ANG LIHIM NA PANUKALA
4Sa inyong pagbasa nito ay
mauunawaan ninyo ang aking kaalaman sa hiwaga ni Cristo. 5Sa ibang
kapanahunan, ito ay hindi ipinaalam sa sangkatauhan na tulad ngayon. Ito ngayon ay inihayag sa mga banal niyang apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Espiritu. 6Ito ay upang sa
pamamagitan ng ebanghelyo, ang mga Gentil ay magiging kasamang tagapagmana at kaisang katawan at kasamang kabahagi sa kaniyang pangako na na kay Cristo.
- EFESO 3:4-6
Na ako’y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios, Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa’t ngayo’y ipinahayag sa kaniyang mga banal…
- COLOSAS 1:25-29
10Ang kaligtasang ito ay masusing sinisiyasat at sinusuri ng mga propetang naghayag sa biyayang darating sa inyo. 11Sinisiyasat nila kung sino at kung kailan mangyayari ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila. Ang Espiritu ang nagpatotoo noon pang una patungkol sa mga kahirapan ni Cristo at ang mga kaluwalhatiang kasunod nito. 12Ipinahayag ito sa kanila subalit hindi para sa kanilang sarili kundi ipinaglingkod nila ito para sa atin. Ang bagay na ito ay ibinalita ngayon sa inyo sa pamamagitan ng mga tagapangaral ng ebanghelyo. Nangaral sila sa pamamagitan ng Espiritu na isinugo mula sa langit. Mahigpit na hinahangad ng mga anghel na malaman ang mga bagay na ito.
- 1 PEDRO1:10-12
Ang panukalang ito ay nalihim ng matagal na panahon. Ito’y ipinagkatiwala kay Apostol Pablo upang kanyang maipahayag sa mga sumasampalataya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. At ito ang panukala:
7Na sa kaniya, ayon sa kasaganaan ng kanyang biyaya, tayo ay mayroong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran sa mga kasalanan. 8Pinasagana niya ang mga ito para sa atin sa lahat ng karunungan at kaalaman. Ginawa niya ito pagkatapos niyang ipaalam sa atin ang lahat ng hiwaga ng kaniyang kalooban ayon sa kaniyang mabuting kaluguran na nilayon niya sa kaniyang sarili. 10Ito ay para sa pangangasiwa ng kaganapan ng mga panahon na ang lahat ng mga bagay ay kaniyang pag-isahin kay Cristo, kapwa mga bagay sa kalangitan at mga bagay sa lupa.
- EFESO 1:7-10
5Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ang batas ng kautusan na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan. At upang kaniyang pagkasunduin ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus, na dito ang pag-aalitan ay pinatay niya. 17Sa kaniyang pagdating, inihayag niya ang ebanghelyo ng kapayapaan sa inyo na malayo at sa kanila na malapit. 18Sapagkat sa pamamagitan niya tayo ay kapwa may daan patungo sa Ama sa pamamagitan ng isang Espiritu.
19Kaya nga, hindi na kayo mga dayuhan at mga banyaga, subalit mga mamamayang kasama ng mga banal at ng sambahayan ng Diyos. 20Kayo ay naitayo sa saligan ng mga apostol at mga propeta. Si Jesucristo ang siya mismong batong-panulok. 21Sa kaniya ang lahat ng bahagi ng gusali na sama-samang pinaghugpong ay lumalago sa isang banal na dako sa Panginoon. 22Sa kaniya rin kayo ay sama-samang itinayo upang maging tirahan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.
- EFESO 2:15-22
2Ito ay upang mapalakas ang kanilang mga loob na magkaisa sila sa pag-ibig. At upang magkaroon sila ng lahat ng kayamanan ng lubos na katiyakan ng pang-unawa sa pagkaalam ng hiwaga ng Diyos, at ng Ama at ni Cristo. 3Sa kaniya natatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman.
- COLOSAS 2:2-3
Ang hiwagang nalihim ng matagal na panahon ay tungkol sa Mabuting Balita- ang kapatawaran ng mga kasalanan at katubusan sa pamamagitan ng dugo ni Cristo at ang pagiging-isa ng mga Judio at Hentil na dating mag-kaaway. Sapagkat Judio man o Hentil ay parehong nagkasala at nangangailangan ng biyaya mula sa Diyos upang maligtas. Ito ang lihim na panukala ng Diyos – ang sila’y pag-isahin upang maging tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Nguni’t nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio? Tayo’y mga Judio sa katutubo, at hindi mga makasalanang Gentil, Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman. Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin. Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: sapagka’t kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo’y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan.
- GALACIA 2:14-21
“Siya ang nagligtas at tumawag sa atin sa pamamagitan ng isang banal na pagtawag, hindi dahil sa ating mga gawa ngunit ayon sa kaniyang sariling layunin at biyaya. Ito ay ibinigay sa atin kay Cristo Jesus bago pa man nagsimula ang panahon. 10Ngunit ngayon, ito ay nahayag sa pamamagitan ng pagdating ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Pinawalang-bisa niya ang kapangyarihan ng kamatayan at dinala niya ang buhay at ang kawalan ng kamatayan sa liwanag ng ebanghelyo.”
- 2 TIMOTEO 1:9-10
DAHIL SA TAGUMPAY NI CRISTO.. SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA… SA BISA NG BAUTISMO.
“Ang lahat ng mga bagay ay para sa Diyos at siya ang pinagmulan ng lahat ng bagay. Nang siya ay magdala ng maraming anak sa kaluwahatian, nararapat na gawin niyang ganap ang may akda ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng kahirapan. 11Sapagkat siya na nagpapaging-banal at ang mga pinaging-banal ay kabilang sa iisang sambahayan. Kaya ito ang dahilan na kung tawagin niya silang mga kapatid ay hindi siya nahihiya. 12Sinabi niya:
Ipahahayag ko ang pangalan mo sa aking mga
kapatid. Aawitin ko ang iyong papuri sa gitna
ng iglesiya.
13At muli sinabi niya:
Ilalagak ko ang aking tiwala sa kaniya.
At muli sinabi niya:
Narito, ako at ang mga anak na ibinigay ng
Diyos sa akin.
14 Yamang ang mga anak ay may laman at dugo, siya din naman ay nakibahagi ng ganoon, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang mapawalang-bisa ang diyablo na siyang may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan. 15Gayundin sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang mapalaya ang sinumang natatakot sa kamatayan at sa kanilang buong buhay ay nasa ilalim ng pagkaalipin.”
- HEBREO 2:10-15
Sa pamamagitan ng pananalig sa bisa ng bautismo, ang isang tao ay makapapasok sa tipan ni Cristo at mapapabilang sa sambahayan ng Diyos na siyang Iglesia ng Diyos, Judio man sya o Hentil.
“Mula ngayon hindi na natin nakikila ang sinumang tao ayon sa makataong paraan. Kahit kilala natin si Cristo sa ganitong paraan noon, sa ngayon ay hindi na. Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago. Ang lahat ng mga bagay ay sa Diyos. Sa pamamagitan ni Jesucristo dinala niya tayo upang ipagkasundo sa kaniya. At ibinigay niya sa atin ang gawain ng paglilingkod para sa pakikipagkasundo. Papaanong sa pamamagitan ni Cristo ay ipinagkasundo ng Diyos ang sanlibutan sa kaniyang sarili, na hindi niya ibinibilang sa kanila ang kanilang mga pagsalangsang. Ipinagkatiwala niya sa amin ang salita ng pakikipagkasundo.”
- 2 CORINTO 5:16-19
11Sa kaniya, kayo ay nasa pagtutuli hindi sa pamamagitan ng mga kamay, upang hubarin ninyo ang mga kasalanan sa laman, sa pamamagitan ng pagiging nasa pagtutuli na kay Cristo. 12Kayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bawtismo. Dito, kayo rin naman ay muling binuhay na kasama niya sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, sa paggawa ng Diyos na bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.
13Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. 14Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus. 15Hinubaran na niya ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga kapamahalaan. Inilantad niya sila sa madla at inihayag niya ang kaniyang pagtatagumpay sa pamamagitan ng krus.
- COLOSAS 2:11-15
“Dahil din naman dito, mula nang araw na marinig namin ito, wala na kaming tigil sa pananalangin para sa inyo. Hinihiling namin na kayo ay mapuspos ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at espiritwal na pagkaunawa. 10Ito ay upang mamuhay kayong karapat-dapat sa Panginoon sa buong kaluguran, at upang kayo ay mamunga sa bawat gawang mabuti at lumalago sa kaalaman ng Diyos. 11At upang kayo ay lumakas sa kapangyarihan ayon sa kapangyarihan ng kaniyang kaluwalhatian sa buong pagtitiis at pagtitiyaga na may kagalakan. 12Magpasalamat kayo sa Ama na nagpaging-dapat sa atin na maging kabahagi ng mana ng mga banal sa kaliwanagan.”
- COLOSAS 1:9-12
27Sa kanila ay ipinasya ng Diyos na ipakilala ang kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na sumasainyo, ang pag-asa sa kaluwalhatian.
28Siya ang aming ipinahahayag. Binibigyan namin ng babala at tinuturuan ang bawat tao ng lahat ng karunungan, upang maiharap naming sakdal ang bawat tao kay Cristo Jesus. 29Dahil dito, nagpapagal din naman ako at nagsisikap ayon sa kaniyang paggawa na gumagawang may kapangyarihan sa akin.
- COLOSAS 1:27-29
“Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos. 27Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo. 28Walang pagkakaiba sa Judio at sa Griyego. Walang alipin o malaya man. Walang lalaki o babae sapagkat iisa kayong lahat kay Cristo Jesus. 29Yamang kayo ay kay Cristo, binhi kayo ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako.
- GALACIA 3:26-29
BAGONG BUHAY AYON SA ESPIRITU
6Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
- 2 CORINTO 3:6
4Ngunit, ang Diyos ay sagana sa kahabagan. Sa pamamagitan ng kaniyang dakilang pag-ibig, tayo ay inibig niya. 5Kahit noong tayo ay patay sa ating mga pagsalangsang ay binuhay niya tayong kasama ni Cristo. Sa pamamagitan ng biyaya kayo ay naligtas. 6Tayo ay kasamang binuhay at kasamang pinaupo sa kalangitan kay Cristo Jesus. 7Ito ay upang maipakita niya sa darating na mga kapanahunan ang nakakahigit na yaman ng kaniyang biyaya, sa kaniyang kabutihan sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
- EFESO 2:4-7
17Ito ay upang si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya. 18Upang kayo na nag-ugat at natatag sa pag-ibig, ay lubos na makaunawa, kasama ng mga banal, kung ano ang lawak, ang haba, ang lalim at ang taas ng pag-ibig ni Cristo. 19Nang sa gayon kayo ay lubos na makaunawa ng pag-ibig ni Cristo na nakakahigit sa kaalaman at upang kayo ay mapuspos ng lahat ng kapuspusan ng Diyos.
- EFESO 3:17-19
1. Hindi nanghahawak sa panlabas na tuntunin.
12Ito ay sapagkat hindi namin ipinagmamapuring muli ang aming mga sarili sa inyo. Ibinibigay namin ang pagkakataon sa inyo na kami ay inyong maipagmalaki, upang masagot ninyo sila na mga nagmamalaki ayon sa nakikita at hindi mula sa puso. 13Ito ay sapagkat kung wala kami sa aming sarili, iyon ay alang-alang sa Diyos. Kung kami naman ay nasa wastong pag-iisip, iyon ay alang-alang sa inyo. 14Ito ay sapagkat ang pag-ibig ni Cristo ang nag-uudyok sa amin. Dahil pinagpasiyahan namin na yamang may isang namatay para sa lahat, kung gayon ang lahat ay patay. 15Namatay siya para sa lahat upang sila na nabubuhay ay hindi na mamuhay para sa kanilang sarili. Sa halip, sila ay mamuhay para sa kaniya na namatay para sa kanila at muling nabuhay.
16Mula ngayon hindi na natin nakikila ang sinumang tao ayon sa makataong paraan. Kahit kilala natin si Cristo sa ganitong paraan noon, sa ngayon ay hindi na. 17Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.
- 2 CORINTO 5:12-17
Ito ay sapagkat tayo ang nasa pagtutuli, tayo na mga sumasamba sa Diyos sa Espiritu at mga nagmamalaki dahil kay Cristo Jesus, at hindi nagtitiwala sa gawa ng tao. 4Bagaman ako ay maaari ding magtiwala sa gawa ng tao.
Kung sinuman ay mag-aakala na siya ay may dahilan upang magtiwala sa gawa ng tao, lalo na ako. 5Tinuli ako sa ika-walong araw. Ako ay nanggaling sa lahi ng Israel, mula sa lipi ni Benjamin. Ako ay isang Hebreong nagmula sa mga Hebreo. Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kautusan, ako ay isang Fariseo. 6Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa kasigasigan, pinag-uusig ko ang iglesiya. Kung ang pag-uusapan ay patungkol sa pagiging matuwid na ayon sa kautusan, walang maipupula sa akin.
7Subalit anumang mga bagay na kapakinabangan sa akin, ang mga iyon ay itinuturing kong kalugihan alang-alang kay Cristo. 8Oo, sa katunayan itinuturing kong kalugihan ang lahat ng bagay para sa napakadakilang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kaniya, tinanggap ko ang pagkalugi sa lahat ng bagay at itinuring kong dumi ang lahat ng mga ito, makamtan ko lamang si Cristo. 9Sa ganoon, ako ay masumpungan sa kaniya, hindi sa pamamagitan ng sarili kong katuwiran na ayon sa kautusan kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at ang katuwiran na mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya. 10Ito ay upang makilala ko siya at ang kapangyarihan ng kaniyang muling pagkabuhay at ang pakikipag-isa sa kaniyang mga paghihirap, upang matulad ako sa kaniya, sa kaniyang kamatayan. 11At sa anumang paraan ay makarating ako sa muling pagkabuhay ng mga patay.
- FILIPOS 3:3-11
Ang taong ipinanganak na muli sa Espiritu ay may bagong nang puso na hindi nagtatangi ng tao, hindi tumitingin sa panlabas na anyo ng kapwa o nanghahawak sa mga bagay o gawang maipagmamalaki ng tao kundi ang higit na nakikita at pinahahalagahan ay ang pagkatao, ang mabuting kalooban, ang nasa puso ng tao.
4Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao. Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makakapagpabagsak ng matitibay na kuta. 5Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Cristo. 6Ito ay handang maghiganti sa lahat ng pagsuway kapag naganap na ang inyong pagsunod.
7Tinitingnan ba ninyo ang mga bagay sa panlabas na anyo? Kung ang sinuman ay naniniwala sa kaniyang sarili na siya ay kay Cristo, isipin niyang muli ito. Kung siya ay kay Cristo, kami rin naman ay kay Cristo.
- 2 CORINTO 10:4-7
2. Hindi ginagamit ang kalayaan sa paggawa ng masama.
13Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng
Diyos upang kayo ay maging malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa isa’t isa.
- GALACIA 5:13
Ang Salita ng Diyos ay Kumpleto sa Ika-Pagiging Dapat ng Bawat Sumasampalataya
3Ayon sa kaniyang kapangyarihan, ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng bagay na nauukol sa buhay at sa pagkamaka-Diyos sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaluwalhatian at kapangyarihan.
- 2 PEDRO 1:3
Ang lahat ng bagay na kailangan nating matutunan upang makasunod sa kalooban ng Diyos at maligtas sa kanyang poot ay nasusulat sa Bibliya- lahat ay nakapaloob sa mga utos at aral ng ating Panginoong Hesus. Kung may mga bagay man na ating ginagawa na hindi naka-detalye sa Kautusan ni Cristo, ito ay ang mga bagay na wala kinalaman sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa na kung ito ay ating gawin o hindi man ay hindi makaka-apekto sa ating espiritwal na buhay. Nilikha ng Diyos ang mga tao na di magkakapareho sa iba’t ibang aspeto ng buhay, sa ugali man, sa mga gusto, sa mga hilig at talento , kakayahan at iba pa. Pinalaya tayo sa ilalim ng Kautusan na may maraming ipinagbabawal sapagkat nais ng Diyos ay kusang pagsunod. Nais nya na tayo’y sumunod dahil sa ating pag-ibig sa kanya hindi lamang dahil sa pagkatakot sa parusa. Binigyan niya tayo ng kalayaang pumili. Ngunit, sa anumang ating gagawin, pinapayuhan tayo ng salita ng Diyos na suriin ang lahat ng mga bagay at piliin ang mabuti. Anumang bagay o gawain, naka-letra man sa Bibliya o hindi ay malalaman natin kung ito ay masama o mabuti batay sa bunga nito. Ang masamang bagay ay di magbubunga ng mabuti kailanman. Isang halimbawa ay ang patungkol sa droga. Sa bibliya ay hindi nakasulat na kasalanan ang mag-droga dahil noon ay wala pa ito. Ngunit nakikita natin ang mga masasamang bagay na idinudulot nito sa tao kaya alam nating malinaw na ito ay masama. Gayundin naman, hindi magbubunga ng masama ang gawang mabuti. Kaya anumang bagay o anumang ating ginagawa, di man naka-letra sa Bibliya ay masasabi nating mabuti batay sa bunga nito at matitiyak lalo natin na ito ay mabuti kung ito ay kasang-ayon sa diwa ng pag-ibig sapagkat anumang bagay na labag sa katangian ng pag-ibig na nasusulat sa 1 Corinto 13 ay tiyak na masama.
“Makikilala ninyo sila nang lubos sa pamamagitan ng kanilang mga bunga. Ang mga tao ba ay makakapitas ng mga ubas sa tinikan o ng mga igos sa dawagan? 17Maging ang bawat mabuting punong-kahoy ay nagbubunga ng mabuti. Ngunit ang isang masamang punong-kahoy ay nagbubunga ng masama. 18Ang isang mabuting punong-kahoy ay hindi makapagbubunga ng masama, ni ang masamang punong-kahoy ay makapagbubunga ng mabuti. 19Ang bawat punong-kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy. 20Kaya nga, sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila.”
- MATEO 7:16-20
21Suriin ninyo ang lahat ng mga bagay. Hawakan ninyo ang mabuti. 22Iwasan ninyo ang lahat ng anyo ng kasamaan.
- 1 TESALONICA 5:21-22
“Gawin ninyong mabuti ang punong-kahoy at mabuti ang magiging bunga nito. O kaya naman, pasamain ninyo ang punong-kahoy at masama ang magiging bunga nito. Ito ay sapagkat ang punong-kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 34O, kayong anak ng mga ulupong! Papaano kayo makakapagsalita ng mabubuting bagay gayong napakasama ninyo? Ito ay sapagkat mula sa kasaganaan ng puso nagsasalita ang bibig. 35Ang isang mabuting tao ay nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kayamanan ng kaniyang puso. Ang masamang tao ay kumukuha ng masasamang bagay mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso.”
- MATEO 12:33-35
3. Lumalakad ayon sa Espiritu
Ang Buhay sa Pamamagitan ng Espiritu
16Ngunit sinasabi ko: Mamuhay kayo ayon sa Espiritu upang hindi ninyo tuparin ang mga nasa ng laman. 17Ito ay sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa Espiritu at ang ninanasa ng Espiritu ay laban sa laman. Sila ay magkasalungat sa isa’t isa. Ito ay upang hindi mo gawin ang mga bagay na ibig mong gawin. 18Ngunit yamang kayo ay pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng kautusan.
19Ngayon ang mga gawa ng laman ay nahahayag. Ang mga ito ay ang pangangalunya, pakikiapid, karumihan, kahalayan. 20Mga pagsamba sa diyos-diyosan, pangkukulam, pag-aalitan, paglalaban-laban, paninibugho, pag-uumapaw sa poot, pagkamakasarili, pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi. 21Mga pagkainggit, pagpatay, paglalasing, magulong pagtitipon at mga bagay na tulad ng mga ito. Ito ay ipina-paunang sabi ko sa inyo katulad ng sinabi ko sa inyo noong una. Ang mga gumagawa ng ganoong mga bagay ay hindi magmamana ng paghahari ng Diyos.
22Ngunit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kagandahang loob, kabutihan, pananampalataya, 23kaamuan, pagpipigil sa sarili. Walang kautusan laban sa mga bagay na ito. 24Ngunit naipako na sa krus ng mga na kay Cristo ang laman kasama ang mga masasamang pita at mga pagnanasa nito. 25Yamang tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, nararapat lamang na tayo ay lumakad ng ayon sa Espiritu. 26Huwag tayong maghangad pa ng karangalang walang kabuluhan na kung hangarin natin ito, magkakainisan at magkakainggitan tayo sa isa’t isa.
- GALACIA 5:16-26
Ang taong may bagong buhay ayon sa Espiritu ay sumusunod sa dikta nito sa kanyang puso. Sapagkat ang Espiritu ay nananahan sa pusong nalinis na ng banal na tubig ng bautismo. Bagama’t nararamdaman parin ang nasa ng laman, hindi na tayo alipin ng kasalanan at may kakayahan na tayong tumanggi sa mga masasamang ninanasa ng ating laman sa tulong ng Espiritu. Kailangan lamang natin na mag-desisyong piliin ang pagsunod sa sinasabi ng Espiritu at tanggihan ang nasa ng laman.
ANG KAPANGANAKANG MULI
“Patayin nga ninyo ang inyong mga bahagi na maka-lupa. Ito ay ang pakikiapid, karumihan, pita ng laman, masasamang nasa at kasakiman na siyang pagsamba sa diyos-diyosan. 6Dahil sa mga bagay na ito, ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. 7Ang mga ito ay inyo rin namang nilakaran noong una nang kayo ay namumuhay pa sa ganitong mga bagay. 8Ngunit ngayon ay hubarin na ninyo ang lahat ng ito: galit, poot, masamang hangarin, pamumusong, malalaswang salita na mula sa inyong bibig. 9Huwag na kayong magsinungaling sa isa’t isa, yamang hinubad na ninyo nang lubusan ang dating pagkatao kasama ang mga masasamang gawa nito. 10Isuot naman ninyo ang bagong pagkatao na binago patungo sa kaalaman ayon sa wangis ng lumalang sa kaniya. 11Doon ay wala ng pagkakaiba ang mga Griyego o mga Judio, ang mga nasa pagtutuli o wala sa pagtutuli, mga hindi Griyego, mga Scita, mga alipin o malaya. Si Cristo ang lahat at nasa lahat.
12 Kaya nga, bilang mga hinirang ng Diyos, mga banal at minamahal, magsuot kayo ng pusong maawain, ng kabutihan, kapakumbabaan ng pag-iisip, ng kaamuan at pagtitiyaga. 13Magbatahan kayo sa isa’t isa at magpatawaran kayo sa isa’t isa kapag ang sinuman ay may hinaing sa kaninuman. Kung paanong pinatawad kayo ni Cristo ay gayundin kayo magpatawad. 14Higit sa lahat ng mga bagay na ito, magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan.
15 Ang kapayapaan ng Diyos ang siyang maghari sa inyong mga puso. Kayo ay tinawag dito sa isang katawan at maging mapagpasalamat kayo. 16Manahang sagana sa inyo ang salita ni Cristo sa lahat ng karunungan. Turuan at payuhan ninyo ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salmo, ng mga himno at mga awiting espirituwal. Umawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Panginoon. 17Anuman ang inyong gawin sa salita o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus na may pagpapasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.”
- COLOSAS 3:5-17
2Ngayon ay dinalisay na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagsunod sa katotohanan sa pamamagitan ng Espiritu upang kayo ay magkaroon ng pag-ibig na walang pagkukunwari sa mga kapatid. Kaya nga, mag-ibigan kayo sa isa’t isa nang buong ningas ng may malinis na puso. 23Ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Diyos na nabubuhay at namamalagi magpakailanman.
- 1 PEDRO1:22-23
PAMUMUHAY SA LIWANAG
1Kaya nga, yamang si Cristo ang nagbata ng hirap sa laman dahil sa atin, maging gayundin nawa ang inyong pag-iisip sapagkat ang nagbata ng hirap sa laman ay tumigil sa pakikipag-ugnayan sa kasalanan. 2Sa nalalabi niyang panahon sa katawang ito ay hindi na siya namuhay para sa masidhing pagnanasa sa laman kundi ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. 3Sapat na ang nakaraang panahon ng ating buhay upang gawin ang kalooban ng mga Gentil. Lumakad tayo sa kahalayan, masamang pagnanasa, paglalasing, magulong pagtitipon, mga pag-iinuman at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyos-diyosan. 4Iniisip nilang hindi pangkaraniwan ang hindi ninyo pakikipamuhay sa kanila sa gayong labis na kaguluhan. Dahil dito nilalait nila kayo. 5Ngunit mananagot sila sa Diyos na handang humatol sa mga buhay at sa mga patay. 6Ito ay sapagkat ang ebanghelyo ay inihayag maging sa mga namatay upang sila ay mahatulan ayon sa mga taong nasa katawang laman ngunit maging buhay ayon sa Diyos sa espiritu.
7Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay. Kaya nga, maging maayos ang inyong pag-iisip at laging handa sa pananalangin. 8Higit sa lahat, mag-ibigan kayo ng buong ningas sa isa’t isa. Sapagkat ang pag-ibig ay tumatakip ng maraming kasalanan.
- 1 PEDRO 4:1-8
7Kaya nga, sinasabi ko ito at pinatotohanan sa Panginoon na huwag na kayong mamuhay tulad ng ibang mga Gentil na namuhay sa kanilang pag-iisip na walang kabuluhan. 18Ang kanilang pang-unawa ay nadidimlan, mga napahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa kanilang kawalan ng kaalaman, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. 19Sa kanilang kawalan ng pakiramdam ay isinuko nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan upang magawa nila ang lahat ng karumihan na may kasakiman.
20 Ngunit hindi sa ganoong paraan kayo natuto patungkol kay Cristo. 21Totoong narinig ninyo siya at tinuruan niya kayo ayon sa katotohanang na kay Jesus. 22Hubarin ninyo ang dating pagkatao ayon sa dating pamumuhay na sinisira ayon sa mapandayang pagnanasa. 23Magpanibago kayong muli sa espiritu ng inyong kaisipan. 24At isuot ninyo ang bagong pagkatao na ayon sa Diyos ay nilalang sa katuwiran at totoong kabanalan.
25 Kaya nga, sa paghubad ninyo ng kasinungalingan ay magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa kaniyang kapwa sapagkat tayo ay bahagi ng bawat isa. 26Magalit kayo at huwag kayong magkasala. Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw sa inyong pagkapoot. 27Huwag din ninyong bigyan ng puwang ang diyablo. 28Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay magpagal siya. Dapat niyang gamitin ang kaniyang mga kamay sa paggawa ng mabuti upang siya ay makapagbahagi sa nangangailangan.
29Huwag ninyong pabayaang mamutawi sa inyong mga bibig ang anumang bulok na salita. Subalit kung mayroon man, ay mamutawi yaong mabuti na kagamit-gamit sa ikatitibay upang ito ay makapagbigay biyaya sa nakikinig. 30Huwag ninyong pighatiin ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pamamagitan niya ay natatakan kayo para sa araw ng katubusan. 31Alisin ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit, poot, sigawan, panlalait at lahat ng uri ng masamang hangarin.
- EFESO 4:17-31
1Kaya nga, tularan ninyo ang Diyos bilang mga minamahal na mga anak. 2Mamuhay kayo sa pag-ibig tulad din ng pag-ibig ni Cristo sa atin. Ipinagkaloob niya ang kaniyang sarili para sa atin na isang handog at haing mabangong samyo sa Diyos.
3 Huwag man lang mabanggit sa inyo ang pakikiapid at lahat ng karumihan o kasakiman. Nararapat na huwag itong mabanggit sa mga banal. 4Ang mahalay at walang kabuluhan o malaswang pananalita ay hindi nararapat sa inyo. Sa halip, kayo ay maging mapagpasalamat. 5Ito ay sapagkat nalalaman ninyo na ang nakikiapid, o maruming tao o sakim na sumasamba sa mga diyos-diyosan ay walang mamanahin sa paghahari ni Cristo at ng Diyos. 6Huwag ninyong hayaang dayain kayo ng sinuman sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita sapagkat sa mga bagay na ito ang poot ng Diyos ay dumarating sa mga anak na masuwayin. 7Huwag nga kayong maging kabahaging kasama nila.
8 Ito ay sapagkat dati kayong mga nasa kadiliman ngunit ngayon ay kaliwanagan sa Panginoon. Mamuhay kayo bilang mga anak ng liwanag. 9Ito ay sapagkat ang bunga ng Espiritu ay pawang kabutihan at katuwiran at katotohanan. 10Patunayan ninyo kung ano ang lubos na nakakalugod sa Panginoon. 11At huwag kayong magkaroon ng pakikipag-isa sa mga gawa ng kadiliman na hindi nagbubunga, sa halip ay inyong sawayin ang mga ito. 12Ito ay sapagkat nakakahiyang banggitin ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim. 13Ngunit nalalantad ang lahat ng mga bagay na sinasaway ng liwanag sapagkat ang liwanag ang naglalantad ng lahat ng mga bagay. 14Dahil dito, sinabi niya:
Gumising kayo na natutulog at bumangon mula
sa mga patay. At sa inyo si Cristo ay magliliwanag.
- EFESO 5:1-20
15 Magsikap kayong mamuhay nang may buong pag-iingat, hindi tulad ng hangal kundi tulad ng mga pantas. 16Samantalahin ninyo ang panahon dahil ang mga araw ay masama. 17Kaya nga, huwag kayong maging mga mangmang, subalit unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon. 18Huwag kayong malasing sa alak na naroroon ang kawalan ng pagpipigil sa sarili, sa halip ay mapuspos kayo ng Espiritu. 19Mag-usap kayo sa isa’t isa sa mga awit at mga himno at mga espirituwal na awit. Umawit at magpuri kayo sa Panginoon sa inyong puso. 20Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayong lagi sa Diyos at Ama sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
Ito ang lihim na panukalang inihayag ng Diyos sa ating mga pinapaging-banal nya: sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Bugtong na anak, Judio man tayo o Hentil ay kapwa makalalapit sa Diyos. Sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat, ipagkakaloob sa atin ng Diyos ang mga bagay na ninanasa ng ating mga puso na kasang-ayon sa kanyang kalooban kung tayo ay kusang susunod sa kanyang mga utos. At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kanyang kaloob na BUHAY NA WALANG HANGGAN sa ating umiibig sa kanya.
21Mga minamahal, kung hindi tayo hinahatulan ng ating puso, may kapanatagan tayo sa harap ng Diyos. 22At anuman ang ating hingin ay ating tatanggapin mula sa kaniya sapagkat sinusunod natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na nakakalugod sa kaniyang paningin. 23Ito ang kaniyang utos: Sumampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo. Tayo ay mag-ibigan sa isa’t isa ayon sa ibinigay niyang utos sa atin. 24Ang sumusunod sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa kaniya at ang Diyos ay nananatili sa kaniya. Sa ganitong paraan ay nalalaman natin na siya ay nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.
- 1 JUAN 3:21-24
No comments:
Post a Comment