ANG MAGAGANAP NA PAGBABALIK-LOOB NG MGA ISRAELITA
Mga kapatid, ito ay sapagkat hindi ko nais na kayo ay maging walang kaalaman patungkol sa hiwagang ito. Sa kabilang dako, baka isipin ninyong kayo ay matatalino. Ang hiwaga ay: Hanggang sa maabot ang kabuuang bilang ng mga Gentil, bahagyang pinatigas ng Diyos ang puso ng mga taga-Israel. Kaya nga, ililigtas ng Diyos ang buong Israel ayon sa nasusulat:
Ang tagapagligtas ay magmumula sa Zion.
Ibabaling niyang palayo kay Jacob ang hindi
pagkilala sa Diyos. Kapag inalis ko ang
kanilang mga kasalanan, ito ang aking
pakikipagtipan sa kanila.
- ROMA 11:25-2
Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon, at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una; Upang kanilang ariin ang nalabi sa Edom, at ang lahat na bansa na mga tinatawag sa aking pangalan, sabi ng Panginoon na gumagawa nito . . .
- AMOS 9:11-12
At sinabi ng Panginoon sa akin, Yumaon ka pa, suminta ka sa isang babae na minamahal ng kaniyang kaibigan, at mangangalunya, sa makatuwid baga’y ng gaya ng pagibig ng Panginoon sa mga anak ni Israel, bagaman sila’y nagsisipihit sa ibang mga dios, at nangakakagusto ng mga binilong pasas. Sa gayo’y binili ko siya para sa akin ng labing limang putol na pilak, at ng isang homer na cebada, at ng kalahating homer na cebada; At sinabi ko sa kaniya, Ikaw ay mapapa sa akin na maraming araw; ikaw ay hindi magpapatutot, at ikaw ay hindi na magiging asawa pa ng ibang lalake; kaya’t ako naman ay sasa iyo. Sapagka’t ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na walang hari, at walang prinsipe, at walang hain, at walang haligi, at walang efod o mga teraf:
Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa kaniyang kabutihan sa mga huling araw.
- OSEAS 3:1-5
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka’t makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka’t aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin. Ganito ang sabi ng Panginoon, na nagbibigay ng araw na sumisikat na pinakaliwanag sa araw, at ng mga ayos ng buwan at ng mga bituin na pinakaliwanag sa gabi, na nagpapakilos sa dagat, na humugong ang mga alon niyaon; ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan: Kung ang mga ayos na ito ay humiwalay sa harap ko, sabi ng Panginoon, ang binhi nga ng Israel ay maglilikat sa pagkabansa sa harap ko magpakailan man. Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung ang langit sa itaas ay masusukat, at ang mga patibayan ng lupa ay masisiyasat sa ilalim, akin ngang ihahagis ang buong lahi ng Israel dahil sa lahat nilang nagawa, sabi ng Panginoon.
- JEREMIAS 31:31-37
ANG ISRAEL AY ANG BAYANG SA SIMULA PA AY HINIRANG NG DIYOS
Sila ay ang mga taga-Israel. Sa kanila ang pag-ampon, ang kaluwalhatian at mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan. Sa kanila rin ang paglilingkod at mga pangako. Sa kanila nagmula ang mga ninuno at si Cristo, sa pamamagitan ng laman, ay nagmula sa kanila. Siya ang pinakadakila sa lahat, ang Diyos na pinupuri magpakailanman. Siya nawa.
- ROMA 9:4-5
Sapagka’t ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo’y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka’t kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan: Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto. Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi; At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya’y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.
- DEUTERONOMIO 7:6-10
Bukod dito’y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man. Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan. At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking santuario ay mapapasa gitna nila magpakailan man.
- EZEKIEL 37:26-28
Kayo’y magsipakinig sa akin, Oh mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan: At kaniyang ginawa ang aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako: At sinabi niya sa akin, Ikaw ay aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati. Nguni’t aking sinabi, Ako’y gumawang walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; gayon ma’y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios. At ngayo’y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka’t ako’y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan; Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila’y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo. - ISAIAS 49:1-7 | |
SUBALIT NAGING MASUWAYIN SA DIYOS ANG MGA ISRAELITA KAYA’T SILA AY NANGATISOD
Ang Israel ay nagsikap sumunod sa kautusan ng katuwiran ngunit hindi sila nakaabot sa katuwiran ng kautusan. Bakit? Ito ay sapagkat hindi sila nagsikap sa pamamgitan ng pananampalataya kundi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan. Sila ay natisod sa batong katitisuran.
- ROMA 9:31-32
At sabihin mo sa kanila; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na aking piliin ang Israel, at itaas ko ang aking kamay sa lahi ng sangbahayan ni Jacob, at pakilala ako sa kanila sa lupain ng Egipto, na iginawad ko ang aking kamay sa kanila na sinabi, Ako ang Panginoon ninyong Dios; Nang araw na yaon ay iginawad ko ang aking kamay sa kanila, upang ilabas ko sila sa lupain ng Egipto, na dalhin sa lupain na aking itinaan sa kanila na binubukalan ng gatas at pulot, na siyang pinakamainam kay sa lahat ng lupain. At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa’t isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios. Nguni’t sila’y nanghimagsik laban sa akin, at hindi nakinig sa akin; hindi itinakuwil ng bawa’t isa sa kanila ang mga kasuklamsuklam ng kanilang mga mata, o nilimot man nila ang mga diosdiosan sa Egipto. Nang magkagayo’y sinabi kong aking ibubuhos sa kanila ang aking kapusukan, upang ganapin ko ang aking galit laban sa kanila, sa gitna ng lupain ng Egipto.
- EZEKIEL 20:5-8
Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka’t ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka’t walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain. Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila’y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo. Kaya’t ang lupain ay tatangis, at bawa’t tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli. Gayon ma’y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka’t ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote. At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina.
- OSEAS 4:1-2
NGUNIT SA KABILA NITO AY NANANATILI PARIN ANG PANGAKO NG DIYOS SA ISRAEL SAPAGKAT ANG DIYOS AY TAPAT
Ano nga ang kalamangan ng pagiging Judio? Ano ang kapakinabangan ng pagiging nasa pagtutuli? 2Marami sa lahat ng paraan. Una sa lahat, sa kanila ipinagkatiwala ang mga salita ng Diyos.
Paano kung may ilang hindi nanampalataya? Mapapawalang-bisa ba ng kanilang hindi pagsampalataya ang katapatan ng Diyos? 4Huwag nawang mangyari. Sa halip, ang Diyos ay totoo at ang bawat tao ay sinungaling. Ayon sa nasusulat:
Na sa iyong mga pagsasalita ay pinapaging-matuwid
ka at sa paghatol sa iyo ay makaka-panaig ka.
-ROMA 3:1-4
Patungkol sa ebanghelyo, dahil sa inyo, sila ay mga kaaway. Ngunit patungkol sa katotohanang pinili sila ng Diyos nang una pa, dahil sa mga ninuno, mahal sila ng Diyos. Ito ay sapagkat ang mga kaloob at pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago.
- ROMA 11:28-29
Ito ay sapagkat hindi ang salita ng Diyos ay waring nagkulang sapagkat hindi lahat ng nagmula sa Israel ay tunay na mga taga-Israel. 7Gayundin naman ang mga nanggaling sa lahi ni Abraham ay hindi lahat tunay na mga anak ni Abraham. Subalit sinasabi: Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi. 8Ito ay hindi ang mga anak na ayon sa laman ang siyang mga anak ng Diyos. Ngunit ang mga anak ng pangako ang ibinilang na binhi. 9Ito ay sapagkat ganito ang sinasabi ng pangako:
Sa takdang panahon ako ay darating at si Sara
ay magkakaanak ng isang lalaki.
- ROMA 9:6-9
Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka’t siya’y nalulugod sa kagandahang-loob. Siya’y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat. Iyong isasagawa ang katotohanan kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una.
- MIKAS 7:18-20
ANG PAGIGING MASUWAYIN NG MGA ISRAELITA AY NAGBUKAS NG PAGPAPALA NG KALIGTASAN SA MGA HENTIL
Ano ngayon? Ang hinahangad ng mga taga-Israel ay hindi nila natamo. Ang nagtamo nito ay ang mga pinili. Pinatigas ng Diyos ang mga puso ng iba pang natitira. 8Ayon sa nasusulat:
Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng pagkalito.
Binigyan niya sila ng mga matang hindi
nakakakita. Binigyan niya sila ng mga taingang
hindi nakakarinig. Ito ay hanggang sa ngayon.
9Sinabi ni David:
Ang kanilang mga hapag ay maging isang
bitag at isang patibong. Ito ay maging isang
katitisuran at maging kagantihan sa kanila.
10Padidilimin ng Diyos ang kanilang mga mata
upang hindi sila makakita. Patuloy na magiging
baluktot ang kanilang mga likod.
Mga Sangang Inihugpong ng Diyos
Sinasabi kong muli: Natisod ba sila upang bumagsak nang lubusan? Huwag nawang mangyari. Sa halip nang sila ay sumalansang, ang kaligtasan ay dumating sa mga Gentil upang inggitin ang mga Judio. Kung ang pagsalansang ng mga Judio ay nagdala ng kayamanan sa sanlibutan, at ang kanilang pagkatalo ay nagdala ng kayamanan sa mga Gentil, gaano pa kaya kung sila ay lubos nang makapanumbalik.
-ROMA 11:7-12
Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng mapagpighating kamay!
SAPAGKAT ANG KALOOB NA KALIGTASAN NG
DIYOS AY PARA SA LAHAT NG TAO
Ito ay sapagkat sumulat si Moises patungkol sa katuwiran sa pamamagitan ng kautusan. Sinulat niya:
Ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay
mabubuhay sa pamamagitan niyon.
Gayunman, ang katuwirang mula sa pananampalataya ay nagsasabi: Huwag mong sabihin sa iyong puso ang ganito: Sino ang papaitaas sa langit? Iyon ay upang ibaba si Cristo. 7Huwag ding sabihin: Sino ang bababa sa walang hanggang kalaliman? Iyon ay upang ibalik si Cristo mula sa mga patay.
Ito ay sapagkat sinasabi ng kasulatan:
Ang bawat isang sumasampalataya sa kaniya ay
hindi mapapahiya.
12Ito ay sapagkat walang pagkakaiba sa mga Judio at mga Gentil sapagkat iisa ang Panginoon na nagpapala ng masagana sa lahat ng tumatawag sa kaniya. 13Ito ay sapagkat:
Ang bawat isang tatawag sa pangalan ng
Panginoon ay maliligtas.
- ROMA 10:5-7, 11-13
Oh lahat na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo’y magsibili, at magsikain; oo, kayo’y magsiparito, kayo’y magsibili ng alak at gatas ng walang salapi at walang bayad. Ano’t kayo’y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan. Inyong ikiling ang inyong tainga, at magsiparito kayo sa akin; kayo’y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako’y makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga’y ng tunay na mga kaawaan ni David.
Narito, ibinigay ko siya na pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan. Narito, ikaw ay tatawag ng bansa na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; sapagka’t kaniyang niluwalhati ka.
-ISAIAS 55:1-5
Mga kapatid, ito ay sapagkat hindi ko nais na kayo ay maging walang kaalaman patungkol sa hiwagang ito. Sa kabilang dako, baka isipin ninyong kayo ay matatalino. Ang hiwaga ay: Hanggang sa maabot ang kabuuang bilang ng mga Gentil, bahagyang pinatigas ng Diyos ang puso ng mga taga-Israel. 26Kaya nga, ililigtas ng Diyos ang buong Israel ayon sa nasusulat:
Ang tagapagligtas ay magmumula sa Zion.
Ibabaling niyang palayo kay Jacob ang hindi
pagkilala sa Diyos. 27Kapag inalis ko ang
kanilang mga kasalanan, ito ang aking
pakikipagtipan sa kanila.
28Patungkol sa ebanghelyo, dahil sa inyo, sila ay mga kaaway. Ngunit patungkol sa katotohanang pinili sila ng Diyos nang una pa, dahil sa mga ninuno, mahal sila ng Diyos. 29Ito ay sapagkat ang mga kaloob at pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago. 30Sinuway ninyo ang Diyos noong nakaraang panahon. Sa ngayon ang Diyos ay nagpakita ng habag sa inyo sa pamamagitan ng kanilang pagsuway. 31Sa gayunding paraan, sila ngayon ay naging masuwayin upang kayo ay kahabagan. Ito ay upang magpapakita rin siya ng habag sa kanila sa pamamagitan ninyo. 32Upang maipakita ng Diyos ang kaniyang habag sa lahat, ibinilanggo niya sila dahil sa pagsuway.
- ROMA 11:25-32
ANG PAGPILI O PAGHIRANG NG DIYOS AY AYON SA KANYANG SARILING PANUKALA
Hindi lang iyan, kundi si Rebecca ay naglihi sa pamamagitan ng isang lalaki. Siya ay ang ating ninunong si Isaac. 11Ito ay sapagkat bago pa ipinanganak ang mga bata, bago pa sila nakagawa ng mabuti o ng masama, nangusap na ang Diyos kay Rebecca upang ang layunin ng Diyos na kaniyang pinili ay manatili. Ito ay hindi mula sa gawa kundi mula sa kaniya na tumatawag. 12Sinabi ng Diyos kay Rebecca: Ang matandang kapatid ay maglilingkod sa batang kapatid. 13Ayon sa nasusulat:
Inibig ko si Jacob, kinapootan ko si Esau.
14Ano ang sasabihin natin? May kalikuan ba sa Diyos? Huwag nawang mangyari. 15Sinabi ng Diyos kay Moises:
Mahahabag ako sa sinumang kahahabagan ko.
Maaawa ako sa sinumang kaaawaan ko.
16Kaya nga, ito ay hindi sa kaniya na nagnanais o sa kaniya na tumatakbo. Subalit ito ay sa Diyos na siyang may kahabagan. 17Ito ay sapagkat sinabi ng kasulatan kay Faraon:
Upang maipakita ko sa pamamagitan mo ang
aking kapangyarihan, inilagay kita sa kinalalagyan
mo ngayon. Ginawa ko ito upang maihayag
ang aking pangalan sa buong lupa.
18Kaya nga, mahahabag ang Diyos sa sinumang ibig niyang kahabagan. Patitigasin niya ang puso ng sinumang ibig niyang patigasin ang puso.
- ROMA 9:10-18
Oo, at higit pa dito, tao, sino ka upang makipagtalo laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinubog sa humubog sa kaniya: Bakit mo ako ginawang ganito? 21Hindi ba ang magpapalayok ang may kapamahalaan sa putik? Mula sa putik ding iyon siya ay maaaring gumawa rin ng sisidlang pangmarangal ang gamit at ang ibang sisidlang hindi pangmarangal ang gamit.
- ROMA 9:20-21
Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya’y walang mga kamay?
Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo? Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol sa aking mga anak, at tungkol sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin. Aking ginawa ang lupa, at nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga’y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.
- ISAIAS 45:9-12
Kaya nga, sinasabi ko: Tinanggihan ba ng Diyos ang kaniyang mga tao? Huwag nawang mangyari. Ito ay sapagkat ako rin ay isang taga-Israel, mula sa lahi ni Abraham, mula sa angkan ni Benjamin. 2Hindi tinanggihan ng Diyos ang mga taong kilala na niya nang una pa. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng kasulatan, sa salaysay patungkol kay Elias, kung papaanong siya ay namagitan sa Diyos laban sa mga taga-Israel? 3Sinabi niya:
Panginoon, pinatay nila ang mga propeta mo.
Winasak nila ang mga dambana mo. Ako ay
naiwanang mag-isa at pinagbabantaan nila ang
buhay ko. 4Ano ang sagot ng Diyos sa kaniya? Sinabi ng Diyos:
Nagbukod ako ng pitong libong tao na hindi
lumuhod kay Baal.
Gayon pa rin ito sa kasalukuyang panahon. Mayroon pa ring natitirang maliit na pangkat na pinili ayon sa biyaya. 6Yamang sila ay pinili ayon sa biyaya, ito ay hindi na sa pamamagitan ng mga gawa. Kung hindi gayon, ang biyaya ay hindi na magiging biyaya. Kung ito ay sa gawa, ito ay hindi na biyaya, kung hindi gayon, ang gawa ay hindi na gawa.
- ROMA 11:1-6
KAYA’T WALANG SINUMANG MAAARING MAGMALAKI
JUDIO MAN O HENTIL
Ano ngayon? Kami ba ay nakakahigit? Hindi! Ito ay sapagkat napatunayan na namin noong una pa man, na kapwa ang mga Judio at mga Griyego ay nasa ilalim ng kasalanan.
- ROMA 3:9
Narito, ikaw ay tinatawag na Judio, nagtitiwala ka sa kautusan at ipinagmamalaki mo na ikaw ay sa Diyos. 18Alam mo ang kalooban niya. Dahil naturuan ka sa kautusan, sinasang-ayunan mo ang mga bagay na higit na mabuti. 19Naka-ka–tiyak kang ikaw ay tagaakay ng mga bulag at liwanag ng mga nasa kadiliman. 20Ikaw ay tagapagturo ng mga hangal, isang guro ng mga sanggol. Nasa iyo ang anyo ng kaalaman at sa katotohanan ng kautusan. 21Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo ba tinuturuan ang iyong sarili? Ikaw na nangangaral na huwag magnakaw ang isang tao, nagnanakaw ka ba? 22Ikaw na nagsasabing huwag mangangalunya ang isang tao, nangangalunya ka ba? Ikaw na nasusuklam sa mga diyos-diyosan, ninanakawan mo ba ang mga templo? 23Ikaw na nagmamalaki patungkol sa kautusan, sa pagsuway mo sa kautusan, nilalapastangan mo ba ang Diyos?
- ROMA 2:17-23
Subalit ngayon, ang katuwiran ng Diyos ay inihayag nang hiwalay sa kautusan. Ito ay pinatotohanan ng kautusan at ng mga propeta. Ang katuwirang ito ng Diyos ay sa pamama-gitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Ito ay para sa lahat at sa kanilang lahat na sumampalataya dahil walang pagkakaiba. Ito ay sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi nakakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.
- ROMA 3:21-23
Nagsasalita ako sa inyo mga Gentil. Yamang ako ay apostol sa mga Gentil, niluluwalhati ko ang aking paglilingkod. 14Ito ay upang kahit na sa papaanong paraan ay aking mainggit ang mga kamag-anak ko sa laman. Sa gayon, mailigtas ko ang ilan man lamang sa kanila. 15Ito ay sapagkat nang itinakwil sila ng Diyos, ang sanlibutan ay ipinakipagkasundo. Kapag tanggapin niya silang muli, ano ang mangyayari? Hindi ba ito ay buhay mula sa patay? 16Kung ang unang bunga ay banal gayundin ang buong masa. At kung ang ugat ay banal, ang mga sanga ay banal din.
17Ngunit kung ang ilang mga sanga ay pinutol, ikaw na isang puno ng Olibong ligaw ay inihugpong sa kanila. Ikaw ay naging kabahagi ng ugat at ng katas ng punong Olibo. 18Huwag kang magmalaki sa mga sanga. Kung magmamalaki ka sa kanila, tandaan mo ito: Hindi ikaw ang nagpupuno sa pangangailangan ng ugat. Ang ugat ang siyang nagpupuno sa pangangailangan mo. 19Sasabihin mo: Ang mga sanga ay pinutol upang ako ay maihugpong. 20Gayon nga iyon. Dahil hindi sila sumampalataya, inihiwalay sila ng Diyos ngunit ikaw ay nakatayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka. 21Ito ay sapagkat maging ang mga likas na sanga ay hindi pinaligtas ng Diyos, maaaring hindi ka niya paliligtasin.
22Kaya nga, narito, ang kabutihan at kahigpitan ng Diyos. Ang kahigpitan niya ay sa kanila na nahulog. Kung ikaw ay magpapatuloy sa kaniyang kabutihan, ang kabutihan niya ay mapapasaiyo. Kung hindi, ikaw din ay puputulin. 23Gayundin sila, kung hindi sila magpapatuloy sa hindi pagsampalataya, ihuhugpong sila ng Diyos sapagkat magagawa ng Diyos na sila ay ihugpong muli. 24Ito ay sapagkat pinutol ka ng Diyos mula sa olibong ligaw, at laban sa kalikasan, ay ihinugpong sa mabuting puno ng Olibo. Gaano pa kaya sa tunay na mga sanga na maihugpong sa kanilang sariling punong Olibo.
- ROMA 11:13-24
ANG KALIGTASAN AY BIYAYA MULA SA DIYOS
AT SA TULONG NG KANYANG ESPIRITU AY
NAKAKAPAMUHAY NG MATUWID AT
NAKAGAGAWA NG MABUBUTING BAGAY ANG
BAWAT KRISTIYANO SA PAMAMAGITAN NG
PANANAMPALATAYA SA PANGINOONG
HESU-CRISTO
Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos. 9Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman. 10Ito ay sapagkat tayo ay kaniyang
mga likha na nilikha ng Diyos kay Cristo Jesus para sa mga mabuting gawa, na inihanda ng Diyos noong una na dapat nating ipamuhay.
- EFESO 2:8-10
Ang dahilan nito ay gumagawa sa inyo ang Diyos upang naisin at gawin ninyo ang kaniyang mabuting kaluguran.
- FILIPOS 2:13
Ito ay sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi sa pagkain o sa pag-inom. Subalit ito ay sa katuwiran sa kapayapaan at kagalakan sa Banal na Espiritu. 18Ito ay sapagkat siya na
naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay nagbibigay-lugod sa Diyos at katanggap-tanggap sa mga tao.
- ROMA 14:17-18
Sa gayong paraan, ang Espiritu rin ay kasamang tumutulong sa ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin. Subalit ang Espiritu mismo ang siyang namamagitan para sa atin na may pagdaing na hindi kayang ipahayag ng salita. 27Siya na sumusuri sa mga puso ang siyang nakakaalam ng
kaisipan ng Espiritu sapagkat ang Espiritu ay namamagitan para sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos.
- ROMA 8:26-27
Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin at ako sa kaniya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman.
- JUAN 15:5
Narito, ang mga mata ng Panginoong Dios ay nasa makasalanang kaharian, at aking ipapahamak mula sa ibabaw ng lupa; liban na hindi ko lubos na ipapahamak ang sangbahayan ni Jacob, sabi ng Panginoon. Sapagka’t, narito, ako’y maguutos, at aking sasalain ang sangbahayan ni Israel sa gitna ng lahat na bansa, gaya ng trigo na nabithay sa isang bithay, gayon ma’y hindi malalaglag sa lupa ang pinakamaliit na butil.
- AMOS 9:8-9

This comment has been removed by the author.
ReplyDeletePinahanga mo ako sa nilalaman ng iyong blog. Binabati kita sa mahusay mong pananaliksik.
ReplyDeletePara sa karagdagang kaalaman sa usaping ito ay visit: http://kamalayangyohvshva.blogspot.com/ Thank you for visiting, God bless you.
ReplyDeleteSa awa at tulong po ng Diyos.. sa kanya ang lahat ng karangalan at kapurihan magpakailan-kailan man!
Delete