Monday, March 29, 2010
ANG KALIGTASAN PARA SA LAHAT
“Ang lahat ng mga bagay ay para sa Diyos at siya ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Nang siya ay magdala ng maraming anak sa kaluwahatian, nararapat na gawin niyang ganap ang may akda ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng kahirapan. 11Sapagkat siya na nagpapaging-banal at ang mga pinaging-banal ay kabilang sa iisang sambahayan. Kaya ito ang dahilan na kung tawagin niya silang mga kapatid ay hindi siya nahihiya. 12Sinabi niya:
13At muli sinabi niya:
At muli sinabi niya:
Ito ay sapagkat tayo ang nasa pagtutuli, tayo na mga sumasamba sa Diyos sa Espiritu at mga nagmamalaki dahil kay Cristo Jesus, at hindi nagtitiwala sa gawa ng tao. 4Bagaman ako ay maaari ding magtiwala sa gawa ng tao.
PAGTUTUON NG PANINGIN SA MGA BAGAY NA HINDI NAKIKITA
PAGTUTUON NG PANINGIN SA MGA
BAGAY
NA HINDI NAKIKITA
1. PANANAMPALATAYA – si CRISTO ang siyang
pinagmulan at nagpapasakdal nito.
Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.
- HEBREO 12:2
Maitutuon natin ang ating paningin sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga salita ng ating Panginoong Hesu-Cristo sa ating mga isip at puso at higit sa lahat ay ang pagsasagawa nito.
Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo’y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
-COLOSAS 3:16
Kaya’t ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang bahay sa ibabaw ng bato:At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin, at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka’t natatayo sa ibabaw ng bato.
- MATEO 7:24-25
Ang pag-aaral at pagsasagawa ng mga aral ni Cristo ay magbubunga sa atin ng matatag na pananampalataya sapagkat siya ang ating natatanging daan patungo sa Diyos Ama. Siya ang ating tagapamagitan na kung ating susundin ang kanyang mga utos ay sumusunod tayo sa Diyos Ama sapagkat lahat ng mga itinuturo ni Cristo ay nagmula sa kalooban ng kanyang Ama – ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus. Kaya nga, kung ilan tayong mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma’y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios: Lamang, ay magsilakad tayo ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.
- FILIPOS 3:14-16
Ang kaisipan ng mga may matatag na pananampalataya ay ang pagpapakatibay sa pamamagitan ng pakikipagkaisa kay Cristo.
Sa katapustapusa’y magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan. Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo. Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran, At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan; Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios: Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal . . .
- EFESO 6:10-18
2. PAG-ASA - ang Espiritu Santo ang ang katiyakan ng
pangako ng Diyos na buhay na walang-hanggan na
siyang inaasahan ng mga sumasampalataya.
“Na sa kaniya’y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng
katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa
kaniya rin naman, mula nang kayo’y magsisampalataya,
ay kayo’y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, Na
siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng
sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang
kaluwalhatian.”
- EFESO 1:13-14
“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay, Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo, Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon. Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama’t ngayo’y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli’t muling pagsubok, Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama’t ito’y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo . . .
- 1 PEDRO 1:3-7
Ang inaasahan ng bawat Cristiano ay ang buhay na walang-hanggan sa langit. Ang pag-asang ito ang dahilan kung bakit ang mga sumasampalataya ay hindi nanlulupaypay sa kabila ng mga kahirapan, kalungkutan, pag-uuusig, kapighatian at mga pagsubok na nararanasan sa mundong ito. Tayo ay nagpapatuloy sa pagsunod sa Diyos at hindi nagsasawa sa paggawa ng mabuti sapagkat alam natin na ito ay magbubunga ng buhay na hahantong sa langit. Ang taong hindi tunay na nakakakilala sa Diyos ay nawawalan ng pag-asa kapag dumating ang pagsubok sa buhay. Ang iba ay nasisiraan ng bait at may mga nagpapakamatay dahil sa kawalan ng pag-asa tulad ng sinasabi sa kasulatan na pinakakawawa ang tao na ang pag-asa sa Diyos ay nauukol lamang sa buhay sa mundong ito. Ngunit sa ating mga sumasampalataya, nalalaman nating lahat ng kahirapan dito sa daigdig ay may katapusan, at ang pag-asa natin sa buhay na walang-hanggan ang nagbibigay sa atin ng determinasyon na magpatuloy sa buhay na ito sa kabila ng mga kahirapan at di magagandang bagay na ating nararanasan dito.
“Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.”
- 1 CORINTO 15:19
“Sapagka’t nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa’y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay ipinanumpa ang kaniyang sarili, Na sinasabi, Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita. At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako. Sapagka’t ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa’t pagtatalo nila’y ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan. Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa; Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya’y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan: Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing; Na doo’y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.”
- HEBREO 6:13-20
Ang Espiritu Santo ang tatak sa atin ng Diyos na siyang nagbibigay sa atin ng katiyakan sa pag-asa sa buhay na walang-hanggan. Kaya sinasabi ng kasulatan na huwag nating pighatiin ang Espiritu upang ito’y manatiling nananahan sa ating mga puso. Sapagkat kung ito ay mapighati, aalis ito sa atin, ito ay babawiin ng Diyos at kapag ganito ang nangyari, mawawalan tayo ng pag-asa sa buhay na walang-hanggan. Ang taong nilayasan ng Espiritu ng Diyos ay nagbabalik sa kasamaan at lalo pang nagiging masama kaysa dati tulad ng sinabi ni apostol Pedro.Ito ang tinutukoy sa ng Panginoong Hesu-Cristo sa kanyang sinabi na “Pagbabalik ng Masamang Espiritu” na nasusulat sa Mateo.
“At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo’y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.”
- EFESO 4:30
Ang pagtutuon ng paningin sa PAG-ASA ay nangangahulugang pagtuon ng paningin sa Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos nang tayo’y sumampalataya at mabautismuhan. Upang maituon natin ang ating paningin sa Espiritu, kailangang MAMUHAY TAYO NG AYON SA ESPIRITU O LUMAKAD PALAGING KASAMA ANG ESPIRITU NG DIYOS habang tayo ay nabubuhay sa daigdig na ito. Ito ay nanagangahulugang pagtanggi natin sa nasa ng ating laman o pag-iwas sa mga gawang makalaman at pagsunod sa idinidikta sa atin ng Banal na Espiritu.
“Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka’t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari: At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios. Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa kaniya. At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. Nguni’t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo. Kaya nga, mga kapatid, mga may utang tayo, hindi sa laman, upang mabuhay ayon sa laman: Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios. Sapagka’t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa’t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito’y sumisigaw tayo, Abba, Ama. Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Dios: At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo’y lumuwalhati namang kasama niya. Sapagka’t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito’y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin. Sapagka’t ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios. Sapagka’t ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa. Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios.”
- ROMA 8:7-21
“At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t isa, nangagiinggitan sa isa’t isa.”
- GALACIA 5:19-26
3. PAG-IBIG - ang Diyos ay pag-ibig.
“Mga minamahal, mag-ibigan tayo sa isa’t isa sapagkat
ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang sa bawat isang
umiibig, ang kanilang kapanganakan ay mula sa Diyos at
nakakilala sa Diyos. 8Ang hindi umiibig ay hindi
nakakilala sa Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig. 9Sa
ganitong paraan nahayag ang pag-ibig ng Diyos sa atin
na sinugo ng Diyos ang kaniyang bugtong na Anak sa
sanlibutan upang tayo ay mabuhay sa pamamagitan
niya. 10Ganito ang pag-ibig, hindi sapagkat inibig natin
ang Diyos kundi dahil siya ang umibig sa atin at sinugo
ang kaniyang Anak bilang kasiya-siyang handog para sa
ating mga kasalanan.”
- 1 JUAN 4:7-10
a. PAG-IBIG SA DIYOS
“Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya’y iibigin ko, at ako’y magpapakahayag sa kaniya. Si Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano’t mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan? Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya’y iibigin ng aking Ama, at kami’y pasasa kaniya, at siya’y gagawin naming aming tahanan. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.”
- JUAN 14:21-24
Ang pag-ibig sa Diyos ay nanganagahulugang pagtupad sa mga utos ni Cristo, sapagkat ang mga bagay na sinalita ng ating Panginoong Jesus ay mula sa kanyang Ama na siyang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Kapag tinupad natin ang mga utos ni Cristo ay magpapakilala siya sa atin, mananahan sa atin ang Diyos Ama at Diyos Anak at ang pagpapakahayag sa atin ng Diyos ang magbibigay sa atin ng kakayahang mamuhay ng tapat sa Kanya.
“Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan; Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita. Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman; At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan; At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig. Sapagka’t kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. Sapagka’t yaong wala ng mga bagay na ito ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.”
- 2 PEDRO 1:3-9
b. PAG-IBIG SA MGA KAPATID
“Iniibig natin siya sapagkat siya ang unang umibig sa atin. 20Kung sinasabi ng isang tao: Iniibig ko ang Diyos, ngunit napopoot naman sa kaniyang kapatid, siya ay sinungaling. Ito ay sapagkat kung hindi niya iniibig ang kaniyang kapatid na kaniyang nakikita, paano niya maibig ang Diyos na hindi niya nakikita? 21Ito ang utos na ibinigay niya sa atin: Ang sinumang umiibig sa Diyos ay dapat din namang umibig sa kaniyang kapatid.”
- 1 JUAN 4:19-21
11Ito ang pangaral na inyong narinig buhat pa sa pasimula, na dapat tayong mag-ibigan sa isa’t isa. 12Huwag nating tularan si Cain na galing sa kaniya na masama. At malupit niyang pinatay ang kaniyang kapatid. Bakit malupit niyang pinatay ang kaniyang kapatid? Ito ay sapagkat masasama ang kaniyang mga gawa at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid. 13Mga kapatid ko, huwag kayong magtaka kapag kinapopootan kayo ng sangkatauhan. 14Nalalaman natin na lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay nananatili sa kamatayan. 15Sinumang napopoot sa kaniyang kapatid ay isang mamamatay-tao. Alam ninyong ang mamamatay-tao ay walang buhay na walang hanggan sa kaniya.
“Sa ganitong paraan ay nakilala natin ang pag-ibig ng Diyos sapagkat inialay na ni Jesus ang kaniyang buhay para sa atin. Kaya dapat din naman na ialay natin ang ating mga buhay para sa mga kapatiran. 17Kung ang sinuman ay may mga pag-aari sa sanlibutang ito at nakikita niya ang kaniyang kapatid na may pangangailangan at ipagkait sa kaniya ang habag, paano mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa kaniya? 18Munti kong mga anak, huwag tayong umibig sa pamamagitan ng salita lamang ni ng dila lamang kundi sa pamamagitan ng gawa at sa katotohanan.”
- 1 JUAN 3:11-18
C. PAG-IBIG SA KAPWA AT MAGING SA KAAWAY
“Narinig ninyong sinabi: Ibigin mo ang iyong kapwa at kapootan mo ang iyong kaaway. 44Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo. 45Ito ay upang kayo ay magiging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti. At binibigyan niya ng ulan ang mga matuwid at ang mga hindi matuwid. 46Ito ay sapagkat kung ang iibigin lamang ninyo ay ang mga umiibig sa inyo, anong gantimpala ang inyong makakamit? Hindi ba ganyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 47Kapag ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kahigitan ninyo sa iba? Hindi ba ganyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 48Kaya nga, kayo ay magpakasakdal tulad ng inyong Ama na nasa langit ay sakdal.”
- MATEO 5:43-48
“Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay
mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang
pangulo, sa makatuwid baga’y si Cristo; Na dahil sa
kaniya’y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at
nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa’t
kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa’t iba’t
ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay
ng kaniyang sarili sa pagibig.”
- EFESO 4:14-16
“Ito ay upang si Cristo ay manahan sa inyong mga puso
sa pamamagitan ng pananampalataya. 18Upang kayo na
nag-ugat at natatag sa pag-ibig, ay lubos na makaunawa,
kasama ng mga banal, kung ano ang lawak, ang haba,
ang lalim at ang taas ng pag-ibig ni Cristo. 19Nang sa
gayon kayo ay lubos na makaunawa ng pag-ibig ni Cristo
na nakakahigit sa kaalaman at upang kayo ay mapuspos
ng lahat ng kapuspusan ng Diyos.”
- EFESO 3:17-19
BUOD:
Ang kahulugan ng pagtutuon ng paningin sa mga bagay na hindi nakikita ay ang pamumuhay ng naaayon sa Mabuting Balita. Ang Mabuting Balita ang nagtuturo sa atin ng mga bagay na makalangit na pangwalang-hanggan at ito ay tumutukoy sa PANANAMPALATAYA, PAG-ASA at PAG-BIG. Maitutuon natin ang ating paningin sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga aral at utos ng ating Panginoong Hesu-Cristo na siyang magpapatibay ng ating pananampalataya. Sa paglakad ayon sa Espiritu Santo ay maitutuon natin ang ating paningin sa pag-asa. Ang pagibig ang pinakadakila sa lahat sapagkat ang Diyos mismo ang pag-ibig. Pag may pag-ibig, tiyak na mayroong pananampalataya at pag-asa sapagkat ayon sa 1 Corinto 13:6, ang pag-ibig ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay. Taglay ng pag-ibig ang lahat ng bunga ng Espiritu at ang pag-ibig mismo ang kabuuan ng mga utos ng Diyos.
Subscribe to:
Posts (Atom)