ay huwag maging sa panlabas lamang. Ito ay huwag maging gaya ng pagtitirintas ng buhok at pagsusuot ng mga hiyas na ginto at mamahaling damit. 4Sa halip, ang pagyamanin ninyo ay ang paggayak sa pagkatao na natatago sa inyong puso, ang kagayakang hindi nasisira na siyang bunga ng maamo at payapang espiritu. Ito ang lubhang mahalaga sa mata ng Diyos. 5Ito ay sapagkat ganito ang kagayakang pinagyaman ng mga babaeng banal noong unang panahon. Sila ay nagtiwala sa Diyos at nagpasakop sa kanilang sariling asawa.
- 1 PEDRO 3:1-5

12Ito ay sapagkat hindi namin ipinagmamapuring muli ang aming mga sarili sa inyo. Ibinibigay namin ang pagkakataon sa inyo na kami ay inyong maipagmalaki, upang masagot ninyo sila na mga nagmamalaki ayon sa nakikita at hindi mula sa puso.

- 2 CORINTO 5:12

5. Ang mga tuntunin ng Kautusan sa paglilinis ay nauukol sa mga panlabas na paglilinis lamang.

MGA HALIMBAWANG TUNTUNIN: Tuntunin sa Paglilinis sa NanganakLEVITICO 12 Tuntunin Tungkol sa Ketong - LEVITICO 13:1-46 Tuntunin Tungkol sa Mantsa sa Damit o Kagamitang Katad - LEVITICO 13: 47-59 Paglilinis matapos gumaling ang sakit sa balat – LEVITICO 14:
54. Ito ang kautusan tungkol sa sarisaring salot na ketong at sa tina,
55. At sa ketong ng suot, at ng bahay.
56. At sa pamamaga at sa langib, at sa pantal na makintab:
57. Upang ituro kung kailan karumaldumal, at kung kailan malinis: ito ang kautusan tungkol sa ketong.
- LEVITICO 14:54-57

Ang mga aral ni Cristo ay nagtuturo ng paglilinis na nauukol sa kalooban o puso ng tao.

21Totoong narinig ninyo siya at tinuruan niya kayo ayon sa katotohanang na kay Jesus. 22Hubarin ninyo ang dating pagkatao ayon sa dating pamumuhay na sinisira ayon sa mapandayang pagnanasa. 23Magpanibago kayong muli sa espiritu ng inyong kaisipan. 24At isuot ninyo ang bagong pagkatao na ayon sa Diyos ay nilalang sa katuwiran at totoong kabanalan. 25Kaya nga, sa paghubad ninyo ng kasinungalingan ay magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa kaniyang kapwa sapagkat tayo ay bahagi ng bawat isa. 26Magalit kayo at huwag kayong magkasala. Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw sa inyong pagkapoot. 27Huwag din ninyong bigyan ng puwang ang diyablo. 28Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay magpagal siya. Dapat niyang gamitin ang kaniyang mga kamay sa paggawa ng mabuti upang siya ay makapagbahagi sa nangangailangan.
- EFESO 4:21-32

2Ngayon ay dinalisay na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan sa pamamagitan ng Espiritu upang kayo ay magkaroon ng pag-ibig na walang pagkukunwari sa mga kapatid. Kaya nga, mag-ibigan kayo sa isa’t isa nang buong ningas ng may malinis na puso. 23Ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Diyos na nabubuhay at namamalagi magpakailanman.

- 1 PEDRO 1:22-23

6. Ang Kautusan ay may tuntunin sa pagdiriwang ng mga Pista at may mga pagbabawal sa pagkain at paghipo ng mga bagay na itinuturing na karumal-dumal.

Mga Pista – LEVITICO 23, LEVITICO 20:25

43. Huwag kayong magpakarumal sa anomang umuusad, o huwag kayong magpakalinis man sa mga iyan, na anopa’t huwag kayong mangahawa riyan,
44. Sapagka’t ako ang Panginoon ninyong Dios: magpakabanal nga kayo at kayo’y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anomang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
- LEVITICO 11:43-44
45. Sapagka’t ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Egipto, upang ako’y inyong maging Dios: kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal.
46. Ito ang kautusan tungkol sa hayop, at sa ibon, at sa lahat na may buhay na gumagalaw sa tubig, at sa lahat ng nilikha na umuusad sa ibabaw ng lupa;
47. Upang lagyan ninyo ng pagkakaiba ang karumaldumal at ang malinis, at ang may buhay na makakain at ang may buhay na hindi makakain.
- LEVITICO 11:45-47
Mga Hayop na Maari at Di-Maaaring Kainin – LEVITICO 11

Ang aral ni Cristo ay nagtuturo na huwag nang pasakop sa mga Pista at mga tuntunin sa pagkain at inumin.

6Kaya nga, huwag ninyong hayaan na hatulan kayo ng sinuman patungkol sa pagkain, o sa inumin, o patungkol sa pagdiriwang ng kapistahan, o sa bagong buwan o sa mga araw ng Sabat. 17Ang mga ito ay isang anino lamang ng mga bagay na darating ngunit ang katunayan ay si Cristo.

- COLOSAS 2:16-17
20Kung kayo nga ay namatay na kasama ni Cristo mula sa mga espiritwal na kapangyarihan ng sanlibutan, bakit kayo, na waring nabubuhay pa sa sanlibutan, ay nagpapasakop pa sa mga batas? 21Ang mga ito ay: Huwag kang hahawak, huwag kang titikim, huwag kang hihipo. 22Ang mga batas na ito ay tumutukoy sa mga bagay na masisira, kapag ang mga ito ay ginagamit. Ang mga ito ay ayon sa mga utos at sa mga aral ng mga tao. 23Ang mga bagay na ito ay waring may karunungan sa kusang pagsamba at huwad na pagpapakumbaba at pagpapahirap ng katawan. Ngunit ang mga ito ay walang kapangyarihan laban sa kalayawan sa laman.
- COLOSAS 2:20-23
Tanggapin ninyo siya na mahina sa pananampalataya, ngunit hindi upang pagtalunan ang iba’t ibang kuro-kuro. 2Ang isang tao ay naniniwalang maaari niyang kainin ang lahat ng bagay. Ang isa na mahina ay kumakain lamang ng gulay. 3Siya na kumakain ay huwag maliitin ang isang hindi kumakain. Siya na hindi kumakain ay huwag humatol sa kaniya na kumakain sapagkat ang Diyos ang tumanggap sa kaniya. 4Sino ka upang hatulan mo ang katulong ng iba? Ang katulong na iyon ay tatayo o babagsak na subok sa harapan ng kaniyang sariling panginoon sapagkat magagawa ng Diyos na siya ay patayuin at siya ay makakatayo.
- ROMA 14:1-4

Ito ay sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa pagkain o sa pag-inom. Subalit ito ay sa katuwiran sa kapayapaan at kagalakan sa Banal na Espiritu. 18Ito ay sapagkat siya na naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay nagbibigay-lugod sa Diyos at katanggap-tanggap sa mga tao.

- ROMA 14:17-18

7. Ang Kautusan ay may tuntunin ukol sa paghihiwalay ng mag-asawa.

1. Pagka ang isang lalake ay kumuha ng isang babae at pinakasalan, ay mangyayari nga, na kung ang babae ay hindi kalugdan ng kaniyang mga mata, sapagka’t kinasumpungan niya ng isang kahiyahiyang bagay, ay lalagda siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibibigay niya sa kaniyang kamay, at papagpapaalamin niya siya sa kaniyang bahay.
2. At pagkaalis niya sa bahay ng lalake, ay makayayaon siya at makapagaasawa sa ibang lalake.
3. At kung kapootan siya ng huling asawa, at lagdaan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, at ibigay sa kaniyang kamay, at papagpaalamin siya sa kaniyang bahay; o kung mamatay ang huling asawa, na kumuha sa kaniya upang maging asawa niya;
4. Hindi na siya makukuhang muling maging asawa ng kaniyang unang asawa na humiwalay sa kaniya, pagkatapos na kaniyang mapangayupapa siya; sapagka’t yao’y karumaldumal sa harap ng Panginoon: at huwag mong papagkakasalahin ang lupain na ibinibigay na pinakamana sa iyo ng Panginoon mong Dios.
5. Pagka ang isang lalake ay bagong kasal, ay huwag lalabas na sasama sa hukbo ni mamamahala ng anomang katungkulan; siya’y magiging laya sa bahay na isang taon at kaniyang pasasayahin ang kaniyang asawa na kaniyang kinuha.
6. Walang taong kukuha ng gilingan o ng batong nasa itaas ng gilingan na pinakasangla: sapagka’t parang kaniyang kinuhang pinakasangla ang buhay ng tao.
















- DEUTERONOMIO 24:1-6


Kung ang magkapatid ay tumahang magkasama, at isa sa kanila’y mamatay, at walang anak, ang asawa ng patay ay huwag magaasawa ng iba sa labas: ang kapatid ng kaniyang asawa ay sisiping sa kaniya, at kukunin siya niyang asawa, at tutuparin sa kaniya ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
6. At mangyayari, na ang panganay na kaniyang ipanganganak ay hahalili sa pangalan ng kaniyang kapatid na namatay, upang ang kaniyang pangalan ay huwag mapawi sa Israel.
7. At kung ayaw kunin ng lalake ang asawa ng kaniyang kapatid, ay sasampa nga ang asawa ng kaniyang kapatid sa pintuang-bayan sa mga matanda, at sasabihin, Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging itindig ang pangalan ng kaniyang kapatid sa Israel; ayaw niyang tuparin sa akin ang tungkulin ng pagkakapatid ng asawa.
8. Kung magkagayo’y tatawagin siya ng mga matanda sa kaniyang bayan at pangungusapan siya: at kung siya’y tumayo at sabihin niya, Ayaw kong kunin siya;
9. Ang asawa nga ng kapatid ay paroroon sa kaniya sa harap ng mga matanda at huhubarin ang panyapak niya sa kaniyang mga paa, at luluran siya sa mukha; at siya’y sasagot at sasabihin, Ganyan ang gagawin sa lalake, na ayaw magtayo ng sangbahayan ng kaniyang kapatid.
10. At ang kaniyang pangala’y tatawagin sa Israel, Ang bahay ng hinubaran ng panyapak.
- DEUTERONOMIO 25:5-10

Ang aral ni Cristo ay nagtuturo ng kabanalan sa layunin ng pag-aasawa upang maiwasan ang paghihiwalay.

4Ang bawat isa sa inyo ay dapat nakakaalam kung papaano niya mapigil ang kaniyang katawan para sa kabanalan at karangalan. 5Ito ay hindi dapat sa masasamang nasa ng laman kagaya ng mga Gentil na hindi nakakakilala sa Diyos. 6Gayundin, ang sinuman ay hindi dapat magmalabis at magsamantala sa kaniyang kapatid sa anumang bagay sapagkat ang Panginoon ang tagapaghiganti patungkol sa lahat ng mga bagay na ito. Ito ay tulad ng sinabi namin sa inyo nang una pa man at aming pinatotohanang lubos. 7Ito ay sapagkat hindi tayo tinawag ng Diyos sa karumihan kundi sa kabanalan. 8Kaya nga, ang nagtatakwil sa mga katuruang ito ay hindi nagtatakwil sa tao kundi sa Diyos na siya ring nagbigay sa atin ng kaniyang Banal na Espiritu.

- 1 TESALONICA 4:4-8
31Sinabi rin naman: Ang sinumang lalaking magpalayas sa kaniyang asawa ay bigyan niya siya ng kasulatan ng paghihiwalay. 32Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang lalaking magpalayas sa kaniyang asawa, maliban na lamang sa dahilan ng pakikiapid, ay nagtutulak sa kaniya upang mangalunya. At sinumang magpakasal sa babaeng hiniwalayan ay nagkakasala ng kasalanang sekswal.
- MATEO 5:31-32

Ang Kautusan ay mabigat kaya’t maging ang mga Judio na pinagkatiwalaan nito ng Diyos ay hindi ito napasan (GAWA 15:5-11). Mahigpit ang tuntunin nito at may katapat na sumpa at parusa sa bawat paglabag at ang mga nagkakasala ng mabigat ay walang-awang pinapatay ngunit sa kabila nito ay naging masuwayin parin ang mga Israelita.

Sinasabi sa kasulatan na ang Kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises ngunit ang pag-ibig at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Cristo. Ang salita na Diyos na mamamalagi kailanman na siyang MABUTING BALITA na patungkol kay Cristo Hesus ay puno ng pag-ibig at ito ay higit na naging mabisa sa paghihikayat sa mga na sumunod sa Diyos.

Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos at higit na matalas ito kaysa sa alin mang tabak na may dalawang talim. Bumabaon ito hanggang sa ikapaghihiwalay ng kaluluwa at ng espiritu at ng kasu-kasuan at utak ng buto. Nakakatalos ito ng mga pag-iisip at mga saloobin ng puso.
- HEBREO 4:12

Kaya’t gaano man kamakasalanan ang isang tao, may pag-asa siyang maligtas kung siya’y magbabalik-loob sa Diyos. Napalalambot ng pag-ibig ng Diyos ang mga pusong masuwayin, ito ang dakila at walang kundisyong niyang pag-ibig na ipinadama sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang bugtong na Anak.

15Narito ang isang mapagkakatiwalaang pananalita at karapat-dapat na lubos na tanggapin: Si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakapusakal sa mga makasalanan. Subalit ang dahilan kung bakit niya ako kinahabagan ay upang maipakita ni Jesucristo ang kaniyang buong pagtitiyaga una sa akin, upang maging isang huwaran sa mga sasampalataya sa kaniya at nang magkamit ng buhay na walang hanggan.

- 1 TIMOTEO 1:15-16

Ito ay sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo na siyang nananahan sa puso ng bawat sumasampalataya sa kanya. Kaya naman, ang mga Kautusan ni Cristo ay nagiging magaan para sa mga sumasampalataya.

28Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29Pasanin ninyo ang aking pamatok at mag-aral kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob. At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. 30Ito ay sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.
- MATEO 11:28-30

Ang kanyang mga utos ay di mahirap sundin para sa mga taong umiibig sa Diyos.

Ang sinumang sumampalataya na si Jesus ang Mesiyas, ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. Ang sinumang umiibig sa kaniya na pinagmulan ng kapanganakan ay umiibig din naman sa kaniya na ipinanganak niya. 2Sa pamamagitan nito ay nalalaman natin na iniibig natin ang mga anak ng Diyos kung iniibig natin ang Diyos at sinusunod ang kaniyang mga utos. 3Ito ang pag-ibig ng Diyos: Tuparin natin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga utos ay hindi mabigat. 4Dahil ang sinuman na ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay nagtatagumpay sa sanlibutan at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya. 5Sino ang nagtatagumpay sa sanlibutan? Hindi ba ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos?
- 1 JUAN 5:1-5

Kaya naman, tayong mga Kristiyano ay buong pusong sumusunod sa kanyang mga utos, hindi dahil sa takot sa parusa kundi dahil sa ating pag-ibig sa kanya at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kanyang mga kabutihan sa atin. Ito ang tinutukoy na ganap na pag-ibig sa kasulatan:

13Sa ganitong paraan ay nalalaman natin na tayo ay nananatili sa kaniya at siya sa atin sapagkat ibinigay niya sa atin ang kaniyang Espiritu. 14Nakita namin at pinatunayang sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanlibutan. 15Ang sinumang kumikilalang si Jesus ay Anak ng Diyos, nananatili ang Diyos sa kaniya at siya ay nananatili sa Diyos. 16Alam natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin at sinampalatayanan natin ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos ay nananatili sa kaniya. 17Sa ganitong paraan, naging ganap sa atin ang pag-ibig upang tayo ay magkaroon ng katiyakan sa araw ng paghuhukom. Ito ay sapagkat kung ano nga siya ay gayundin tayo sa sanlibutang ito. 18Walang takot sa pag-ibig. Ang ganap na pag-ibig ay nagtataboy ng takot sapagkat ang takot ay kaparusahan. Ang natatakot ay hindi pa nagiging ganap sa pag-ibig.
- 1 JUAN 4:13-19

Umiiwas tayo sa kasalanan at lumalayo sa kasamaan at mga kalayawan hindi dahil sa mga pagbabawal na nababasa natin sa Kautusan ni Moises kundi dahil sa puso natin ay nasusulat ang mga Kautusan ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang Espiritu na nangungusap sa ating mga puso at budhi kaya naman dahil sa pag-ibig na siyang kabuuan ng mga Kautusan ay nagiging natural na sa atin ang paggawa ng mga bagay na matuwid at mabuti. Dahil sa Espiritung naghahari sa ating buhay ay nararamdaman natin sa kaibuturan ng ating mga puso na hindi na tayo nalulugod sa mga makamundong bagay at mga kasalanan na dati nating kinahuhumalingan noong hindi pa tayo nakakakilala sa Diyos. Ito ang bagong buhay ayon sa Espiritu.

6Ngunit ngayon, tayo ay patay na sa dating gumagapos sa atin. Tayo nga ay pinalaya sa kautusan upang tayo ay maglingkod sa pagbabago sa espiritu at hindi sa lumang titik ng kautusan.

- ROMA 7:6

Kaya’t hindi tayo nagmamalaki sa mga mabubuting bagay na ating nagagawa bagkus ay ibinibigay natin ang lahat ng kapurihan sa Diyos.

7Ngunit siya na nagmamalaki ay magmalaki sa Panginoon. 18Ito ay sapagkat hindi ang nagpaparangal sa kaniyang sarili ang katanggap-tanggap, kundi siya na pinararangalan ng Panginoon ang katanggap-tanggap.
-2 CORINTO 10:17-18
Ito ay sapagkat kapag iniisip ng sinuman na siya ay mahalaga, na hindi naman siya mahalaga, dinadaya niya ang kaniyang sarili. 4Ngunit suriin ng bawat isa ang sarili niyang mga gawa. Kung magkagayon, makakapagmapuri siya sa kaniyang sarili lamang at hindi sa iba. 5Ito ay sapagkat ang bawat isa ay dapat magbata ng bahagi na dapat niyang pasanin.
- GALACIA 6:3-5

Sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng pagnanasa at kakayahang gawin ang mga bagay na ayon sa kanyang kalooban at magagawa natin ito kung tayo mananatili sa pananampalataya.

3Ang dahilan nito ay gumagawa sa inyo ang Diyos upang naisin at gawin ninyo ang kaniyang mabuting kaluguran.

- FILIPOS 2:13

Tayo ay nagiging matuwid, lumalago sa pananampalataya at nababago sa araw-araw sa pamamagitan ng ating pagkakilala kay Cristo bunga ng ating mga pag-aaral at pagsasabuhay ng kanyang mga salita. Kaya tayo’y nagtitiis dahil sa ating pag-asa sa buhay na walang hanggang ipinangako ng Diyos.

Subalit anumang mga bagay na kapakinabangan sa akin, ang mga iyon ay itinuturing kong kalugihan alang-alang kay Cristo. 8Oo, sa katunayan itinuturing kong kalugihan ang lahat ng bagay para sa napakadakilang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kaniya, tinanggap ko ang pagkalugi sa lahat ng bagay at itinuring kong dumi ang lahat ng mga ito, makamtan ko lamang si Cristo. 9Sa ganoon, ako ay masumpungan sa kaniya, hindi sa pamamagitan ng sarili kong katuwiran na ayon sa kautusan kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at ang katuwiran na mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya. 10Ito ay upang makilala ko siya at ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay at ang pakikipag-isa sa kaniyang mga paghihirap, upang matulad ako sa kaniya, sa kaniyang kamatayan.
- FILIPOS 3:7-10

At habang nakikilala natin si Cristo ng lubusan ay nagiging kawangis niya tayo. Kaya tayo’y nagsisikap na maging kabahagi sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Kaligtasan sapagkat nararamdaman natin sa ating mga puso ang awa at pag-ibig sa ating mga kapwa tao na nasa ilalim pa ng kapangyarihan ni satanas, ang damdaming ito ay ang mismong damdamin ng Ama at ng Anak na labis ang pag-ibig sa mga taong nilikha niyang kawangis niya na siya ring nag-iibig na lahat ay maligtas. At kung matututunan natin ang pag-ibig na ito, awa sa halip na galit ang mararamdaman natin maging sa mga taong hindi kaibig-ibig at gumagawa sa atin ng masama. At pag nagawa nating ibigin maging ang ating mga kaaway ay malaki ang posibilidad na maantig ang kanilang matitigas na puso at sila ay maakit natin sa pagbabalik-loob sa Diyos, nang sa gayon, tunay ngang tayong mga Kristiyano ay magiging daluyan ng pag-ibig at pagpapala ng Diyos tungo sa sangkatauhan…

Taglay namin ang kayamanang ito sa sisidlang putik nang sa gayon ang kahigitan ng kapangyarihan ay mapasa-Diyos at hindi sa amin. 8Sa magkabi-kabila, sinisiil kami, ngunit hindi nagigipit, naguguluhan kami ngunit hindi lubos na nanghihina. 9Inuusig kami ngunit hindi pinababayaan, nabubuwal ngunit hindi nawawasak. 10Taglay naming lagi sa aming katawan ang kamatayan ng Panginoong Jesus upang maipakita rin sa aming katawan ang buhay ni Jesus. 11Ito ay sapagkat kami na nabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan alang-alang kay Cristo. Ito ay upang ang buhay rin naman ni Jesus ay makita sa aming katawang may kamatayan. 12Kaya nga, ang kamatayan ay gumagawa sa amin, ngunit ang buhay ay gumagawa sa inyo.

13Sa pagkakaroon ng iisang espiritu ng pananampalataya, ayon sa nasusulat:
Ako ay sumampalataya, kaya ako ay nagsalita.

Kami ay sumampalataya, kaya kami rin ay nagsalita. 14Alam namin na siya na nagbangon sa Panginoong Jesus ay siya ring magbabangon sa amin sa pamamagitan ni Jesus at ihaharap na kasama ninyo. 15Ito ay sapagkat ang lahat ng mga bagay ay alang-alang sa inyo upang ang biyaya na sumasagana sa marami ay magparami ng pasasalamat para sa kaluwalhatian ng Diyos.

- 2 CORINTO 4:7-15

SA DIYOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN. . . AMEN!

Tuesday, August 25, 2009

SUMPA ANG DULOT NG PANANANGAN SA KAUTUSAN NI MOISES O SAMPUNG UTOS NG LUMANG TIPAN

ANG KAUTUSAN AT ANG PANANAMPALATAYA

ANG KAUTUSAN AT ANG PANANAMPALATAYA (Pag-aaral sa kahulugan ng nasusulat sa Aklat ng Galacia 3:10-14)
ANG NAGSISIKAP NA MAGING MATUWID SA PANINGIN NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PAGTUPAD SA KAUTUSAN AY NAPAHIWALAY NA KAY CRISTO AT WALA NANG KARAPATAN SA HABAG NG DIYOS.” - GALACIA 5:4
” ANG LAHAT NG NANANANGAN SA PAGSUNOD SA KAUTUSAN AY NASA ILALIM NG ISANG SUMPA. SAPAGKAT NASAAD SA KASULATAN; SUMPAIN ANG HINDI TUMUTUPAD SA LAHAT NG NASUSULAT SA AKLAT NG KAUTUSAN.
-GALACIA 3:10

Ang Kautusan ay ibinigay ng Diyos sa mga Israelita kasama ng mga tuntunin at mga batas nang sila ay makalabas sa Egipto.

“Ito ang Kautusang ibinigay ni Moises sa mga Israelita, mga batas at tuntuningipinahayag niya nang sila’y makalabas sa Egipto.”
- DEUT. 4:44-45
Ang Aklat ng Kautusan ay naglalaman hindi lamang ng “Sampung Utos” kundi pati ng mga utos at mga tuntunin. Isa na rito ay ang “IKAPU”, ito ay wala sa sampung utos ngunit ito ay tuntunin sa ilalim ng Kautusan. Ang iba pang utos at mga tuntunin ay mababasang lahat sa aklat ng Exodo, Levitico, Bilang at Deuteronomio. Basahin ang Deuteronomio 5:21, 10:12-22, 11:1-7 bilang karagdagang teksto.

Ang Kautusan ang batayan ng Unang Tipan na di katulad ng batayan sa Bagong Tipan tulad ng sinasabi sa
2 CORINTO 3:6:

” Niloob niyang kami’y maging lingkod ng Bagong Tipan, tipang hindi nababatay sa Kautusangnakatitik kundi sa Espiritu.”
Nararapat na sunding lahat ang mga utos at tuntuning nasusulat sa Aklat ng Kautusan upang magkamit ng pagpapala at buhay tulad ng tagubilin ni Moises kay Aaron na mababasa sa Josue 1:7-8 at 23:6. Ang paglabag sa isang utos ay katumbas ng paglabag sa lahat ng iba pang mga utos tulad ng sinasabi sa Galacia 3:10 na siya ring tinutukoy sa Santiago 2:10-13:

Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat. Sapagkat ang nagsabing ” Huwag kang mangangalunya” ay siya ring nagsabing “Huwag kang papatay.” Hindi ka nga nangangalunya ngunit pumapatay ka naman, lumabag ka din sa Kautusan. Kaya’t mag-ingat kayo sa inyong kilos at pananalita, sapagkat hahatulan kayo ayon sa kautusang nagpalaya sa inyo. Walang habag na hahatulan ng Diyos ang di marunong mahabag, ngunit ang mahabagi’y walang dapat ikatakot sa oras ng paghatol.”

Ipinapakita sa talatang ito na ang batas ng Kautusan ay napakahigpit. Ang paglabag sa isang utos ay katumbas ng paglabag na rin sa lahat ng iba pang mga utos. Halimbawa na lamang sa sampung utos, tuparin man ng isang tao ang siyam at labagin naman ang isa, lumabag sya sa buong sampung utos. Ito po ay sampung utos pa lamang, napakarami pang mga tuntunin na sinasabing dapat ding sunding lahat ang nasusulat sa Aklat ng Kautusan.
Ayon sa Deuteronomio 4:1-2:

“ Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo ng matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. HUWAG NINYO ITONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN. Sundin ninyo ito ng WALANG LABIS AT WALANG KULANG.”
Kaya’t sinasabi na mag-ingat sa salita at kilos na nangangahulugang huwag humatol sa kapwa ng batay sa Kautusan dahil lahat ay nagkasala at nakagawa ng paglabag sa Kautusan. Ito ang sinasabi sa Roma 1:2-4:
“Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, palibhasa, ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng gayon. Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa niyon. Akala mo ba’y makaiiwas ka sa hatol ng Diyos kung hatulan mo ang mga gumagawa ng mga maling gawaing ginagawa mo rin? O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya’y napakabuti, mapagpigil, at mapagpaumanhin? Hindi mo ba alam na binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at magbagong-buhay kaya napakabuti niya sa iyo? Kaya’t huwag kayong humatol nang wala sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayo’y natatago sa kadiliman at ipahahayag ang mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa’y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos.
- 1 CORINTO 4:5

Ang mga Kristiano ay hahatulan ng di ayon sa Kautusan kundi ayon sa Kautusan ni Cristo na siyang nagpalaya sa bawat sumasampalataya- ito ang salitang sinalita ni Cristo na kinakasihan ngEspiritu- ang Mabuting Balita.

“ Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman.”
At ito ang Mabuting Balitang ipinangaral sa inyo.”
– PEDRO 1:25
May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw.
- JUAN 12:48

Ang Espiritu ang nagpalaya sa mga sumasampalataya sa batas ng kasalanan at kamatayan …

Wala na ako sa ilalim ng batas ng
kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng batas ng
Espiritung nagbibigay-buhay, bunga
ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
- ROMA 8:2
Ang Espiritu ay mahabagin kaya’t sinabi din na walang dapat ikatakot sa oras ng paghatol ang mga mahabagin.
Kaya’t ang pasiya ng Diyos ay
nasasalig sa kanyang habag at hindi
sa kalooban o pagsisikap ng tao.”
-ROMA 9:16“Sapagkat hinayaan ng Diyos na maalipin ng kanilang kasalanan ang lahat ng tao upang maipadama sa
kanila ang kanyang habag.
-ROMA 11:32
Mahabagin ang Espiritu, ngunit ito’y hindi nangangahulugan na tayo’y maaaring makapagpatuloy sa pagkakasala. Tayo ay nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos at ito ay nangangahulugan na ang kaligtasan ay mula sa kanyang habag sa atin. Ito ay isang biyaya sapagkat siya ang gumawa ng paraan upang maging posible ang kaligtasang ito sa kabila ng hindi natin pagkatupad sa buong Kautusan. Ngunit hindi ito nangangahulugang tatanggapin LANG natin at wala na tayong gagawin upang maligtas. Kailangan nating manatiling sumusunod sa kanyang kalooban – dapat tayong mamuhay ng naayon sa Ebanhelyo upang makapanatili sa pananampalataya nang sa gayon ay magkamit ng ganap na kaligtasan dahil ang kaligtasang na tamo natin ng tayo’y tumanggap kay Cristo sa pamamagitan ng bautismo ay KALIGTASAN SA KASALANAN, kung hindi tayo mag-iingat ay maari uli tayong maalipin ng kasalanan at mapahiwalay kay Cristo, at pag ganito ang nangyari ay hindi tayo maliligtas. Higit na parusa ang tatanggapin ng mga humahamak sa Espiritu. Ang mga taong hindi nagpapahalaga sa kagandahang loob ng Diyos ay mapapahamak ng magpawalang-hanggan sapagkat sila’y tumanggi sa pagkakataong ibinibigay ng Diyos sa kanila na makapanumbalik.

“Gaanong kabigat na parusa, sa akala ninyo, ang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, sa lumapastangan sa dugo na nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, sa humamak sa
mahabaging Espiritu?”
- HEBREO 10:29

“Kung habang nagsisikap tayong mapaging-matuwid sa pamamagitan ni Cristo, ay nasumpungan pa tayo sa ating mga sarili na mga makasalanan, si Cristo ba, kung gayon, ay tagapaglingkod ng kasalanan? Huwag nawang mangyari. 18Ito ay sapagkat kung itatayo kong muli ang mga bagay na winasak ko na, pinatutunayan ko lamang na ako ay isang manlalabag ng Kautusan. 19Ito ay sapagkat ako, sa pamamagitan ng Kautusan ay namatay sa Kautusan, upang ako ay mabuhay sa Diyos. 20Napako ako sa krus na kasama ni Cristo, gayunman ako ay nabubuhay. Ngunit hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya ng Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin. 21Hindi ko winalang-kabuluhan ang biyaya ng Diyos sapagkat kung ang pagiging-matuwid ay sa pamamagitan ng Kautusan, si Cristo ay namatay ng walang-kabuluhan.
- GALACIA 2:17-21
Tayo’y iniligtas ni Cristo sa kapangyarihan ng kasalanan upang:

1. MANATILI SA KANYANG MGA ARAL

“Ang nagtataglay ng aking mga utos at

tumutupad nito ay siyang umiibig sa akin. Ang

umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama. Siya

ay iibigin ko at ipahahayag ko sa kaniya ang

aking sarili.” - JUAN 14:21

Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo. - JUAN 8:31-32

Sa sinumang sumasalangsang at hindi

nananatili sa aral ni Cristo ay wala sa kaniya

ang Diyos. Siya na nananatili sa aral ni Cristo,

ang Ama at ang Anak ay nasa kaniya.”

- 2 JUAN 1:9

2. MAMUHAY NG MATUWID

Kung paano nga ang pagtipon at pagsunog sa apoy ng masasamang damo, gayundin ang mangyayari sa katapusan ng kapanahunang ito. 41Susuguin ng Anak ng Tao ang kaniyang mga anghel. Titipunin nila sa labas ng kaniyang paghahari ang lahat ng bagay na nakakapagpatisod at ang mga hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos. 42Ihahagis nila ang mga ito sa nagniningas na pugon ng apoy. Dito magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin. 43Kung magkagayon ang mga matuwid ay magliliwanag katulad ng araw sa paghahari ng kanilang Ama. Ang mga may pandinig ay makinig.”
- MATEO 13:40-43
“Sa ganitong paraan nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo. Ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay hindi sa Diyos.”
- 1 JUAN 3:10

3. MAGBUNGA NG MABUBUTING GAWA

“Darating ang Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian kasama ng mga banal na anghel. Kapag siya ay dumating, siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian. 32Titipunin niya ang lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan. Ihihiwalay niya sila sa isa’t isa katulad ng paghihiwalay ng pastol sa mga tupa mula sa mga kambing. 33Itatalaga niya ang mga tupa sa kaniyang kanang kamay, ngunit ang mga kambing ay sa kaniyang kaliwa.
34Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa mga nasa kaniyang kanang kamay: Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang paghaharing inihanda sa inyo mula pa nang itatag ang sanlibutan. 35Ito ay sapagkat nagutom ako at binigyan ninyo ako ng makakain. Nauhaw ako at binigyan ninyo ako ng maiiinom. Ako ay naging taga-ibang bayan at ako ay inyong pinatuloy. 36Ako ay naging hubad at dinamitan ninyo. Nagkasakit ako at ako ay inyong dinalaw. Nabilanggo ako at ako ay inyong pinuntahan.


37Sasagot naman ang mga matuwid sa kaniya: Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain ka namin o nauhaw at binigyan ng maiinom? 38Kailan ka namin nakitang naging taga-ibang bayan at pinatuloy ka o naging hubad at dinamitan ka namin? 39Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at dumalaw kami sa iyo?


40Sasagot ang hari sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.


41Sasabihin din niya roon sa mga nasa kaliwa: Lumayo kayo sa akin, mga isinumpa. Doon kayo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel. 42Ito ay sapagkat nagutom ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng makakain. Nauhaw ako ngunit hindi ninyo ako binigyan ng maiinom. 43Ako ay naging taga-ibang bayan ngunit hindi ninyo ako pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit hindi ninyo ako dinamitan. Nagkasakit ako at nabilanggo ngunit hindi ninyo ako dinalaw.


44Sasagot din sila sa kaniya: Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging taga-ibang bayan, o naging hubad o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?


45Siya ay sasagot sa kanila na sinasabi: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, hindi rin ninyo ito ginawa sa akin.


46Ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan. Ngunit ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan.”

- MATEO 25:31-46
Tayo ay labis na magsaya at magalak
at tayo ay magbigay ng kaluwalhatian sa kaniya sapagkat
sumapit na ang kasal ng Kordero. At ang kaniyang
kasintahang babae ay nakahanda sa kaniyang sarili.
8At binigyan siya ng karapatan ng Diyos upang magsuot
ng kayong lino na dalisay at makintab.

Ang telang ito ay kumakatawan sa matutuwid na gawa ng mga banal.

- PAHAYAG 19:7-8
Kailangan nating maging matuwid upang maligtas sa poot ng Diyos at magkamit ng buhay na walang hanggan. Upang maging matuwid, tayo ay kailangang gumawa ng katuwiran at lumayo sa kalikuan, gumawa ng kabutihan sa halip na kasamaan, magpaka-banal sa halip na magpatuloy sa kasalanan sapagkat ayon sa salita ng Diyos:
14Pinagpala ang mga tumutupad sa kaniyang mga utos. Sila ay magkakaroon ng karapatang kumain mula sa punong-kahoy ng buhay at pumasok sa mga tarangkahan ng lungsod. 15Ngunit sa labas ng mga ito ay mananatili ang mga aso, ang mga gumagawa ng panggagaway, mga mapakiapid, mga mamamatay-tao, mga mapagsamba sa diyos-diyosan at bawat gumugusto sa kasinungalingan at ang mga sinungaling.
- PAHAYAG 22:14-15
Ang pahayag na ito ay hindi salungat sa sinasabi ng bibliya na “ang kaligtasan ay dahil sa biyaya ng Diyos at hindi sa pagsisikap ng tao“. Ang kaligtasan ay tunay na BIYAYA mula sa Diyos dahil siya ang tutulong sa atin upang MAGING MATUWID. Kung tayo ay MANANAMPALATAYA kay Cristo sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga aral ng Ebanghelyo, tayo ay magpapabautismo sa gayon ay mahuhugasan ang ating mga kasalanan at ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang kanyang Espiritu na siyang tutulong sa atin upang ating magawa ang kalooban niya, sapagkat ang pagnanasa na gumawa ng matuwid at ang kakayayahang gawin ito ay mula sa Diyos gaya ng nasasabi:
“Ang dahilan nito ay gumagawa
sa inyo ang Diyos upang naisin at gawin ninyo ang kaniyang mabuting kaluguran.”
- FILIPOS 2:13
Ito ay isang biyaya sapagkat hindi tayo aasa sa ating sariling kakayanan upang maging matuwid dahil sa katotohanan ay hindi natin kayang maging matuwid sa ating sarili lamang kahit pa ano pang gawin nating pagsisikap dahil likas na sa atin ang pagiging makasalanan. Ngunit dahil sa ginawa ni Cristo, may pag-asa tayo na maging matuwid at maligtas kung tayo ay makikipag-isa sa kanya at pasasakop sa kanyang paghahari dahil tutulungan niya tayo na gawin ang mga mabubuting bagay na nais nya upang tayo ay mabanal at maging marapat sa Diyos.

WALANG SINUMANG NAKATUPAD SA LAHAT NG NASUSULAT SA AKLAT NG KAUTUSAN

” Ngunit sinasabi mong Judio ka at nananalig sa Kautusan at ipinagmamalaki mo ang iyong kaugnayan sa Diyos. Nalalaman mo ang kanyang kalooban at nakikilala ang mabubuting bagay, sapagkat itinuro sa iyo ng Kautusan. Ang palagay mo’y tagaakay ka ng bulag, tanglaw ng nadirimlan, tagapayo sa mga hangal, at tagapagturo ng mga bata, yamang natuklasan mo sa Kautusan ang buong kaalaman at katotohanan. Nagtuturo ka sa iba, bakit di mo turuan ang iyong sarili? Nangangaral ka laban sa pagnanakaw, bakit ka nagnanakaw? Sinasabi mong huwag mangalunya, ngunit nangangalunya ka naman! Nasusuklam ka sa mga diyus-diyusan, bakit ka pumapasok sa mga templo nito, makapagnakaw lamang? Ipinagmamalaki mong saklaw ka ng Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pagsuway mo sa Kautusan! Sapagkat nasusulat,” Ang pangalan ng Diyos ay nilalait ng mga Hentil dahil sa inyo.”
- ROMA 2:17-24

SAPAGKAT LAHAT AY NAGKASALA KAYA’T WALANG NAKAABOT SA PAMANTAYAN NG DIYOS

“Ano nga? Tayo bang mga Judio ay nakalalamang sa mga Hentil? Hindi! Sapagkat napatunayan namin na nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan ang lahat ng tao, maging Judio o Griego. Ayon sa nasusulat: ” Walang matuwid, wala kahit isa;Walang nakauunawa, walang humahanap sa Diyos. Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama; Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.” ” Ang lalamunan nila’y tulad ng libingang bukas, Ang kanilang mga labi’y ginagamit sa pandaraya.”” Dila nila’y makamandag na parang ulupong.” ” Puno ng panunungayaw at masasakit na salita ang kanilang bibig.” ” Matulin ang kanilang mga paa sa pagbububo ng dugo. Parang dinaanan ng salot ang kanilang madaanan, Hindi nila alam ang daan ng kapayapaan.”
-ROMA 3:9-17

KAYA’T ANG KAUTUSAN NA DAPAT MAGDULOT NG BUHAY AT PAGPAPALA AY NAGDULOT NG KAMATAYAN AT SUMPA.

Noong una, nabuhay ako nang walang Kautusan; datapwat nang malaman ko ang utos, nabuhay ang kasalanan
at ako ang namatay. Ang utos ding ito na dapat sanang magdulot ng buhay ay nagdulot sa akin ng kamatayan. Sapagkat kinasangkapan ng kasalanan ang utos upang ako’y dayain, at sa gayon, napatay nga niya ako. Ang Kautusan ay banal, at ang bawat utos ay banal, matuwid at mabuti. Ibig bang sabihi’y ang mabuting bagay pa ang nagdulot sa akin ng kamatayan? Hindi! Ang kasalanan ang pumatay sa akin sa pamamagitan ng mabuti — sa pamamagitan ng utos. Sa gayon, napatunayan kung gaano kasama ang kasalanan. Alam natin na espirituwal ang Kautusan, ngunit ako’y makalaman at alipin ng kasalanan.
-ROMA 7:9-13

“Sa kadahilanang ito, sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan.
Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat. 13Ito ay sapagkat ang kasalanan ay nasa sanlibutan na bago pa ibinigay ang kautusan. Ngunit nang wala pa ang Kautusan ang kasalanan ay hindi ibinibilang. 14Subalit ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises. Ito ay naghari maging sa kanila na ang kasalanan ay hindi tulad ng pagsalangsang ni Adan na siyang larawan ng paparating na.
-ROMA 5:12-14

Basahin ang Oseas 2:8-13, 4:1-4, Jeremias 5:20-25 at Roma 7:14-25 para sa karagdagang teksto.

KAYA’T WALANG NAPAGING-GANAP ANG KAUTUSAN

“Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng KAUTUSAN …”

-GALACIA 3:11

“MALIWANAG KUNG GAYON, NA WALANG TAONG IBIBILANG NA MATUWID SA PANINGIN NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG KAUTUSAN SAPAGKAT, “ANG PINAWALANG-SALA SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA AY MABUBUHAY.”

- GALACIA 3:11

“Ito’y lalo pang naging maliwanag nang magkaroon ng ibang saserdoteng katulad ni Melquisedec. Naging saserdote siya dahil sa kapangyarihan ng buhay na kailanma’y di matatapos, at hindi dahil sa lahi — ayon sa tuntunin ng Kautusan. Sapagkat ito ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa kanya,” Ikaw ay saserdote magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.” Kung gayon, inalis ang unang tuntunin dahil sa ito’y mahina at walang bisa.Sapagkat walang napaging-ganap ang Kautusan; ngunit higit na mabuti ang bagong pag-asang tinanggap natin — sa pamamagitan nito’y nakalalapit na tayo sa Diyos.
-HEBREO 7:15-19
ANG PAGPAPAWALANG-SALA NG DIYOS AY HINDI NABABATAY SA MGA GAWA AYON SA KAUTUSAN
“Kaya nga, kung magkagayon, ang Kautusan ba ay laban sa mga pangakong ibinigay ng Diyos? Huwag nawang mangyari. Ito ay sapagkat kung maaring makapagkaloob ng isang Kautusan na makakapagbigay ng buhay, tunay ngang ang pagpapaging-matuwid ay sa pamamagitan ng Kautusan. 22Subalit ang hangganang itinakda ng kasulatan ay, ang bawat isa ay nasa ilalim ng kasalanan upang ang pangako na dumating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa lahat ng mga nananampalataya.”
- GALACIA 3:21-22
Saan pa makapagmamalaki? Wala na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? Sa pamamagitan ba ng mga gawa? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.”
- ROMA 3:27

ANG PAGPAPAWALANG-SALA NG DIYOS AY SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA
“Subalit ngayon, ang katuwiran ng Diyos ay inihayag nang hiwalay sa Kautusan. Ito ay pinatotohanan ng kautusan at ng mga propeta. Ang katuwirang ito ng Diyos ay sa pamama-gitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Ito ay para sa lahat at sa kanilang lahat na sumampalataya dahil walang pagkakaiba. Ito ay sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”
- ROMA 3:21-23

“Kami ay likas na mga Judio, at hindi kami mga makasalanang Gentil. Alam natin na ang isang tao ay hindi pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng gawa ng Kautusan kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Tayo rin ay sumampalataya kay Cristo Jesus upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kautusan. Kaya nga, walang sinumang mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kautusan.”
- GALACIA 2:15-16
“Sa ganito ring paraan, si Abraham
ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang
sa kaniya na katuwiran.

Kaya nga, alamin ninyo na ang mga anak ni Abraham ay mga sumasampalataya. Nakita na nang una pa sa kasulatan na pinapaging-matuwid ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Noon pa ay ipinahayag na ng kasulatan ang ebanghelyo kay Abraham:
Pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa sa
pamamagitan mo.
Ito ay upang ang may pananampalataya ay pinagpapalang kasama ni Abraham na sumampalataya.”
- GALACIA 3:6-9

ANG PINAWALANG-SALA SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA AY WALA NA SA ILALIM NG KAUTUSAN

“Mga kapatid, hindi ba ninyo alam na ang Kautusan ay naghahari sa tao habang siya ay nabubuhay? Ako ay nagsasalita sa mga taong nakakaalam ng Kautusan. Ang babaeng may asawa ay nakatali sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng Kautusan habang nabubuhay ang lalaki. Kapag ang lalaki ay namatay, ang asawang babae ay malaya na sa Kautusan na patungkol sa asawang lalaki. Kaya nga, ang babae ay tatawaging mangangalunya kung magpapakasal siya sa ibang lalaki. Ito ay kung buhay pa ang kaniyang asawang lalaki. Ngunit kapag ang kaniyang asawa ay namatay na, siya ay malaya na sa Kautusan. Hindi siya tatawaging mangangalunya kahit na magpakasal siya sa ibang lalaki. Kaya nga, mga kapatid, kayo rin ay ginawa nang mga patay sa Kautusan upang kayo ay mapakasal sa iba. Ito ay sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, na ibinangon mula sa mga patay upang tayo ay magbunga para sa Diyos. Ito ay sapagkat nang tayo ay likas pang makalaman, ang makasalanang hangarin na galing sa Kautusan ay gumagawa sa mga bahagi ng ating katawan. Gumagawa ito upang tayo ay magbunga patungo sa kamatayan. Ngunit ngayon, tayo ay patay na sa dating gumagapos sa atin. Tayo nga ay pinalaya sa Kautusan upang tayo ay maglingkod sa pagbabago sa espiritu at hindi sa lumang titik ng Kautusan.”
- ROMA 7:1-6

“Ngunit nang ang takdang panahon ay dumating, isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak na ipinanganak ng isang babae at ipinanganak sa ilalim ng Kautusan.
Ito ay upang tubusin ang mga nasa ilalim ng Kautusan at upang matanggap natin ang pagkaampon bilang mga anak. Sapagkat kayo ay mga anak, isinugo ng Diyos ang Espiritu ng kaniyang Anak sa inyong mga puso na tumatawag: “Ama”. Kaya nga, ikaw ay hindi na isang alipin, subalit isa nang anak. At kung ikaw ay isang anak, ikaw rin naman ay tagapagmana ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.

- GALACIA 4:4-7
“Ang lahat ay pinapaging-matuwid ng Diyos nang walang bayad sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, sa pamamagitan ng katubusan na na kay Cristo Jesus. Siya ang itinalaga ng Diyos na maging kasiya-siyang handog sa pamamagitan ng pagsampalataya sa kaniyang dugo, upang ipakita ng Diyos ang kaniyang katuwiran ay ipinagpaliban niya ang kahatulan sa mga nakalipas na kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang kahinahunan. Ginawa niya ito upang ipakita ang kaniyang katuwiran sa kasalukuyang panahon sapagkat siya ay matuwid at tagapagpaging-matuwid sa kanila na sumasampalataya kay Jesus.
-ROMA 3:24-26

Ang mga pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo
ay sinasabing nagpapahalaga sa Kautusan bagama’t hindi na saklaw ng Kautusan dahil ang bawat nakipagkaisa kay Cristo ay mayroon nang bagong buhay kaya’t umiiwas na sa pagkakasala, ibig sabihin ay di na gaanong lumalabag sa Kautusan at kung magkasala man ay hindi mabibigat na kasalanan di tulad ng dating buhay na walang pakundangan sa paggawa ng kasalanan.

“Ano na ngayon? Tayo ba ay magpapatuloy sa kasalanan dahil hindi tayo nasa ilalim ng Kautusan kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.
Hindi ba ninyo alam na kung kanino ninyo ipinaubaya ang inyong sarili bilang alipin, kayo ay mga alipin niya na inyong sinusunod? Ito man ay sa kasalanan patungong kamatayan o sa pagsunod patungong katuwiran. Kayo ay mga dating alipin ng kasalanan. Ngunit salamat sa Diyos, dahil mula sa puso ay sinunod ninyo ang katuruang ibinigay sa inyo. Sa inyong paglaya mula sa kasalanan kayo ay naging mga alipin ng katuwiran.Dahil sa kahinaan ng inyong katawan ako ay nagsasalita bilang tao sapagkat ipinaubaya ninyo ang mga bahagi ng inyong mga katawan na mapaalipin sa karumihan at walang pagkakilala sa Kautusan patungo sa walang pagkakilala sa Kautusan ng Diyos. Sa gayunding paraan ipaubaya ninyo ngayon ang mga bahagi ng inyong katawan na mga alipin ng katuwiran patungo sa kabanalan. Nang kayo ay mga alipin pa ng kasalanan, malaya kayo sa katuwiran. Anong bunga nga ang nakuha ninyo sa mga bagay na ikinakahiya ninyo ngayon? Ito ay sapagkat ang wakas ng mga bagay na iyon ay kamatayan. Ngunit ngayong nakalaya na kayo mula sa kasalanan at naging mga alipin ng Diyos, nagkabunga kayo na patungo sa kabanalan. Ang wakas nito ay walang hanggang buhay. Ito ay sapagkat ang kabayaran nga ng kasalanan ay kamatayan ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
- ROMA 6:15-23


“NGUNIT ANG KAUTUSAN AY HINDI SA PANANAMPALATAYA
. SUBALIT ANG TAONG GUMAGANAP NG BAGAY NA ITO AY MABUBUHAY SA PAMAMAGITAN NITO.”
-GALACIA 3:12


ANG KAUTUSAN AY HINDI NASASALALAY SA PANANAMPALATAYA KUNDI SA SARILING GAWA
Ang Israel ay nagsikap sumunod sa Kautusan ng katuwiran ngunit hindi sila nakaabot sa katuwiran ng Kautusan. Bakit? Ito ay sapagkat hindi sila nagsikap sa pamamgitan ng pananampalataya kundi sa pamamagitan ng mga gawa ng Kautusan. Sila ay natisod sa batong katitisuran. Ayon sa nasusulat:
Narito, naglagay ako sa Zion ng batong katitisuran
at batong ikabubuwal nila. At ang bawat isang
sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
- ROMA 9:31-33


“Mga kapatid, ang mabuting kaluguran ng aking puso at dalangin sa Diyos para sa Israel ay maligtas sila. Pinatotohanan ko na sila ay may kasigasigan sa Diyos ngunit ang kasigasigan nila ay hindi ayon sa lubos na kaalaman. Hindi nila alam ang katuwiran ng Diyos. At sapagkat sinisikap nilang maitatag ang kanilang katuwiran, hindi sila nagpapasakop sa katuwiran ng Diyos. Ito ay sapagkat si Cristo ang hangganan ng Kautusan patungo sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.”
- ROMA 10:1-4

ANG PANGAKO NG DIYOS KAY ABRAHAM AY NAUNA KAYSA PAGBIBIGAY NG KAUTUSAN
“Gayundin ang sinabi ni David. Sinabi niya na pinagpala ang isang tao kapag ibinibilang ng Diyos ang katuwiran na hiwalay sa mga gawa:
Pinagpala sila na mga pinatawad sa hindi nila
pagkilala sa Kautusan ng Diyos,
sila na ang mga
kasalanan ay tinakpan. Pinagpala ang taong
ang kasalanan ay hindi ibibilang ng Panginoon
sa kaniya sa anumang kaparaan.

Ito bang pagiging pinagpala ay para sa mga nasa pagtutuli lamang o para rin sa mga hindi nasa pagtutuli? Ito ay sapagkat sinasabi nating ang pananampalataya ay ibinilang na katuwiran kay Abraham. Papaano nga ito ibinilang? Ito ba ay nang tinuli na siya o nang bago pa siya tinuli? Hindi nang tinuli na siya kundi nang bago pa siya tuliin. Siya ay tumanggap ng tanda ng pagiging nasa pagtutuli. Ito ay tatak ng katuwiran na mula sa pananampalatayang nasa kaniya bago pa man siya tinuli. Ito ang tanda na siya ay magiging ama ng lahat na mga hindi nasa pagtutuli na sumampalataya upang ang katuwiran ay maibilang din sa kanila. Si Abraham ay hindi lamang ama ng mga nasa pagtutuli. Siya ay ama rin ng nasa pagtutuli na mga lumalakad sa mga bakas ng pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang hindi pa siya tuli.”
- ROMA 4:6-13
“Mga kapatid, ako ay nagsasalita ayon sa pananalita ng tao. Kahit na ito ay tipan lamang ng tao, kung ito ay pinagtibay, walang sinumang nagpapawalang-bisa o nagdadagdag nito. Ngunit ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang binhi. Hindi sinabi: Sa mga maraming binhi. Sa halip, ay sa iisa sinabi: At sa iyong binhi, at ang binhing iyan ay si Cristo. 17Ngayon ay sinasabi ko ito: Ang tipan ay pinagtibay na ng Diyos noong una pa man kay Cristo. Pagkalipas ng apat na raan at tatlumpung taon, ang Kautusan ay dumating ngunit hindi nito binawi sa tipan at hindi nito pinawalang-bisa ang pangako. 18Ito ay sapagkat kung ang mana ay nakabatay sa Kautusan, ito ay hindi na nakabatay sa pangako. Ngunit ang mana ay ipinagkaloob ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.”
- GALACIA 3:15-18
Sa simula pa bago ibigay ang Kautusan ay nasa plano na ng Diyos na ang mga Hentil o di tuli ay mapabilang sa mga pawawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya upang magkamit ng kanyang ipinangako kay Abraham at sa mga lahi nito.

IBINIGAY NG DIYOS ANG KAUTUSAN UPANG MAIPAKITA SA TAO KUNG ANO ANG PAGLABAG

“Kaya nga, ano ang layunin ng Kautusan? Ito ay idinagdag ng Diyos dahil sa pagsalansang, hanggang sa dumating ang binhi, na siyang binigyan ng pangako. Ang Kautusan ay itinakda sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan. Ang tagapamagitan ay hindi para sa isang panig lamang, ngunit ang Diyos ay iisa.
- GALACIA 3:19-20

“Kaya nga, sa pamamagitan ng mga gawa ng Kautusan walang taong mapapaging-matuwid sa harapan niya sapagkat ang lubos na pagkaalam sa kasalanan ay sa pamamagitan ng Kautusan.
- ROMA 3:20

ANG KAUTUSAN ANG NAGING TAGA-PAGTURO SA MGA JUDIO HABANG WALA PA SI CRISTO KAYA SI CRISTO ANG HANGGANAN NG KAUTUSAN

“Ngunit bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nabilanggo sa ilalim ng Kautusan, at nilagyan ng hangganan para sa pananampalataya na ihahayag pagkatapos. Kaya nga, ang Kautusan ang naging patnugot natin upang tayo ay dalhin kay Cristo at upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngayon, kapag dumating na ang pananampalataya, tayo ay hindi na sa ilalim ng isang patnugot.”
- GALACIA 3:23-25

ANG KAUTUSAN ANG NAGING DAHILAN NG PAGKAPOOT NG DIYOS DAHIL LALONG DUMAMI ANG PAGLABAG NANG MALAMAN NG TAO ANG MGA UTOS


“Ito ay sapagkat ang Kautusan ay nagbubunga ng galit, dahil kung walang Kautusan, walang pagsalangsang.”
- ROMA 4:15
“Ang ibig bang sabihin nito’y ang Kautusan pa ang siyang sanhi ng kasalanan? Hindi! Gayunman, hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan kung hindi dahil sa Kautusan. Kung hindi sinabi ng Kautusan,” Huwag kang mag-iimbot,” hindi ko sana nakilala kung ano ang pag-iimbot. Ngunit dahil sa Kautusan, ang loob ko’y pinukaw ng kasalanan sa lahat ng uri ng pag-iimbot. Sapagkat walang kasalanan kung walang kautusan.
- ROMA 7:7-8
ANG KAUTUSAN AY NAUUKOL LAMANG SA MGA PANLABAS NA ALITUNTUNIN
“Ngayon nga ang unang tipan ay may mga tuntunin sa pagsamba at mayroon ding isang banal na dako sa lupa. 2Ito ay sapagkat ang mga tao ay nagtayo ng isang tabernakulo. Tinawag nila ang unang silid na banal na dako. Dito nila inilalagay ang lagayan ng ilawan, ang mesa at ang tinapay na inilagay sa harap ng Diyos. 3At sa likuran ng ikalawang tabing ay isang silid na tinatawag nilang kabanal-banalang dako. 4Ito ay mayroong isang ginintuang dambana ng kamangyang at kaban ng tipan na ang bawat bahagi ay binalot ng ginto. Naglalaman ito ng sisidlang ginto na may lamang mana, ang tungkod ni Aaron na umusbong at ang tapyas ng bato ng tipan. 5Ang lugar ng kasiya-siyang handog ay nasa ibabaw ng kaban ng tipan at sa ibabaw noon ay kerubin ng kaluwalhatian. Ngunit hindi natin ngayon mapag-usapan ang mga bagay na ito nang isa-isa.

6Kapag ang lahat ng bagay ay maihanda na nang ganito, ang mga saserdote ay laging pumapasok sa unang silid upang gampanan ang kanilang paglilingkod. 7Ngunit ang pinakapunong-saserdote lang ang pumapasok sa ikalawang silid minsan lang sa isang taon at lagi siyang may dalang dugo. Inihahandog niya ang dugo para sa kaniyang sarili at para sa mga nagawang kasalanan ng mga tao na hindi nila nalalaman. 8Ito ang ipinakikita ng Banal na Espiritu: Habang ang unang tabernakulo ay naroroon pa, hindi pa binubuksan ng Diyos ang daang patungo sa kabanal-banalang dako. 9Ito ay pagsasalarawan para sa kasalukuyang panahon kung saan ang mga kaloob at mga hain na kanilang inihandog ay hindi makakapaglinis ng budhi ng sumasamba. 10Ang mga ito ay binubuo ng pagkain at inumin at mga natatanging paraan ng paglubog at mga alituntunin ng tao. Iniutos ito ng Diyos hanggang sa panahon na babaguhin niya ang mga bagay.
Ang Dugo ni Cristo
11Ngunit si Cristo ay naging pinakapunong-saserdote ng magandang mga bagay na darating. Siya ay pumasok sa higit na mahalaga at lalong ganap na tabernakulo na hindi ginawa ng mga kamay ng mga tao at hindi ito bahagi ng nilikhang ito. 12Pumasok siya, hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing o guya kundi sa pamamagitan ng sarili niyang dugo. At nang maganap na niya ang walang hanggang katubusan, pumasok siya sa kabanal-banalang dako nang minsan lamang at magpakailanman. 13Ang dugo ng mga toro at ng kambing at ang abo ng dumalagang baka, na iwiniwisik doon sa mga marurumi, ay nagpapabanal sa ikalilinis ng laman. 14Gaano pa kaya ang dugo ni Jesus na makakapaglinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa buhay na Diyos. Inihandog niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang walang kapintasan sa pamamagitan ng tulong ng walang hanggang Espiritu.”- HEBREO 9:1-14

“Ito ay sapagkat siya, na sa panlabas na anyo ay Judio, ay hindi tunay na Judio, maging ang pagtutuli sa panlabas na laman ay hindi tunay na pagtutuli? 29Ang tunay na Judio ay ang Judio sa kalooban at ang tunay na nasa pagtutuli ay sa puso, SA ESPIRITU at HINDI AYON SA TITIK NG KAUTUSAN. Ang papuri sa kaniya ay hindi mula sa tao kundi mula sa Diyos.”
- ROMA 2:28-29

Ang Kautusan ay tumitimo sa isip lamang ng tao at hindi sa puso. Kaya noo’y
nangako ang Diyos ayon kay Propeta Jeremias sa 31:31-33 na siya ring sinasabi sa Hebreo 10:15-18:

“At ang Banal na Espiritu rin ang nagpatotoo sa atin, una, sinabi niya:
16Akong Panginoon ay nagsasabi: Ito ang tipan
na gagawin ko sa kanila, pagkatapos ng mga
araw na iyon. Ilalagay ko ang aking mga
kautusan sa kanilang mga puso. At isusulat ko
rin ang mga ito sa kanilang mga kaisipan.
17Pagkatapos nito ay sinabi niya:
Hindi ko na kailanman aalalahanin pa ang
kanilang mga kasalanan at ang kanilang mga
hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos.
18Ngunit kung saan mayroong kapatawaran sa mga ito, hindi na kailangan pang maghandog ng mga hain para sa kasalanan.”
ANG PAGIGING-MATUWID AY KALOOB MULA SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANANALIG KAY CRISTO
“Sa ganoon, ako ay masumpungan sa kaniya, hindi sa pamamagitan ng sarili kong katuwiran na ayon sa Kautusan kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at ang katuwiran na mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya. 10Ito ay upang makilala ko siya at ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay at ang pakikipag-isa sa kaniyang mga paghihirap, upang matulad ako sa kaniya, sa kaniyang kamatayan. 11At sa anumang paraan ay makarating ako sa muling pagkabuhay ng mga patay.”
- FILIPOS 3:9-11
ANG PAGLILINGKOD NG MGA KRISTIYANO AY HINDI NABABATAY SA KAUTUSAN KUNDI SA BAGONG BUHAY AYON SA ESPIRITU
Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman. Mayroon kaming ganitong pagtitiwala sa pamamagitan ni Cristo patungkol sa Diyos. 5Hindi namin inaangkin na kaya naming gawin ang anumang bagay sa aming sarili. Wala kaming kakayahan sa aming sarili, subalit ang aming kakayahan ay sa Diyos.”
- 2 CORINTO 3:3-5
“Kaya nga, mga kapatid, kayo rin ay ginawa nang mga patay sa Kautusan upang kayo ay mapakasal sa iba. Ito ay sa pamamagitan ng katawan ni Cristo, na ibinangon mula sa mga patay upang tayo ay magbunga para sa Diyos. 5Ito ay sapagkat nang tayo ay likas pang makalaman, ang makasalanang hangarin na galing sa Kautusan ay gumagawa sa mga bahagi ng ating katawan. Gumagawa ito upang tayo ay magbunga patungo sa kamatayan. 6Ngunit ngayon, tayo ay patay na sa dating gumagapos sa atin. Tayo nga ay PINALAYA NA SA KAUTUSAN upang tayo ay maglingkod sa pagbabago sa espiritu at hindi sa lumang titik ng Kautusan.
- ROMA 7:4-6

ANG PAGLILINGKOD NG MGA KRISTIYANO AY BUNGA NG PANANAMPALATAYANG NAKIKITA SA MGA GAWANG UDYOK NG PAG-IBIG
“Ito ay sapagkat, kay Cristo Jesus, ang pagiging nasa pagtutuli at ang hindi pagiging nasa pagtutuli ay walang halaga. Subalit ang may kahalagahan ay ang pananampalatayang gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.”
- GALACIA 5:6
“Sa ganitong paraan ay nakilala natin ang pag-ibig ng Diyos sapagkat inialay na ni Jesus ang kaniyang buhay para sa atin. Kaya dapat din naman na ialay natin ang ating mga buhay para sa mga kapatiran. 17Kung ang sinuman ay may mga pag-aari sa sanlibutang ito at nakikita niya ang kaniyang kapatid na may pangangailangan at ipagkait sa kaniya ang habag, paano mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya? 18Munti kong mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita lamang ni ng dila lamang kundi sa pamamagitan ng GAWA at sa KATOTOHANAN.”
- 1 JUAN 3:16-18
“Mga kapatid ko, kung sabihin ng isang tao na siya ay may pananampalataya subalit wala siyang mga gawa, ano ang pakinabang noon? Maililigtas ba siya ng pananampalataya? 15Maaaring ang isang kapatid na lalaki o babae ay walang damit o kinukulang sa pang-araw-araw na pagkain. 16At ang isa sa inyo ay nagsabi sa kanila: Humayo kayo nang mapayapa. Magpainit kayo at magpakabusog. Ngunit hindi mo naman ibinigay sa kanila ang mga kailangan ng katawan, ano ang kapakinabangan noon? 17Ganiyan din ang pananampalataya, kung wala itong mga gawa, ito ay patay sa kaniyang sarili.”
- SANTIAGO 2:14-17
“NANG SI CRISTO AY NAGING SUMPA NANG DAHIL SA ATIN, TINUBOS NYA TAYO MULA SA SUMPA NG KAUTUSAN SAPAGKAT NASUSULAT:
” SUMPAIN ANG SINUMANG IBINITIN SA PUNONG-KAHOY.”
ITO AY UPANG ANG PAGPAPALANG IBINIGAY NG DIYOS KAY ABRAHAM AY DUMATING SA MGA HENTIL SA PAMAMAGITAN NI CRISTO JESUS. ITO AY UPANG SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA AY MATANGGAP NATIN ANG IPINANGAKONG ESPIRITU.”
- GALACIA 3:13-14
“Kaya nga, kung magkagayon, ang Kautusan ba ay laban sa mga pangakong ibinigay ng Diyos? Huwag nawang mangyari. Ito ay sapagkat kung maaring makapagkaloob ng isang Kautusan na makakapagbigay ng buhay, tunay ngang ang pagpapaging-matuwid ay sa pamamagitan ng Kautusan. 22Subalit ang hangganang itinakda ng kasulatan ay, ang bawat isa ay nasa ilalim ng kasalanan upang ang pangako na dumating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa lahat ng mga nananampalataya.

23Ngunit bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nabilanggo sa ilalim ng Kautusan, at nilagyan ng hangganan para sa pananampalataya na ihahayag pagkatapos. 24Kaya nga, ang kautusan ang naging patnugot natin upang tayo ay dalhin kay Cristo at upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. 25Ngayon, kapag dumating na ang pananampalataya, tayo ay hindi na sa ilalim ng isang patnugot.Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos. 27Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo. 28Walang pagkakaiba sa Judio at sa Griyego. Walang alipin o malaya man. Walang lalaki o babae sapagkat iisa kayong lahat kay Cristo Jesus.29Yamang kayo ay kay Cristo, BINHI kayo ni Abraham at mga TAGAPAGMANA ayon sa pangako.”
- GALACIA 3:21-29

GINANAP NI CRISTO ANG KAUTUSAN


“Huwag ninyong isiping naparito ako upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang sirain kundi upang tuparin ang mga ito. 18Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Lilipas ang langit at ang lupa ngunit kahit isang tuldok o isang kudlit sa Kautusan ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang matupad ang lahat.”

- MATEO 5:17-18

Ang kaganapang ito ang tinutukoy ni Jesus bago siya malagutan ng hininga sa krus ng kalbaryo:
“Pagkatapos nito, si Jesus na nakakaalam na ang lahat ng mga bagay ay naganap na, ay nagsabi: Ako ay nauuhaw. Sinabi niya ito upang matupad ang kasulatan. 29Mayroon doong nakalagay na isang sisidlang puno ng maasim na alak. Binasa nilang mabuti ng maasim na alak ang isang espongha. Inilagay nila ito sa isang sanga ng hisopo at idiniit sa kaniyang bibig. 30Nang matanggap na nga ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya: NAGANAP NA. Itinungo niya ang kaniyang ulo at ibinigay niya ang kaniyang espiritu.”

- JUAN 19:28-30
Ang katunayan nito ay mababasa din sa Lucas 24:25-27:
“Sinabi ni Jesus sa kanila: Kayo ay mga hindi nakakaunawa at hindi makapaniwala agad sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26Hindi ba kinakailangang dumanas ang Mesiyas ng mga bagay na ito at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27Ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng mga kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. Ipinaliwanag niya ito simula sa aklat ni Moises hanggang sa aklat ng lahat ng mga propeta.”
“Pagkatapos, binuksan niya ang kanilang mga pang-unawa upang maunawaan nila ang mga kasulatan. 46Sinabi niya sa kanila: Sa ganitong paraan ito ay naisulat at sa ganito ring paraan kinakailangang ang Mesiyas ay maghirap at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. 47Sa ganitong paraan ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat maihayag sa lahat ng mga bansa sa kaniyang pangalan, simula sa Jerusalem. 48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. 49Narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama. Ngunit manatili kayo sa lungsod ng Jerusalem hanggang kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.”
- LUCAS 24:45-49

“Kaya nga, sa pagsalangsang ng isang tao, napasalahat ng tao ang kaparusahan. Sa gayunding paraan, sa gawa ng katuwiran ng isang tao, napasalahat ng tao ang pagpapaging-matuwid ng buhay. 19Ito ay sapagkat sa pagsuway ng isang tao, marami ang naging mga makasalanan. Sa gayunding paraan, sa pagsunod ng isang tao, marami ang magagawang matuwid. Upang dumami ang pagsalangsang, nagkaroon ng Kautusan, ngunit sa pagdami ng kasalanan lalong sumagana ang biyaya. 21Kaya kung papaano ngang naghahari ang kasalanan patungo sa kamatayan, gayundin ang biyaya ay maghahari sa pamamagitan ng katuwiran patungo sa buhay na walang hanggan. Ito ay sa pamamagitan ni Jesucristo, ang ating Panginoon”
- ROMA 5:18-21
Ang pagganap ni Cristo sa Kautusan ay nagbunga ng pagkakasundo at pagiging-isa ng mga Judio at Hentil. Sapagkat ang Kautusan ang dahilan ng alitan na nagsisilbing pader sa pagitan ng mga Judio at Hentil.
Ikaw na nagmamalaki patungkol sa Kautusan, sa pagsuway mo sa Kautusan, nilalapastangan mo ba ang Diyos? 24Ito ay sapagkat tulad ng nasusulat:
Dahil sa iyo, nagkaroon nga ng pamumusong sa
pangalan ng Diyos sa gitna ng mga Gentil.
- ROMA 2:23-24
Ito ang dahilan kung bakit kailangang manampalataya din ang mga Judio upang sila’y mapalaya sa ilalim ng Kautusan at maipagkaisa sa mga Hentil at sa gayon din ay mapalaya sa sumpa ng Kautusan at pagka-alipin sa kasalanan at mabigyan ng panibagong buhay tulad ng mga sumampalatayang mga Hentil sapagkat ang Iglesia ng Diyos na siyang katawan ni Cristo ay binubuo ng mga Judio at Hentil na kanyang pinag-isa.

“Ito ay sapagkat siya ang ating kapayapaan. Pinag-isa niya ang dalawa. Kaniyang giniba ang gitnang dinding na humahati. 15Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, PINAWALANG-BISA niya ang pag-aalitan, ang BATAS NG KAUTUSAN na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan. 16At upang kaniyang pagkasunduin ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus, na dito ang pag-aalitan ay pinatay niya.
- EFESO 2:14-16

“Sa kaniya, kayo ay nasa pagtutuli hindi sa pamamagitan ng mga kamay, upang hubarin ninyo ang mga kasalanan sa laman, sa pamamagitan ng pagiging nasa pagtutuli na kay Cristo. 12Kayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bawtismo. Dito, kayo rin naman ay muling binuhay na kasama niya sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, sa paggawa ng Diyos na bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.
Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. BINURA na niya ang nasulat na mga BATAS na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus.”
- COLOSAS 2:11-14

ANG NAGSISIKAP NAMAGING MATUWID SA PANINGIN NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PAGTUPAD SA KAUTUSAN AY NAPAHIWALAY NA KAY CRISTO AT WALA NANG KARAPATAN SA HABAG NG DIYOS.- GALACIA 5:4
MAYROONG DALAWANG BAGAY NA MAAARING MAKAPAGPAHIWALAY SA ATIN KAY CRISTO
1. ANG PANANANGAN SA KAUTUSAN UPANG MAGING MATUWID AY PAGPAPAWALANG-KABULUHAN SA KALOOB NG DIYOS AT SA KAMATAYAN NI CRISTO SA KRUS.
Pananampalataya o Pagsunod sa Kautusan
“O mangmang na mga taga-Galacia, sino ang bumighani sa inyo upang huwag ninyong sundin ang katotohanan? Malinaw naming ipinaliwanag sa inyo ang patungkol kay Jesucristo na ang mga tao ang nagpako sa kaniya. 2Ito lamang ang ibig kong malaman mula sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng Kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya? 3Ganyan ba kayo kamangmang? Kayo ay nagsimula sa pamamagitan ng Espiritu. Kayo ba ngayon ay ginawang ganap sa pamamagitan ng gawa ng tao? 4Kayo ba ay naghirap sa maraming bagay para lang sa walang kabuluhan, kung ito nga ay walang kabuluhan? 5Ibinibigay ng Diyos sa inyo ang kaniyang Espiritu at gumagawa ng mga himala sa inyong kalagitnaan. Kaya nga, ginawa ba niya ito sa pamamagitan ng mga gawa ng Kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya?”
- GALACIA 3:1-5
Hindi ko winalang-kabuluhan ang biyaya ng Diyos sapagkat kung ang pagiging-matuwid ay sa pamamagitan ng Kautusan, si Cristo ay namatay ng walang-kabuluhan.”
- GALACIA 2:21
2. ANG PAGPAPATULOY SA PAGKAKASALA AY HINDI PANANATILI O KUSANG PAGHIWALAY KAY CRISTO AT TANDA NG PAGIGING ANAK NG DIABLO.
“Nalalaman ninyo na siya ay nahayag upang alisin ang ating mga kasalanan at sa kaniya ay walang kasalanan. Sinumang nananatili sa kaniya ay hindi nagkakasala. Ang sinumang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya o nakakilala sa kaniya.
Mga anak, huwag ninyong hayaang iligaw kayo ninuman. Ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid na gaya niyang matuwid. Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo sapagkat ang diyablo ay nagkakasala na buhat pa sa pasimula. Ang Anak ng Diyos ay nahayag sa dahilang ito upang wasakin niya ang mga gawa ng diyablo. Ang sinumang ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan sapagkat ang kaniyang binhi ay nananatili sa kaniya. At hindi siya maaaring magkasala sapagkat ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. Sa ganitong paraan nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo. Ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay hindi sa Diyos.”
- 1 JUAN 3:5-10
Nangangahulugan ito na kung sasadyain natin pagkakasala ay mapapahiwalay tayo kay Cristo. Ang mga Cristiano ay nagkakasala parin bunga ng kahinaan ngunit hindi nagpapatuloy sa pagkakasala sapagkat kung tayo ay mananatili kay Cristo, tayo ay makakaiwas sa pagkakasala. Gaya ng sinasabi sa SANTIAGO 1:12-15:
“Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya.
13Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman. 14Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang masidhing pita at siya ay nasisilo nito. 15Kapag ang masidhing pita ay naglihi, ito ay nanganganak ng kasalanan. Kung ang kasalanan ay naganap, ito ay nagbubunga ng kamatayan.”
BUOD
Kung tayo ay mananangan pa sa Kautusan upang maging matuwid ay mapapahiwalay na tayo kay Cristo at mawawalan ng karapatan sa habag ng Diyos. Nangangahulugan ito na hindi natin tinatanggap o pinahahalagahan ang kaloob ng Diyos. Ito ay magbubunga sa atin ng sumpa gaya ng sinasabi sa Galacia 3:10 dahil kung tayo mananangan pa sa Kautusan, nararapat na lahat ng mga utos at tuntunin doon ay ating susundin-hindi maaaring mamili lang tayo ng ilang utos o tuntunin. Ito ay pagpapakita ng katigasan ng puso at hindi pagsunod sa kapamaraanan ng Diyos gaya ng sinasabi sa R0ma 10:1-3. At kung tayo ay magpapatuloy sa sariling kapamaraanang ito ay matitisod tayo katulad ng nangyari sa Israel na sinasabi sa Roma 9:31-33.
Kung tayo naman ay magpapatuloy pa sa kasalanan matapos nating tanggapin ang kaloob na pagpapawalang-sala ng Diyos, hindi tayo makakapanatili kay Cristo. Ito ay magbubunga sa atin ng kapahamakan. Gaya ng sinabi ni Cristo sa Juan 15:5-6, wala tayong magagawa kung tayo’y hiwalay sa kanya. Matutulad tayo sa isang sangang nahiwalay sa puno na matutuyo pagkatapos ay susunugin. Nangangahulugan ito ng pag-abuso o paglapastangan sa dugo ni Cristo na ipinangtubos sa ating mga kasalanan at ito ay paghamak sa mahabaging Espiritu. Ang bunga nito ay higit pang kasamaan gaya ng sinasabi sa 2 Pedro 2:20-22, mas magiging masahol pa ang kalagayan kaysa dati ang tao at ito ay magbubunga ng mas matinding kaparusahan gaya ng sinasabi sa Hebreo 10:29-31 sapagkat hindi natin pinahalagahan ang kaligtasang ibinigay sa atin ng Diyos.
Kung gayon, papaano tayo makakatakas kung pinabayaan natin ang gayong napakadakilang kaligtasan? Ang Panginoon mismo ang unang nagsalita patungkol dito at pinagtibay ito sa atin ng mga nakarinig sa kaniya.”- HEBREO 2:3
Ang Kautusan ni Moises ay ay mabigat at mahigpit kaya maging mga Judio na pinagkatiwalaan nito ay hindi ito naganap ng buo. Mababasa ito sa GAWA 15:5-11. Kaya’t ang pagpapawalang-sala ng Diyos ay ayon sa kanyang kagandahang loo, siya ang gumawa ng paraan upang tayo’y makalapit sa kanya at ito ay sa pamamagitan ng kanyang Anak gaya ng sinabi ni Cristo sa JUAN 14:6 na siya ang DAAN, ang Katotohanan at Buhay. Bagama’t mahigpit ang Kautusan ay hindi nito nagawang paging-matuwid ang mga tao dahil sa likas na kahinaan ng tao bunga ng pumasok na kasalanan sa sangkatauhan dahil sa pagsuway ni Adan. Ito ang dahilan kaya sinugo ng Ama ang kanyang Anak.

“Ito ay sapagkat ang Kautusan ay mahina sa pamamagitan ng makalamang kalikasan, kaya ito ay walang kapangyarihan. Isinugo ng Diyos ang sarili niyang anak na nasa anyo ng taong makasalanan upang maging hain para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sa laman ay hinatulan na niya ang kasalanan. 4Upang matupad ang matuwid na hinihiling ng Kautusan sa atin na mga lumalakad nang hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu.
- ROMA 8:3-4
Ang Kautusan ni Cristo ay magaan gaya ng kanyang sinabi sa MATEO 11:28-30 at sinabi din ni apostol Juan sa 1 JUAN 5:3-4. Ito ay mabisa sapagkat ang nililinis at binabago nito ay ang PUSO o kalooban ng tao dahil ang kasalanan ay nag-uugat sa puso ng tao gaya ng sinasabi sa MARCOS 7:21-23. Ang Espiritu na nananahan sa ating puso ay magbubunga ng PAG-IBIG - GALACIA 5:22-26 at iba pang magandang katangian na tutulong sa atin upang maging madali ang ating pagsunod sa mga utos ni Cristo. Sapagkat ang kabuuan ng mga utos ni Cristo ay PAG-IBIG. Gaano man kahirap gawion ang isang bagay, kung tayo ay may pag-ibig ay madali natin itong magagawa at matututunan lang natin ang pag-ibig na ito na nasusulat sa 1CORINTO 13 kung tayo ay mananatili sa pag-ibig ng Diyos gaya ng sinasabi sa JUAN 13:34-35, JUAN 15:10-12 at 1 JUAN 4:16-21. Nauunawaan ng Diyos ang ating mga kahinaan kaya huwag tayong mag-atubili na lumapit sa kanya gaya ng sinasabi sa HEBREO 4:14-16, dahil may nakalaan siyang pagpapatawad at paglilinis kung tayo’y magkasala man basta’t ipahayag lang natin ito sa kanya at ihingi ng tawad at ito ang sinasabi sa 1 JUAN 1:8-9. At siya rin ang tutulong sa atin sa pamamagitan ng kanyang Espiritu upang maganap natin ang kanyang mga utos - JUAN 14:26 nang sa gayon, tayo ay makapanatili sa kanyang Anak na Si Jesus - 1 JUAN 2:27 at ito ay magbunga sa atin ng matuwid na pamumuhay upang tayo’y magkamit ng ating inaasahang BUHAY NA WALANG-HANGGAN.
“Ito ay sapagkat ang biyaya ng Diyos na nagdadala ng kaligtasan ay nahayag sa lahat ng mga tao. 12Ito ay nagtuturo na dapat tayong mamuhay sa kasalukuyang panahon na may mabuting paggamit ng isip, mamuhay na matuwid at mamuhay na may pagkilala sa Diyos. Mamuhay tayong tumatanggi sa hindi pagkilala sa Diyos at makamundong pagnanasa. 13Mamuhay tayo nang ganito habang hinihintay ang mapagpalang pag-asa at marilag na pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesucristo. 14Ibinigay niya ang kaniyang sarili para sa atin upang tubusin niya tayo mula sa lahat ng hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos at malinis niya para sa kaniyang sarili, ang tao na kaniyang pag-aari, masigasig sa mabubuting gawa.”
- TITO 2:11-14