Tuesday, May 4, 2010

ANG MATINDING KAPIGHATIANG DARATING NA BABATAHIN NG MGA KRISTIYANO

ANG DARATING NA MATINDING KAPIGHATIAN AT PAG-UUSIG NA BABATAHIN NG MGA KRISTIYANO

ANG DARATING NA MATINDING KAPIGHATIAN AT PAG-UUSIG NA BABATAHIN NG MGA KRISTIYANO

At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo’t dalawang daan at siyam na pung araw.

Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo’t tatlong daan at tatlong pu’t limang araw.

- DANIEL 12:11-12

Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.

-PAHAYAG 14:12

Datapuwa’t ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

- MATEO 24:13

ANG KASALUKUYANG

PANAHON AY ANG MGA “HULING ARAW” NA

TINUTUKOY SA BIBLIYA . . .

Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.

- 2 TIMOTEO 3:1-5

ANG HUDYAT

NG MULING PAGPARITO

NG PANGINOONG HESU-CRISTO . . .

At samantalang siya’y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan? At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami. At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

-MATEO 24:3-8

MAGAGANAP ANG

“KALAPASTANGANANG WALANG PANGALAWA”

NA MARARANASAN NG LAHAT,

MAGING NG MGA LINGKOD NG DIYOS . . .

Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo’y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal. Datapuwa’t sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon! At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man: Sapagka’t kung magkagayo’y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo’y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa’t dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.

-MATEO 24:15-22

ANG MALAWAK

NA KAPIGHATIANG ITO

AY ANG TINUTUKOY NI PROPETA DANIEL

(Daniel 7,8 at 11)

ANG PAGLITAW

NG ISANG MASAMANG HARI . . .

  • Siya ay magmumula sa Imperyo ng Grecia na nahati sa apat na bahagi.

At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni’t hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.

-DANIEL 8:22

At isang makapangyarihang hari ay tatayo, na magpupuno na may malaking kapangyarihan, at gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban. At pagka tatayo siya ay magigiba ang kaniyang kaharian, at mababahagi sa apat na hangin ng langit, nguni’t hindi sa kaniyang anak, ni ayon man sa kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinagpuno; sapagka’t ang kaniyang kaharian ay mabubunot para sa mga iba bukod sa mga ito.

-DANIEL 11:3-4

  • Siya ay isa sa magiging hari o pinuno ng magiging ika-apat na makapangyarihang kaharian na lilitaw sa daigdig at masasakop nito ang buong sandaigdigan. Ito ang sinisimbulo ng ika-apat na halimaw na may sampung sungay sa pangitain ni Propeta Daniel.

At ang lalaking kambing ay nagmalaking mainam: at nang siya’y lumakas, ang malaking sungay ay nabali; at kahalili niyao’y lumitaw ang apat na marangal na sungay, sa dako ng apat na hangin ng langit. At mula sa isa sa mga yaon ay lumitaw ang isang maliit na sungay na dumakilang totoo, sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at sa dakong maluwalhating lupain. At lumaking mainam, hanggang sa hukbo sa langit; at ang ilan sa hukbo at sa mga bituin ay iniwaksi sa lupa, at mga niyapakan yaon.

-DANIEL 8:8-10

Ganito ang sabi niya, Ang ikaapat na hayop ay magiging ikaapat na kaharian sa ibabaw ng lupa, na magiging kaiba sa lahat ng kaharian, at sasakmalin ang buong lupa, at yuyurakan, at pagluluraylurayin. At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa’y babangong kasunod nila; at siya’y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari.

-DANIEL 7:23-24

At ang may magaspang na balahibo na lalaking kambing ay siyang hari sa Grecia: at ang malaking sungay na nasa pagitan ng kaniyang mga mata ay siyang unang hari. At tungkol sa nabali, sa dakong tinayuan ng apat, ay apat na kaharian ang magsisibangon mula sa bansa, nguni’t hindi sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. At sa huling panahon ng kanilang kaharian, pagka ang mananalangsang ay nagsidating sa kapuspusan, isang hari ay babangon na may mabagsik na pagmumukha, at nakaunawa ng malabong salita.

-DANIEL 8:21-23

  • Ang masamang hari na ito na sinisimbulo ng isang sungay na bumangon sa gitna ng sampung sungay na nagbuwal sa tatlo sa kanila ay higit na masama sa kanilang lahat. Siya ay tuso at mapanlinlang.

At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, nguni’t hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya’y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan. At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya’y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya’y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe . . .

-DANIEL 8:24-25

At kahalili niya na tatayo ang isang hamak na tao, na hindi nila pinagbigyan ng karangalan ng kaharian: nguni’t siya’y darating sa panahong katiwasayan, at magtatamo ng kaharian sa pamamagitan ng mga daya. At sa pamamagitan ng pulutong na huhugos ay mapapalis sila sa harap niya, at mabubuwal; oo, pati ng prinsipe ng tipan. At pagkatapos ng pakikipagkasundo sa kaniya, siya’y gagawang may karayaan; sapagka’t siya’y sasampa, at magiging matibay, na kasama ng isang munting bayan.

-DANIEL 11:21-23

  • Uusigin niya ang relihiyon ng bayan ng Diyos at kakasangkapanin niya sa kanyang kasamaan ang mga taong tumalikod sa pananampalataya at ang mga taong sumasamba sa mga diyus-diyosan.

Sapagka’t mga sasakyan sa Chittim ay magsisiparoon laban sa kaniya; kaya’t siya’y mahahapis, at babalik, at magtataglay ng galit laban sa banal na tipan, at gagawa ng kaniyang maibigan: siya nga’y babalik, at lilingapin yaong nangagpabaya ng banal na tipan. At mga pulutong ay magsisitayo sa kaniyang bahagi, at kanilang lalapastanganin ang santuario, sa makatuwid baga’y ang kuta, at aalisin ang palaging handog na susunugin, at kanilang ilalagay ang kasuklamsuklam na naninira. At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan, ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya; nguni’t ang bayan na nakakakilala ng kanilang dios ay magiging matibay, at gagawa ng kabayanihan.

-DANIEL 11:28-32

At siya’y magbabagsak ng mga matibay na kuta sa tulong ng ibang dios; sinomang kumilala sa kaniya, mananagana sa kaluwalhatian; at pagpupunuin niya sila sa marami, at kaniyang babahagihin ang lupa sa halaga.

-DANIEL 11:39

ITO ANG MAGIGING KATUPARAN NG NASASAAD

SA MATEO 24:9-10,

“Kung magkagayo’y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo’y papatayin: at kayo’y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo’y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa’t isa, at mangagkakapootan ang isa’t isa.”

ANG MASAMANG HARING ITO

ANG ISA SA HALIMAW

NA TINUTUKOY SA PAHAYAG 13 . . .

At siya’y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan. At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan. At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling: at ang buong lupa’y nanggilalas sa hayop; At sila’y nangagsisamba sa dragon, sapagka’t ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop; at nangagsisamba sa hayop, na nangagsasabi, Sino ang kagaya ng hayop? at sinong makababaka sa kaniya?

-PAHAYAG 13:1-4

  • Siya ay nagtataglay ng kapangyarihan ni Satanas na siyang sinisimbulo ng Dragon.

At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso, at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon: at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan, at ang kaniyang luklukan, at dakilang kapamahalaan.

-PAHAYAG 13:2

At ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakila, nguni’t hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling kapangyarihan; at siya’y lilipol na kamanghamangha, at giginhawa, at gagawa ng kaniyang maibigan; at kaniyang lilipulin ang mga makapangyarihan at ang banal na bayan.

-DANIEL 8:24

  • Siya ay nagsasalita ng mga paghahambog at paglait sa Diyos. Pahihirapan niya at uusigin ang mga hirang ng Diyos. Ipatitigil niya ang panambahan at paghahandog. Siya ay pahihintulutang maghari sa loob ng 42 buwan (31/2 na taon).

At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan: at binigyan siya ng kapamahalaan, upang magpatuloy na apat na pu’t dalawang buwan. At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios, upang pusungin ang kaniyang pangalan, at ang kaniyang tabernakulo, gayon din naman ang mga nananahan sa langit. At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa’t angkan at bayan at wika at bansa.

-PAHAYAG 13:5-7

At siya’y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila’y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.

-DANIEL 7:25

  • Siya ay magiging matagumpay sa lahat ng kanyang gagawin at lulupigin niya ang mga lingkod ng Diyos.

At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal, at pagtagumpayan sila; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa’t angkan at bayan at wika at bansa.

-PAHAYAG 13:7

Ako’y tumingin, at ang sungay ding yaon ay nakipagdigma sa mga banal, at nanaig laban sa kanila . . .

-DANIEL 7:21

At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siya’y magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawa’t dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siya’y giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagka’t ang ipinasiya ay gagawin.

-DANIEL 11:36

  • Kaya’t lalaganap at maghahari ang kasamaan na siyang magiging dahilan ng paglamig ng pag-ibig ng marami.

Oo, nagmalaki, hanggang sa prinsipe ng hukbo; at inalis niya sa kaniya ang palaging handog na susunugin, at ang dako ng kaniyang santuario ay ibinagsak. At ang hukbo ay nabigay sa kaniya na kasama ng palaging handog na susunugin dahil sa pagsalangsang; at kaniyang iniwaksi ang katotohanan sa lupa, at gumawa ng kaniyang maibigan at guminhawa.

-DANIEL 8:11-12

ITO ANG MAGIGING KATUPARAN NG NASASAAD

SA MATEO 24:12,

“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.”

“ANG PAGLITAW NG ISA PANG HALIMAW”

At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya’y nagsasalitang gaya ng dragon. At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin. At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop, na gumaling ang sugat na ikamamatay. At siya’y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa’t nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya’y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay. At siya’y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop. At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman, kundi siyang mayroong tanda, sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan. Dito’y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka’t siyang bilang ng isang tao: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu’t anim.

-PAHAYAG 13:11-18

Ang halimaw na ito ay sumisimbulo sa isang bulaang propeta na magpapakita ng mga kagila-gilalas na tanda anupa’t makapagliligaw ng maraming tao.

Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo. Kaya nga kung sa inyo’y kanilang sasabihin, Narito, siya’y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya’y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

-MATEO 24:23-27

MAILILIGAW ANG

MGA TAONG TUMALIKOD

SA PANANAMPALATAYA . . .

“At ang gayon na gumagawa na may kasamaan laban sa tipan, ay mahihikayat niya sa pamamagitan ng mga daya . . .”

-DANIEL 11:32

At siya’y gumagawa ng mga dakilang tanda, na ano pa’t nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao. At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya’y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay.

-PAHAYAG 13:13-14

Sila ang mga taong sasamba sa mga halimaw – mga taong hindi nakasulat ang mga pangalan sa Aklat ng Buhay, mga taong makasanlibutan na hindi naniniwala sa salita ng Diyos. Sila ay mapapahamak.

“At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya, na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan”

-PAHAYAG 13:8

Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita, At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka’t, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang. Sapagka’t sadyang nililimot nila, na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon, at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig, sa pamamagitan ng salita ng Dios; Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak: Nguni’t ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.

-2 PEDRO 3:3-7

At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.

-PAHAYAG 20:11-15

Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.

-PAHAYAG 21:8

“HINDI MAGTATAGAL ANG

PAGTATAGUMPAY NG KASAMAAN”

Hanggang sa ang matanda sa mga araw ay dumating, at ang kahatulan ay ibinigay sa mga banal, ng Kataastaasan; at ang panaho’y dumating na inari ng mga banal ang kaharian.

-DANIEL 7:22

Nguni’t ang kahatulan ay matatatag, at kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan, upang patayin at ibuwal hanggang sa wakas. At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya.

-DANIEL7:26-27

At sa kaniyang paraan ay kaniyang palulusugin ang pagdaraya sa kaniyang kamay; at siya’y magmamalaki ng kaniyang loob, at sa kanilang ikatitiwasay ay papatay ng marami: siya’y tatayo rin laban sa prinsipe ng mga prinsipe; nguni’t siya’y mabubuwal hindi ng kamay.

-DANIEL8:25

MAPAGTATAGUMPAYAN NG BAWAT KRISTIYANO ANG KAPIGHATIANG ITO AT ITO AY MAGBUBUNGA NG PAGDALISAY NG BAYAN NG DIYOS

Kung ang sinoman ay may pakinig, ay makinig. Kung ang sinoman ay sa pagkabihag, ay sa pagkabihag paroroon siya: kung ang sinoman ay papatay sa tabak, ay dapat siyang mamatay sa tabak. Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal.

-PAHAYAG 13:9-10

At silang marunong sa bayan ay magtuturo sa marami; gayon ma’y mangabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak at ng liyab, ng pagkabihag at ng samsam, na maraming araw. Pagka nga sila’y mangabubuwal, sila’y tutulungan ng kaunting tulong; nguni’t marami ay magsisipisan sa kanila na may mga daya. At ang ilan sa kanila na pantas ay mangabubuwal, upang dalisayin sila, at linisin, at paputiin, hanggang sa panahon ng kawakasan; sapagka’t ukol sa panahon pang takda.

-DANIEL 11:33-35

Nang magkagayo’y narinig ko ang isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa? At sinabi niya sa akin, Hanggang sa dalawang libo at tatlong daan na hapon at umaga; kung magkagayo’y malilinis ang santuario.

-DANIEL 8:13-14

At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo’y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka’t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila’y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi. At siya’y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan. Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan. Sa aba ng lupa at ng dagat: sapagka’t ang diablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.

-PAHAYAG 12:10-12

At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka’t ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni’t ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni’t silang pantas ay mangakakaunawa.

-DANIEL 12:9-10

ANG MAKAPAGTITIIS HANGGANG WAKAS

AT SIYANG MALILIGTAS

AY ANG MGA KRISTIYANO- ang mga tunay

na lingkod ng Diyos na nanatiling tapat sa

pananampalataya sa kabila ng matinding pag-uusig at

kapighatian – ang mga taong pagkakalooban ng Diyos ng

BUHAY NA WALANG HANGGAN!

At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang

prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong

bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na

hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng

bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon

ay maliligtas ang iyong bayan, bawa’t isa na

masusumpungan na nakasulat sa aklat.

-DANIEL 12:1

At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.

-PAHAYAG 20:4-6

At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong

lupa: sapagka’t ang unang langit at ang unang lupa ay

naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang

banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit

buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing

kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At

narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa

luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios

ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y

magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila,

at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha

sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng

kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng

pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay

nang una ay naparam na. At yaong nakaluklok sa

luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang

lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka’t

ang mga salitang ito ay tapat at tunay. At sinabi niya sa

akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang

pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming

walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay. Ang

magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at

ako’y magiging Dios niya, at siya’y magiging anak ko.

-PAHAYAG 21:1-7



PURIHIN ANG DIYOS SA KANYANG KATAPATAN AT

KABUTIHAN!

No comments:

Post a Comment