Tuesday, May 11, 2010

ANG MGA PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN NG MGA KRISTIYANO NGAYONG PANAHON NG KAWAKASAN

ANG MGA PAGHAHANDANG NARARAPAT GAWIN NG MGA KRISTIYANO NGAYONG PANAHON NG KAWAKASAN

Sa katapusan mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at sa kaniyang makapangyarihang lakas. 11Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo. 12Ito ay sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan. 13Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa masamang araw at pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay ay manatili kayong nakatayo. 14Tumayo nga kayo na nabibigkisan ang inyong mga balakang ng katotohanan at isuot ninyo ang baluting pandibdib ng katuwiran. 15Sa inyong mga paa ay isuot ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan. 16Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama. 17Tanggapin din ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos. 18Sa lahat ninyong pananalangin at pagdaing ay manalangin kayong lagi sa pamamagitan ng Espiritu. Sa bagay na ito ay magpuyat kayo na may buong pagtitiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal.

- EFESO 6:10-18

23Manangan tayong matibay sa pag-asang ipinahahayag natin na walang pag-aalinlangan sapagkat siya na nangako ay matapat. 24Isaalang-alang natin na magpalakasan tayo ng loob sa isa’t isa patungo sa pag-ibig at mga mabubuting gawa. 25Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipun-tipon katulad ng iba na may ganyang kaugalian. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na, na inyong nakikita na nalalapit na ang araw.

- HEBREO 10:23-25

1Ngunit mga kapatid, hindi na kinakailangang sumulat pa kami sa inyo patungkol sa mga panahon at mga kapanahunan. 2Ito ay sapagkat nalalaman ninyong lubos na ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng pagdating ng isang magnanakaw sa gabi. 3Ito ay sapagkat kapag sinasabi nila: Kapayapaan at katiwasayan, ang biglang pagkawasak ay darating sa kanila tulad ng nararamdamang sakit ng babaeng manganganak na. At sila ay hindi makakatakas sa anumang paraan.

4Ngunit kayo mga kapatid, ay wala sa kadiliman upang ang araw na iyon ay biglang dumating sa inyo tulad ng pagdating ng isang magnanakaw. 5Kayong lahat ay mga anak ng liwanag at mga anak ng araw. Tayo ay hindi mga tao ng gabi o ng kadiliman. 6Kaya nga, hindi tayo dapat matulog katulad ng iba, subalit laging nagbabantay at may maayos na pag-iisip. 7Ito ay sapagkat ang mga natutulog ay natutulog sa gabi at ang mga manginginom ng alak ay naglalasing sa gabi. 8Ngunit dahil tayo ay sa araw, dapat ay may maayos tayong pag-iisip. Ating isuot ang baluting pangdibdib ng pananampalataya at pag-ibig at bilang helmet, ang pag-asa ng kaligtasan. 9Ito ay sapagkat hindi tayo itinalaga ng Diyos para sa poot kundi para magtamo ng kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo. 10At siya ang namatay para sa atin upang tayo, maging gising o tulog man, ay mabuhay na kasama niya. 11Kaya palakasin ninyo ang loob at patatagin ang isa’t isa tulad ng inyong ginawa.

- 1 TESALONICA 5:1-11


1. MAGPAKATATAG SA PANANAMPALATAYA AT PAG-ASA SA DIYOS.

Mga kapatid, mag-ingat kayo, na walang isa man sa inyo na may masamang puso na hindi sumasampalataya na magpapalayo sa inyo sa buhay na Diyos. Ngunit samantalang ito ay tinatawag na ngayon, hikayatin ninyong may katapatan araw araw ang isa’t isa upang hindi patigasin ng daya ng kasalanan ang puso ng sinuman sa inyo. 14Sapagkat tayo ay naging mga kabahagi ni Cristo kung ang pagtitiwalang natamo natin sa pasimula pa ay pananatilihin nating matatag hanggang sa katapusan.

- HEBREO 3:12-14

Ito ay kung manatili kayo sa pananampalataya na matatag at matibay at hindi malilipat mula sa pag-asa ng ebanghelyo na inyong narinig at ito ang ipinangaral sa bawat nilalang na nasa silong ng langit. Akong si Pablo ay ginawang tagapaglingkod ng ebanghelyong ito.

- COLOSAS 1:23

Ito ay sapagkat itinuturing ko na ang mga paghihirap sa kasalukuyan ay hindi karapat-dapat ihalintulad sa kaluwalhatiang ihahayag na sa atin. 19Ito ay sapagkat ang matamang pag-asam ng nilikha ay naghihintay sa paghahayag sa mga anak ng Diyos. 20Ang nilikha ay ipinasakop sa paggawa ng mga bagay na walang kabuluhan. Hindi nang kusang loob, subalit sa pamamagitan niya na nagpasakop nito sa pag-asa. 21Upang ang nilikha din naman ay mapalaya mula sa pagkaalipin ng kabulukan patungo sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.

22Ito ay sapagkat alam natin na hanggang ngayon ang buong nilikha ay sama-samang dumadaing at naghihirap tulad ng babaeng nanganganak. 23Hindi lang iyan, maging tayo na may unang-bunga ng Espiritu ay dumadaing din. Tayo sa ating sarili ay dumadaing sa ating kalooban na naghihintay ng pag-ampon na walang iba kundi ang katubusan ng ating katawan. 24Ito ay sapagkat sa pag-asa tayo ay naligtas, ngunit ang pag-asa na nakikita ay hindi pag-asa sapagkat bakit aasa pa ang tao sa nakikita na niya? 25Ngunit kung tayo ay umaasa sa hindi natin nakikita, naghihintay tayo na may pagtitiis.

- ROMA 8:18-25

Pinagsisikapan kong maabot ang hangganan ng takbuhin para sa gantimpala ng mataas na pagkatawag sa akin ng Diyos na na kay Cristo Jesus.

Kaya nga, sa lahat ng mga ganap ay kailangang magkaroon ng ganitong kaisipan. At kung sa anumang bagay ay naiiba ang inyong kaisipan, ipahahayag din naman ito sa inyo ng Diyos. Gayunman, lumakad tayo sa pamamagitan ng gayunding paraan na natamo na natin upang magkaroon tayo ng iisang kaisipan.

- FILIPOS 3:14-16

Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang uri ng pagsubok. 3Nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis. 4Ngunit hayaan ninyong ang pagtitiis ay magkaroon ng kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at buo. Sa gayon, kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang kakulangan.

- SANTIAGO 1:2-4

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo sapagkat sa kaniyang dakilang kahabagan ay ipinanganak niya tayong muli patungo sa isang buhay na pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo mula sa mga patay. 4Ginawa niya ito para sa isang manang hindi nabubulok, hindi narurumihan at hindi kumukupas na inilaan sa langit para sa atin. 5Ang kapangyarihan ng Diyos ang nag-iingat sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya, para sa kaligtasang nakahandang ihayag sa huling panahon. 6Ito ang inyong ikinagagalak bagamat, ngayon sa sandaling panahon kung kinakailangan, ay pinalulumbay kayo sa iba’t ibang pagsubok. 7Ito ay upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya, na lalong higit na mahalaga kaysa ginto na nasisira, bagaman sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri, ikararangal at ikaluluwalhati ni Jesucristo sa kaniyang kapahayagan.

- 1 PEDRO 1:3-7

2. MAGING HANDA AT MAGSANAY NG PAGTITIIS AT PAGTITIYAGA

Kaya nga, huwag ninyong itakwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. Sapagkat kailangan ninyo ang pagtitiis upang pagkatapos maisagawa ang kalooban ng Diyos ay matanggap ninyo ang kaniyang pangako. 37Sapagkat sa napaikling panahon na lamang:
Siya na paparito ay darating na at hindi siya
magtatagal. 38Ngunit ang matuwid ay mabubuhay
sa pamamagitan ng pananampalataya.
At kung
siya ay tumalikod, hindi malulugod ang aking
kaluluwa sa kaniya.

39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumalikod patungo sa pagkawasak. Sa halip tayo ay kabilang sa mga sumasampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

- HEBREO 10:35-39

PAGTITIIS SA PAGTALIKOD SA KASALANAN

Kaya nga, yamang si Cristo ang nagbata ng hirap sa laman dahil sa atin, maging gayundin nawa ang inyong pag-iisip sapagkat ang nagbata ng hirap sa laman ay tumigil sa pakikipag-ugnayan sa kasalanan. 2Sa nalalabi niyang panahon sa katawang ito ay hindi na siya namuhay para sa masidhing pagnanasa sa laman kundi ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. 3Sapat na ang nakaraang panahon ng ating buhay upang gawin ang kalooban ng mga Gentil. Lumakad tayo sa kahalayan, masamang pagnanasa, paglalasing, magulong pagtitipon, mga pag-iinuman at kasuklam-suklam na pagsamba sa mga diyos-diyosan. 4Iniisip nilang hindi pangkaraniwan ang hindi ninyo pakikipamuhay sa kanila sa gayong labis na kaguluhan. Dahil dito nilalait nila kayo.

- 1 PEDRO 4:1-4

7Mga anak, huwag ninyong hayaang iligaw kayo ninuman. Ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid na gaya niyang matuwid. Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo sapagkat ang diyablo ay nagkakasala na buhat pa sa pasimula. Ang Anak ng Diyos ay nahayag sa dahilang ito upang wasakin niya ang mga gawa ng diyablo. 9Ang sinumang ang kapanganakan ay mula sa Diyos ay hindi nagpapatuloy sa kasalanan sapagkat ang kaniyang binhi ay nananatili sa kaniya. At hindi siya maaaring magkasala sapagkat ang kaniyang kapanganakan ay mula sa Diyos. 10Sa ganitong paraan nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo. Ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay hindi sa Diyos.

- 1 JUAN 3:7-10

Yamang alam natin ang panahon, ngayon na ang takdang oras na dapat na tayong gumising mula sa pagkakatulog sapagkat ang ating kaligtasan ay higit nang malapit kaysa noong tayo ay sumampalataya. 12Papalipas na ang gabi at ang bukang-liwayway ay malapit na. Kaya nga, hubarin na natin ang mga gawa ng kadiliman at isuot na natin ang baluti ng liwanag. 13Mamuhay tayong marangal tulad ng pamumuhay ng tao kapag araw. Hindi tayo dapat mamuhay sa magulong pagtitipon at paglalasing, hindi sa kalaswaan at sa kahalayan, hindi sa paglalaban-laban at sa inggitan. 14Sa halip, isuot natin ang Panginoong Jesucristo at huwag magbigay ng pagkakataong gawin ang pagnanasa ng laman.

- ROMA 13:11-14

Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulung-bulungan at pagtatalo. 15Gawin ninyo ang gayon upang walang anumang maipaparatang sa inyo at kayo ay maging dalisay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at lihis. Magliwanag kayo sa kanilang kalagitnaan tulad ng mga liwanag sa sanlibutan. 16Inyong itanghal ang salita ng buhay upang may ipagmapuri ako sa araw ni Cristo na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal nang walang kabuluhan.

- FILIPOS 2:14-16

At tuwirin ninyo ang mga daraanan ng inyong mga paa upang ang mga lumpo ay huwag malihis, sa halip, sila ay gumaling. 14Sikapin ninyong mamuhay ng may kapayapaan at kabanalan sa lahat ng tao, dahil walang sinumang makakakita sa Panginoon kung wala ito.

- HEBREO 12:13-14

PAGTITIIS NG PAG-UUSIG

17Huwag kayong gumanti ng masama sa masama sa sinuman. Magkaloob nga kayo ng mga mabubuting mga bagay sa harap ng mga tao. 18Kung maaari, yamang ito ay nasasainyo, mamuhay kayong may kapayapaan sa lahat ng tao. 19Mga minamahal, huwag kayong maghiganti, sa halip, bigyan ninyo ng puwang ang galit ng Diyos sapagkat nasusulat:

Ang paghihiganti ay sa akin, pagbabayarin ko

sila sa kanilang ginawa.

Ito ang sinabi ng Panginoon. 20Kaya nga:
Kapag nagutom ang inyong kaaway, pakainin
mo siya. Kapag nauhaw siya, painumin mo siya
sapagkat kapag ginawa mo ito, bubuntunan mo
ng nagbabagang uling ang kaniyang ulo.

21Huwag magpatalo sa masama, sa halip, talunin mo ng mabuti ang masama.

- ROMA 12:17-21

3Sa anumang bagay ay hindi kami nagbigay ng katitisuran upang hindi mapulaan ang gawain ng paglilingkod. 4Sa halip, sa lahat ng bagay ay ipinakilala namin ang aming sarili bilang tagapaglingkod ng Diyos. Ito ay maging sa maraming pagbabata, kabalisahan, pangangailangan at kagipitan. 5Maging sa paghagupit sa amin, pagkabilanggo, kaguluhan, pagpapagal, pagpupuyat, at pag-aayuno. 6Maging sa kalinisan, kaalaman, pagtitiis, kabutihan, at maging sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at walang pakunwaring pag-ibig, ipinakikilala naming kami ay mga tagapaglingkod. 7Ipinakilala namin ito sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos, sa pamamagitan ng sandata ng katuwiran sa kanan at kaliwang kamay. 8Maging sa karangalan at kawalang karangalan, maging sa masamang ulat at mabuting ulat, ipinakilala naming kami ay tagapaglingkod. Kahit na iparatang na kami ay mandaraya, kami ay mga totoo, ipinakikilala naming kami ay tagapaglingkod. 9Kahit na sabihing hindi kami kilala bagama’t kilalang-kilala, naghihingalo gayunma’y buhay, pinarurusahan ngunit hindi pinapatay, ipinakikilala naming kami ay tagapaglingkod. 10Kahit na namimighati ngunit laging nagagalak, mahirap gayunma’y maraming pinayayaman, walang tinatangkilik bagama’t nagtatangkilik ng lahat ng bagay, ipinakikilala naming kami ay tagapaglingkod.

- 2 CORINTO 6:3-10

Ang pakikipag-away ay hindi nababagay sa isang alipin ng Panginoon. Sa halip, siya ay maging mabait sa lahat, handang makapagturo at matiisin sa iba. 25Kailangan niyang turuan ng may kababaang-loob ang mga sumasalungat sa kaniya. Marahil ay maging kalooban ng Diyos na magsisi sila at sila ay makaalam sa katotohanan. 26At sila ay magigising at tatakas mula sa silo ng diyablo, na bumihag sa kanila upang sumunod sa kaniyang kalooban.

- 2 TIMOTEO 2:24-26

9Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, gantihan ninyo sila ng pagpapala sapagkat tinawag kayo upang gawin ito, upang kayo ay magmana ng pagpapala. 10Ito ay sapagkat nasusulat:

Ang nagnanais umibig sa buhay at makakita ng

mabubuting araw ay dapat magpigil ang dila

mula sa pagsasalita ng masama. At ang kaniyang

labi ay dapat pigilin sa pagsalita ng pandaraya.

11Tumalikod siya sa masama at gumawa siya

ng mabuti. Hanapin niya ang kapayapaan at

ipagpatuloy niya ito. 12Ito ay sapagkat ang mga

mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid. Ang

kaniyang tainga ay dumirinig ng kanilang

panalangin. Ngunit ang mukha ng Panginoon ay

laban sa mga gumagawa ng masama.

13Kapag ang sinusunod ninyo ay ang mabuti, sino ang mananakit sa inyo? 14At kung uusigin kayo sa paggawa ng mabuti, pinagpala pa rin kayo. Huwag kayong matakot sa kanilang pinangangambahan at huwag kayong mabagabag. 15Ngunit pakabanalin ninyo ang Panginoong Diyos sa inyong mga puso. Humanda kayong lagi na sumagot sa sinumang magtatanong sa inyo patungkol sa inyong pag-asa, na may kaamuan at pagkatakot. 16Magkaroon kayo ng magandang budhi upang mapahiya ang mga naninirang-puri sa inyo na nagsasabing gumagawa kayo ng masama at tumutuya sa inyong magandang pamumuhay kay Cristo. 17Ito ay sapagkat kung loloobin ng Diyos, higit na mabuti ang magdusa nang dahil sa paggawa ng kabutihan kaysa paggawa ng kasamaan.

- 1 PEDRO 3:9-17

PAGTITIYAGA SA PAGSUBOK AT PAGTITIIS NG KAHIRAPAN

8Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip at magbantay kayo sapagkat ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leon na umaatungal at umaali-aligid na naghahanap kung sino ang malalamon niya. 9Magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya. Labanan ninyo siya. Tulad ng nalalaman ninyo, dumaranas din ng gayong kahirapan ang mga kapatid ninyo sa buong sanlibutan.

10Ang Diyos ng lahat ng biyaya, ang siyang tumawag sa inyo sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo Jesus. Pagkatapos ninyong maghirap ng maikling panahon, siya rin ang magpapaging-ganap, magpapalakas, magbibigay ng kakayanan at magpapatatag sa inyo.

natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagay

- 1 PEDRO 5:8-10

11Hindi sa ako ay nagsalita dahil sa aking pangangailangan, dahil natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan. 12Alam ko ang mabuhay sa paghihikahos at ang mabuhay sa kasaganaan, kung paano ang ibababa at alam ko kung paano ang sumagana. Sa lahat ng dako at sa lahat ng bagay ay tinuruan akong mabusog at magutom, maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan. 13Ako ay may sapat na lakas na gawin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Cristo na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.

- FILIPOS 4:11-13

8Kaya nga, huwag kang mahiya sa patotoo patungkol sa ating Panginoon, ni sa akin na isang bilanggo. Subalit dahil sa ebanghelyo, makibahagi kang kasama ko sa kahirapan ayon sa kapangyarihan ng Diyos.

- 2 TIMOTEO 1:8

10Mga kapatid, gawin ninyong halimbawa ang mga propeta na nangaral sa pangalan ng Panginoon. Sila ang mga halimbawa na dumanas ng paghihirap at ng pagtitiis. 11Narito, itinuturing nating pinagpala ang mga nakapagtiis. Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job at nalaman ninyo ang ginawa ng Panginoon sa katapusan na lubhang mapagmalasakit at maawain.

- SANTIAGO 5:10-11

21Ito ay sapagkat tinawag kayo sa ganitong bagay. Si Cristo man ay naghirap alang-alang sa atin at nag-iwan sa atin ng halimbawa upang kayo ay sumunod sa kaniyang mga hakbang.
22Hindi siya nagkasala at walang pandarayang
namutawi sa kaniyang bibig.

23Nang alipustain siya, hindi siya nang-alipusta. Nang naghirap siya, hindi siya nagbanta. Sa halip, ang kaniyang sarili ay ipinagkatiwala niya sa kaniya na humahatol nang matuwid. 24Dinala niya sa kaniyang sariling katawan ang ating mga kasalanan sa ibabaw ng kahoy upang tayo na namatay sa kasalanan ay maging buhay sa katuwiran at dahil sa kaniyang sugat kayo ay gumaling. 25Ito ay sapagkat kayo ay tulad ng mga tupa na naligaw, ngunit nagbalik na kayo ngayon sa Pastol at Tagapangasiwa ng inyong mga kaluluwa.

- 1 PEDRO 2:21-25

2Pinagpala ang taong nagtitiis ng pagsubok dahil kapag siya ay nasubok na, tatanggap siya ng putong ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa kanila na umiibig sa kaniya.

- SANTIAGO 1:12

12Mga minamahal, huwag ninyong isipin na wari bang hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na inyong dinaranas. Huwag ninyong isipin na tila baga hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa inyo. 13Magalak kayo na kayo ay naging bahagi sa mga paghihirap ni Cristo. Kapag nahayag na ang kaniyang kaluwalhatian labis kayong magagalak. 14Kapag kayo ay inalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo. Sa ganang kanila, siya ay inalipusta, ngunit sa ganang inyo siya ay pinarangalan. 15Huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang mamamatay tao, o magnanakaw, o gumagawa ng masama o mapanghimasok sa gawain ng iba. 16Ngunit bilang isang mananampalataya huwag ikahiya ninuman kung siya ay magdusa. Sa halip, purihin niya ang Diyos sa bagay na ito.

- 1 PEDRO 4:12-16

PAGTITIYAGA SA PAGGAWA NG MABUTI

58Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo, hindi makilos, laging nananagana sa gawain ng Panginoon. Alam ninyo na ang inyong mga pagpapagal ay hindi walang kabuluhan sa Panginoon.

- 1 CORINTO 15:58

Ngunit kung tayo ay gumagawa ng mabuti, hindi tayo dapat na panghinaan ng loob. Ito ay sapagkat tayo ay aani kung hindi tayo manlulupaypay sa pagdating ng takdang panahon. 10Kaya nga, habang tayo ay may pagkakataon pa, gumawa tayo nang mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kasambahay sa pananampalataya.

- GALACIA 6:9-10

Samantalahin ninyo ang panahon dahil ang mga araw ay masama. Kaya nga, huwag kayong maging mga mangmang, subalit unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.”

- EFESO 5:16-17

3. MANATILI SA PAGKAKAISA NG ESPIRITU AT MATATAG SA PAG-IBIG

3Pagsikapan ninyong panatilihin ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod na kapayapaan. 4Mayroong isang katawan at isang Espiritu kung papaanong tinawag din kayo sa isang pag-asa ng inyong pagkatawag. 5Mayroong isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bawtismo. 6Mayroong isang Diyos at Ama ng lahat na nakakahigit sa lahat. Siya ay nasa lahat at nasa inyong lahat.

- EFESO 4:3-6

Katapus-tapusan, magkaisa kayo, magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid. Kayo ay maging maawain at mapagkaibigan.

- 1 PEDRO 3:8

Sa halip, panatilihin natin ang katotohanan ayon sa pag-ibig upang lumago tayo sa lahat ng mga bagay kay Cristo, na siya ang ulo. 16Sa kaniya ang buong katawan ay inihugpong at pinag-isa ng itinutustos ng bawat dugtong ayon sa sukat ng paggawa ng bawat isang bahagi. Kaya nga, ang paglago ng katawan ay gumagawa sa ikatitibay ng kaniyang sarili niya sa pag-ibig.

- EFESO 4:15-16

17Ito ay upang si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya. 18Upang kayo na nag-ugat at natatag sa pag-ibig, ay lubos na makaunawa, kasama ng mga banal, kung ano ang lawak, ang haba, ang lalim at ang taas ng pag-ibig ni Cristo. 19Nang sa gayon kayo ay lubos na makaunawa ng pag-ibig ni Cristo na nakakahigit sa kaalaman at upang kayo ay mapuspos ng lahat ng kapuspusan ng Diyos.

- EFESO 3:17-19

23Manangan tayong matibay sa pag-asang ipinahahayag natin na walang pag-aalinlangan sapagkat siya na nangako ay matapat. 24Isaalang-alang natin na magpalakasan tayo ng loob sa isa’t isa patungo sa pag-ibig at mga mabubuting gawa. 25Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipun-tipon katulad ng iba na may ganyang kaugalian. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa’t isa, lalo na, na inyong nakikita na nalalapit na ang araw.

- HEBREO 10:23-25

Higit sa lahat ng mga bagay na ito, magbihis kayo ng pag-ibig na siyang tali ng kasakdalan.

- COLOSAS 3:14

1Yamang mayroon kayong kalakasan ng loob kay Cristo, mayroon kayong kaaliwan sa kaniyang pag-ibig, mayroon kayong pakikipag-isa sa kaniyang Espiritu, mayroon kayong pagmamalasakit at kaawaan. 2Lubusin nga ninyo ang aking kagalakan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang kaisipan, ng iisang pag-ibig, ng iisang kalooban at ng iisang pag-iisip. 3Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o pagpapalalo. Sa halip, sa kapakumbabaan ng pag-iisip, ituring ninyo na ang iba ay higit na mabuti kaysa sa inyo. 4Huwag hanapin ng isa’t isa ang ikabubuti ng kaniyang sarili lang kundi ang ikabubuti rin naman ng iba.

5Ito ay sapagkat kailangang taglayin ninyo ang kaisipan na na kay Cristo Jesus din naman. 6Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus. 9Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 10Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa. 11Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

- FILIPOS 2:1-11

9Ang pag-ibig ay dapat walang pakunwari. Kapootan ninyo ang masama. Manangan kayo sa mabuti. 10Maging magiliwin kayo sa isa’t isa tulad ng pag-ibig ninyo sa magkakapatid. Igalang ninyo ang isa’t isa nang higit pa inyong sarili. 11Huwag maging tamad sa halip ay maging masigasig. Maging maningas kayo sa Espiritu, na naglilingkod sa Panginoon. 12Magalak sa pag-asa. Sa inyong paghihirap, maging matiisin. Sa inyong pananalangin, magpatuloy kayong matatag. 13Magbigay sa pangangailangan ng mga banal. Ipagpatuloy ang pagtanggap sa mga bisita.

14Pagpalain ninyo sila na umuusig sa inyo. Pagpalain ninyo sila at huwag silang sumpain. 15Makigalak kayo sa kanila na nagagalak at makiiyak sa kanila na umiiyak. 16Magkaroon kayo ng iisang kaisipan. Huwag kayong mag-isip nang may kapalaluan sa inyong mga sarili. Sa halip, makisalamuha kayo sa mga taong mapagpakumbaba. Huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na matatalino.

- ROMA 12:9-15

Magbantay kayo, tumayo kayong matatag sa pananampalataya, maging matapang kayo, magpakalakas kayo. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay nang may pag-ibig.

- 1 CORINTO 16:13-14


No comments:

Post a Comment