Sunday, May 3, 2009

ANG IKAPU AY HINDI UTOS PARA SA MGA KRISTIYANO

ANG IKAPU

Malakias 3:6-12

“Ang Pagbabayad ng Ikapu”


1.Ito ay utos para lamang sa mga Israelita sa panahon ng Lumang Tipan.

– Malakias 3:6-8, Deuteronomio10:12-15, 11

“Ang mga hinirang na saserdote sa mga inapo ni Levi ay inaatasan ng Kautusan na kumuha ng ikapu mula sa mga Israelita, samakatuwid baga’y sa kanilang mga kapatid, bagama’t mula rin sila kay Abraham.”

- HEBREO 7:5


2.Ito ay isang tuntunin sa ilalim mg Kautusan.

– Deut. 26:1-2, 12-13

“ Ito ang kautusang ibinigay ni Moises sa mga Israelita, mga batas at tuntuning ipinahayag nila nang sila ay makalabas sa Egipto.”

– DEUT. 4:44

a.Ito ay pagkain at hindi salapi

“Kukunan ninyo ng ikapu ang inyong ani taun-taon.Ang ikapu ng inyong ani, alak, langis, at mga panganay ng inyong mga hayop ay doon ninyo kakainin sa lugar na pipiliin ni Yahweh upang matuto kayong matakot sa kanya. Kung malayo ang lugar na pipiliin niya at magiging mahirap dalhin doon ang mga ikapu ng inyong ani, ipagbili ninyo iyon at dalhin ang pinagbilhan sa lugar na pinili niya. Pagdating doon, bumili kayo ng anumang gusto ninyo: baka, tupa, alak o anumang nais ninyo at siya ninyo pagsalu-saluhang mag-anak sa harapan ni Yahweh.”

– DEUT. 14:22-26

b.Hindi ito maaaring maging salapi sapagkat ang pinakamainam nito ay inihahandog sa Diyos, sa makatuwid ay sinusunog.

“Kaya’tsabihin mo sa kanila na pagkatapos ibukod ang pinakamainam sa bahagi ng ikapu ng buong Israel, ang matitira’y sa kanila na… At maaari na nilang kainin ang mga iyon kahit saan…”

– BILANG 18:30-31

c.Ito ay kinukuha taun-taon at tinitipon tuwing ika-tatlong taon at bukod sa mga Levita, binabahagi din ito sa mga taga-ibang bayan, mga ulila at balo.

“Tipunin ninyo ang ikapu ng inyong ani tuwing ika-tatlong taon. Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparte sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga taga-ibang bayan kasama ninyo, mga ulila at mga balo. Sa gayon, pagpapalain kayo ni Yahweh.”

– DEUT. 14:22, 28-29, 26:12


ANG IKAPU AY HINDI UTOS PARA SA MGA KRISTIYANO


1.Ang bawat tumanggap at sumampalataya kay Cristo ay wala na sa ilalim ng Kautusan kung siya ay Judio, samantalang ang mga Hentil sa simula pa ay hindi nasasakop ng Kautusan.

– Gawa 15:5-11, Roma 7:1-6

“Sapagkat hindi tunay na Judio ang isang tao dahil lamang sa Judio ang kanyang mga magulang at dahil sa pagtutuli ng laman. Ang tunay na Judio ay ang taong nagbago na ng puso’t kalooban, ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat…”

– ROMA 2:28-29


“Kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.”

– GALACIA5:18

2.Naging-isa ang mga Judio at Hentil hindi dahil saKautusan kundi sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo.

Pinawalang-bisa niya ang Kautusang parang mga utos at tuntunin upang pag-isahin sa kanya ang dalawang bayan at maghari ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan nya ang alitan ng dalawang bayan, kapwa pinapanumbalik sa Diyos, at pinagbuklod ng iisang katawan.”

– EFESO 2:15-18


3.Ang pangako ng Diyos kay Abraham ay batay sa kanyangpananalig at hindi dahil sa kanyang pagsunod sa Kautusan.

“Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang sanlibutan hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan kundi sa kanyangpananalig sa Diyos at sa gayon siya ay pinawalang-sala.”

– ROMA 4:13


Sapagkat ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan.”

– ROMA 3:20


4.Wala nang mga Levita o mga saserdote sa kasalukuyang panahon sapagkat si Cristo na ang saserdote magpakailanman.

– Hebreo 8:1-13

“Sa isang dako, dahil pinigilan sila ng kamatayan upang magpatuloy, kinakailangan ang maraming saserdote.Sa kabilang dako naman, dahil si Jesus ay nabubuhay magpakailanman, siya ay may pagkasaserdoteng mananatili magpakailanman.”

- HEBREO 7:23-24


5.Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng anuman kaya’t ang handog at hain na kanyang kinalulugdan ay hindi salapi o anumang bagay kundi ang buhay na nakalulugod sa kanya – ang pagagawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa.

“Kaya nga, mga kapatid, sa pamamagitan ng mga kaawaan ng Diyos, ako ay namamanhik sa inyo. Iharap ninyo ang inyong mga katawan sa Diyos bilang isang haing buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang inyong katampatang paglilingkod. Huwag ninyong iayon ang inyong mga sarili sa kapanahunang ito. Sa halip ay mabago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong isipan. Ito ay upang masuri ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos. “

– ROMA 12:1-2

“Kaya sa pamamagitan niya, patuloy tayong magdala ng handog ng papuri sa Diyos. Ang ating hain ay ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Ang paggawa ng mabuti at pakikibahagi sa paglilingkod ay huwag ninyo itong kaliligtaan sapagkat kalugud-lugod sa Diyos ang mga handog na tulad nito.”

– HEBREO 13:15-16


6.Ang Diyos ay hindi nananahan sa mga templo o gusaling ginawa ng tao.

– Gawa 17:24-25

“ Si David ay naging kaluguran sa paningin ng Diyos. Hiniling niyang siya ay makapagpatayo ng isang tahanan para sa Diyos ni Jacob. Ngunit si Solomon ang nagtayo ng bahay para sa kaniya.

Subalit ang Kataas-taasan ay hindi tumitira sa mga banal na dakong gawa ng mga kamay, tulad sa sinasabi ng propeta:
Ang langit ay aking trono. Ang lupa ang
tuntungan ng aking mga paa. Sabi ng Panginoon:
Anong bahay ang itatayo ninyo sa akin? O,
anong dako ang pagpapahingahan ko? Hindi
ba ang lahat ng ito ay ginawa ng aking kamay?

Kayong mga matitigas ang ulo at hindi tuli ang mga puso at tainga! Lagi ninyong sinasalungat ang Banal na Espiritu. Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno ay gayundin naman ang gingawa ninyo.”

- GAWA 7:46-51

7.Ang templo ng Diyos ay ang mga Kristiyano

Hindi ba ninyo alam na kayo ang banal na dako ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo? Ang sinumang wawasak sa banal na dako ng Diyos ay wawasakin din ng Diyos sapagkat ang dakong banal ng Diyos ay banal at kayo ang dakong iyon.”

– 1 CORINTO3:16-17

8.Ang ikapu at iba pang mga tuntunin sa ilalim ng Kautusan o Lumang Tipan ay nawalan na ng bisang mapagtibay ang Bagong tipan sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo.

“Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya. Sapagkat kung saan naroon ang isang tipan, kinakailangan ang gumawa ng tipan ay mamatay. Sapagkat pagkamatay ng isang tao, ang isang tipan ay magiging mabisa. Habang ang taong gumawa nito ay nabubuhay pa, wala itong bisa. Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo.”

– HEBREO 9:15-18



9.Ang mga Kristiyano ay wala na sa ilalim ng Lumang Tipan kundi nasa ilalim na ng Bagong Tipan.

“ Niloob nya na kami ay maging lingkod ng Bagong Tipan, tipang hindi nababatay sa Kautusang nakatitik kundi sa Espiritu. Sapagkat ang dulot ng titik ay kamatayan, ngunit ang Espiritu’y nagbibigay buhay. “

– 2 CORINTO 3:6


ANG PAG-IIKAPU SA KASALUKUYANG PANAHON AY HINDI KALOOBAN NG DIYOS

1.Sapagkat ayon sa Unang Tipan, nararapat na sunding lahat ang mga utos at mga tuntuning nasusulatsa Aklat ng Kautusan- hindi ang pag-iikapu lamang.

“ Sundin ninyo at tuparing lahat ang nasusulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises. Huwag kayong sumuway kahit bahagya sa kanyang mga utos.

–JOSUE 23:6

“ Ngunit dapat kang magpakatatag at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang Kautusang ibinigay sa inyo ni Moises. Huwag mong susuwayin ang anumangitinagubilin doon , at magtatagumpay ka sa lahat monggagawin. Huwag mong kalimutang basahin ang aklat na yaon. Dili-dilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon. Sa gayon, giginhawa ka at magtatagumpay.

– JOSUE 1:7-8

Ang sinumang tumutupad sa buong Kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong Kautusan. Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa Kautusan.”

– SANTIAGO 2:10-11

Ito ay sapagkat ang lahat ng nasa ilalim ng Kautusan ay nasa ilalim ng sumpa, dahil nasusulat:Sinumpa ang lahat ng mga hindi nagpapatuloysa paggawa ng lahat ng mga bagay na nakasulatsa aklat ng Kautusan.

- GALACIA 3:10

2.Ang nananangan sa pagsunod sa Kautusan upang maging matuwid ay napapahiwalay na kay Cristo.

Ang nagsisikap na magingmatuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan ay napahiwalay na kay Cristo at wala nang karapatan sa habag ng Diyos.”

- GALACIA 5:4

3.Ang Kautusan ay nababatay sa sariling pagsisikap at hindi sa pananalig sa Diyos

“ Mapapatunayan kong sila’y nagsisikap na maging kalugod-lugod sa Diyos, subalit mali ang kanilang batayan. Sapagkat hindi nila nakilala ang pagpapawalang-sala na kaloob ng Diyos, at nagsikap silang magtayo ng sarili nilang pamamaraan sa halip na sundin ang pamamaraan ng Diyos. Si Cristo ang hangganan ng Kautusan, at sa gayon, ang sinumang nananalig sa kanya ay pawawalang-sala.”

- ROMA 10:2-4

Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat:
ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng
pananampalataya.

Ngunit ang Kautusan ay hindi sa pananampalataya. Subalit ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay
mabubuhay sa pamamagitan nito.

– GALACIA 3:11-12

“Kaya nga, alamin ninyo ito mga kapatid, na sa pamama-gitan ng lalaking ito ay ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pamamagitan niya, ang lahat ng sumasampalataya ay pinaging-matuwid sa lahat ng bagay. Sa mga bagay na ito ay hindi kayo maaaring mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng kautusan ni Moises. Mag-ingat nga kayo na huwag mangyari sa inyo ang sinalita ng mga propeta:

Narito, kayong mga mapangutya, mamangha kayo at mapapahamak sapagkat may gagawin ako sa inyong mga araw. Ito ay isang gawa nasa anumang paraan ay hindi ninyo paniniwalaan kahit na may isang tao pang magsabi sa inyo.

- GAWA 13:38-41

4.Ang pagbibigay na nararapat sa mga Kristiyano ay ang nasusulat sa

2 Corinto kabanata 8 at 9 na pinamagatang

“ Paano Dapat Magbigay ang Isang Kristiyano? “

Batahin ninyo ang pasanin ng bawat isa’t isa. Sa ganitong paraan ay tinutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.”

-Galacia 6:2


a.Pagbibigay sa udyok ngpag-ibig para sa nangangailangang mga kapatid at kapwa tao.


Subalit sumasagana ang lahat ng bagay sa inyo, sa pananampalataya, sa salita, sa kaalaman, sa kasigasigan at sa pag-ibig ninyo sa amin. Kung gaano kayo sumagana sa mga ito, sumaganang gayon ang biyayang ito sa inyo. Nagsasalita ako hindi ayon sa utos kundi sa pamamagitan ng pagsusumigasig ng iba at sa pagsubok sa katapatan ng inyong pag-ibig.

- 2 CORINTO 8:7-8

“Ito ay sapagkat hindi namin ninanais na ang iba ay madadalian at kayo ay mabigatan. Ang nais namin ay pagkakapantay-pantay. Sa kasalukuyan ang inyong kasaganaan ay sa kanilang kakulangan. At upang ang kanilang kasaganaan sa ngayon ay magpuno sa inyong kakulangan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Ayon sa nasusulat:
Siya na nagtipon ng marami ay hindi nagkalabis,
at siya na nagtipon ng kaunti ay hindi nagkulang.

- 2 CORINTO 8:13-15


b.Pagbibigay ayon sa kakayahan.

Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyongnakayanan: hindi niya hinihintay na magbigay kayo ng hindi ninyo kaya.”

- 2 CORINTO 8:12

c.Pagbibigay ayon sa sariling pasya.

“ Ang bawat isa ay dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob.”

-2 CORINTO 9:7


“Sapagkat ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang PAG-IBIG at KATOTOHANAN ay dumating sa pamamagitan ni CRISTO. “

- JUAN 1:17

Ang pag-iikapu na isinasagawa sa kasalukuyang panahon ay hindi nababatay sa bibliya sapagkat ang ikapu na tinutukoy sa aklat lumang tipan ay nauukol sa pagkain at hindi sa salapi bagamat mayroon nang salapi sa panahong iyon. Ito ang sabi ni Moises sa aklat ng Deuteronomio 4:1-2:

“ Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo ng matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. HUWAG NINYO ITONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN. Sundin ninyo ito ng WALANG LABIS AT WALANG KULANG.”

Nangangahulugan ito na ang mga tuntunin sa ilalim ng Kautusan na tinatawag ding “Kautusan ni Moises” (Josue 23:6) ay hindi maaaring baguhin o palitan. Ang Ikapu bilang tuntunin sa ilalim ng Kautusan ay may pamamaraan ayon sa iniutos ng Diyos sa pamamagitan ni Moises at ito ay hindi maaaring baguhin ng tao mula sa pagkain tungo sa salapi. Ang tuntunin sa ikapu ay mababasa sa mga aklat ng Deuteronomio 4:1-3, Deuteronomio 26:1-15 at Bilang 18:25-32. Ito ang ikapu na tinutukoy sa aklat ng Malakias at ito ay utos para lamang sa mga Israelita noong panahong iyon.

Maliwanag kung gayon na ang pag-iikapu sa kasalukuyang panahon ay hindi utos mula sa Diyos kundi utos lamang ng tao. Ang mga tumutupad nito ay hindi nagiging kalugod-lugod sa Diyos bagkus ay napapailalim sa sumpa at napapahiwalay kay Cristo. Ang ikapu ring ito ang isa sa nagiging sanhi ng di- pagkakaunawaan at pag-alis ng mga mananampalatayang walang kakayahang makatupad nito sa kongregasyon.

ANG BAGONG TIPAN -ang Tipan ni Cristo ( Tipan Kung Saan Napapailalim ang Bawat Cristiano )

ANG BAGONG TIPAN

Ang Tipan ni Cristo

( Tipan Kung Saan Napapailalim ang Bawat Cristiano )

Ang Bibliya ay binubuo ng 2 bahagi – ang Aklat ng Lumang Tipan at Aklat ng Bagong Tipan. Marami tayong matututuhan sa Aklat ng Lumang Tipan- ito ay nagsisilbing patnubay at nakapagbibigay kalakasan ang mga nasusulat sa aklat ng Awit at karunungan naman ang matatamo sa mga Kawikaan. Ang mga kasaysayan ng mga lingkod ng Diyos sa kapanahunang iyon, ang kanilang mga katagumpayan at maging ang kanilang mga pag-kakamali ay magbibigay ng aral sa bawat bumabasa nito. Mahalaga ang Aklat ng Lumang Tipan dahil kung hindi ito naging bahagi ng bibliya ay hindi natin maikukumpara ang pagkakaiba ng Unang Tipan na ginawa ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises at Bagong Tipan para sa lahat ng sasampalataya sa pamamagitan ni Cristo. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa Aklat ng Lumang Tipan ay makikita natin ang kahigitan ng Bagong Tipan gaya ng nasasabi sa:

2 CORINTO 3

1Magsisimula ba kaming papurihan muli ang aming mga sarili? Kailangan ba, tulad ng iba, ang sulat ng pagkilala para sa inyo, o ang sulat ng pagkilala mula sa inyo? 2Kayo ang aming sulat na iniukit sa aming mga puso na nalalaman at nababasa ng lahat ng mga tao. 3Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.

4Mayroon kaming ganitong pagtitiwala sa pamamagitan ni Cristo patungkol sa Diyos. 5Hindi namin inaangkin na kaya naming gawin ang anumang bagay sa aming sarili. Wala kaming kakayahan sa aming sarili, subalit ang aming kakayahan ay sa Diyos. 6Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Ang Kaluwalhatian ng Bagong Tipan

7Ang paglilingkod ng kamatayan sa mga sulat na iniukit sa mga bato ay ginawa na may kaluwalhatian. Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha. Ang kaluwalhatiang iyon ay lilipas. 8Kung ganito ito, bakit hindi magiging lalong maluwalhati ang paglilingkod ng Espiritu? 9Ito ay sapagkat kung ang paglilingkod ng kahatulan ay maluwalhati, lalong higit ang kaluwalhatian ng paglilingkod ng katuwiran. 10Ito ay sapagkat kahit na ang ginawang maluwalhati ay hindi naging maluwalhati sa ganitong paraan dahil sa nakakahigit na kaluwalhatian. 11Ito ay sapagkat kung ang lumipas ay may kaluwalhatian, lalo ngang higit ang kaluwalhatian niya na nananatili.


12Sa pagkakaroon nga ng pag-asang ito, lalong malakas ang aming loob. 13At hindi kami katulad ni Moises na naglagay ng lambong sa kaniyang mukha upang hindi matitigan ng mga anak ni Israel ang katapusan noong lumilipas. 14Ang kanilang mga pag-iisip ay binulag dahil hanggang sa ngayon nanatili pa rin na ang lambong na iyon ay hindi inaalis sa pagbasa ng lumang tipan. Iyon ay lumipas na kay Cristo. 15Hanggang sa ngayon kapag binabasa ang aklat ni Moises, may lambong sa kanilang mga puso. 16Kapag ito ay bumalik sa Panginoon, ang lambong ay aalisin. 17Ang Panginoon ay Espiritu at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon ang kalayaan. 18Ngunit makikita nating lahat, ng walang takip sa mukha, ang kaluwalhatian ng Panginoon. Tulad sa isang salamin, makikita nating lahat na tayo ay matutulad sa gayong anyo mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Ito ay tulad ng nagmula sa Panginoon na siyang Espiritu.

Ito ang tinutukoy sa:

At tungkol sa akin, ito ang aking

tipan sa kanila, sabi ng Panginoon:

ang aking Espiritu na nasa iyo, at

ang aking mga salita na inilagay ko

sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa

iyong bibig, o sa bibig man ng iyong

lahi, o sa bibig man ng angkan ng

iyong lahi, sabi ng Panginoon,

mula ngayon at magpakailan pa

man.

-ISAIAH 59:21

ANG UNANG TIPAN

1. Ang tagapamagitan ay tao – si Moises .

At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel. Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo’y inilapit ko sa akin din. Kaya’t ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka’t ang buong lupa ay akin; At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.

- EXODO 19:3-6

2. Pinagtibay ng dugo ng hayop .

18Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo. 19Sapagkat nangusap si Moises sa bawat tuntunin ng kautusan sa lahat ng taong naroroon. Pagkatapos nito ay dinala niya ang dugo ng mga guya at kambing na may kahalong tubig, pulang lana at sanga ng isopo at winisikan niya ang aklat ng kautusan at ang lahat ng taong naroroon.

- HEBREO 9:18-19

3. Nasusulat sa tapyas na bato.

Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin.

-DEUTERONOMIO 5:22

4. Nababatay sa Kautusang nakatitik na nagdudulot ng kamatayan.

6Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu DAHIL ANG KASULATAN NG KAUTUSAN AY PUMAPATAY, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

- 2 CORINTO 3:6

5. Hindi nakasalalay sa pananampalataya.

12NGUNIT ANG KAUTUSAN AY HINDI SA PANANAMPALATAYA. Subalit
ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay
mabubuhay sa pamamagitan nito.

-GALACIA 3:12

6. Nauukol sa pagkain at inumin, mgapaglilinis at alituntunin ng tao.

10Ang mga ito ay binubuo ng pagkain at inumin at mga natatanging paraan ng paglubog at mga ALITUNTUNIN NG TAO. Iniutos ito ng Diyos hanggang sa panahon na babaguhin niya ang mga bagay.

–HEBREO 9:10

7. Hindi napagiging matuwid ang tao.

Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat
ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng
pananampalataya.

-GALACIA 3:11

8. Mahina at walang- bisa

18Sapagkat ang dating kautusan ay isina isangtabi dahil ito ay mahina at walang kabuluhan. 19Sapagkat walang napapaging-ganap ang kautusan. Sa kabilang dako, mayroong pagpapakilala ng lalong mabuting pag-asa, na sa pamamagitan nito, tayo ay lumalapit sa Diyos.

- HEBREO 7:18-19

9. Lumipas at pinawalang-bisa.

12Sapagkat nang baguhin ng Diyos ang pagkasaserdote, kinakailangang baguhin din niya ang kautusan.

7Sapagkat kung ang unang tipan ay walang kakulangan, hindi na sana naghahanap pa ng lugar para sa ikalawang tipan.

13Nang sabihin niya: Isang bagong tipan, pinaging luma niya ang unang tipan. Ito ngayon ay tumatanda na at malapit nang mawala.

- HEBREO 7:12, 8:7, 8:13

Sinabi ng Diyos ang tungkol sa tipang ito sa Aklat ng Lumang Tipan na inihayag ni Propeta Jeremias.

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka’t makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka’t aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

- JEREMIAS 31:31-34

ANG BAGONG TIPAN

1. Ang tagapamagitan ay anak ng Diyos– si Jesu-cristo.

Sapagkat ang kautusan ay nagtatalaga ng mga pinunong-saserdote na mga taong may kahinaan. Ngunit ang salita ng panunumpa na dumating pagkatapos ng kautusan ay nagtalaga sa anak na pinaging-ganap magpakailanman.

15Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.

– HEBREO 7:28, 9:15

2. Pinagtibay ng dugo ni Cristo.

12Pumasok siya, hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing o guya kundi sa pamamagitan ng sarili niyang dugo. At nang maganap na niya ang walang hanggang katubusan, pumasok siya sa kabanal-banalang dako nang minsan lamang at magpakailanman.

– HEBREO 9:12

3. Nasusulat sa puso ng tao.

3Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.

– 2 CORINTO 3:3

4. Nababatay sa Espiritu na nagbibigay-buhay.

Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

-2 CORINTO 3:6

. Nakasalalay sa pananampalataya.

35Kaya nga, huwag ninyong itakwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. 36Sapagkat kailangan ninyo ang pagtitiis upang pagkatapos maisagawa ang kalooban ng Diyos ay matanggap ninyo ang kaniyang pangako. 37Sapagkat sa napaikling panahon na lamang:
Siya na paparito ay darating na at hindi siya
magtatagal. 38Ngunit ang matuwid ay mabubuhay
sa pamamagitan ng pananampalataya
. At kung
siya ay tumalikod, hindi malulugod ang aking
kaluluwa sa kaniya.

39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumalikod patungo sa pagkawasak. Sa halip tayo ay kabilang sa mga sumasampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

-HEBREO 10:35-39

6. Nauukol sa pagbabago ng puso at kalooban.

29Ang tunay na Judio ay ang Judio sa kalooban at ang tunay na nasa pagtutuli ay sa puso, sa espiritu at hindi ayon sa titik ng kautusan. Ang papuri sa kaniya ay hindi mula sa tao kundi mula sa Diyos.

-ROMA 2:29

7. Napagiging-matuwid ang tao.

14Sapagkat sa pamamagitan ng paghahandog ng isang hain, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinapaging-banal.

– HEBREO 10:14

6Sa ganito ring paraan, si Abraham
ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang
sa kaniya na katuwiran.

- GALACIA 3:6

8. Makapangyarihan at mabisa.

2Sa pamamagitan nito, si Jesus ang naging katiyakan ng isang lalong higit na mabuting tipan.

4Gaano pa kaya ang dugo ni Jesus na makakapaglinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa buhay na Diyos. Inihandog niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang walang kapintasan sa pamamagitan ng tulong ng walang hanggang Espiritu.

15Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.

– HEBREO 7:22, 9:14-15

9. Mananatili kailanman, walang-hanggang tipan.

23Sa isang dako, dahil pinigilan sila ng kamatayan upang magpatuloy, kinakailangan ang maraming saserdote. 24Sa kabilang dako naman, dahil si Jesus ay nabubuhay magpakailanman, siya ay may pagkasaserdoteng mananatili magpakailanman. 25Kaya nga, ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya ay maililigtas niya nang lubusan, yamang siya ay nabubuhay magpakailanman upang siya ay mamagitan sa kanila.

-HEBREO 7:23-25

Bukod dito’y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man.

- EZEKIEL 37:26

Sa mga aklat naman na isinulat ng mga propeta ay mababasa natin ang kanilang mga pahayag tungkol kay Jesu-Cristo na makikita natin na nagkaroon ng kaganapang lahat ng sa Aklat ng Bagong Tipan, gayundin ang mga hula tungkol sa mga magaganap sa huling panahon. Kung gayon, ang Aklat ng Lumang Tipan ang nagpapatibay sa katotohanan ng mga pangyayari sa Bagong Tipan. Ngunit maliwanag na ang mga utos at mga tuntunin sa Aklat ng Lumang Tipan na isinulat ni Moises na tinatawag ding Kautusan ay nawalan na ng bisa simula ng mapagtibay ang Bagong Tipan.

Kung gayon, inalis ang unang

tuntunin dahil sa ito’y mahina at

walang bisa. Sapagkat walang

napaging-ganap ang Kautusan;

ngunit higit na mabuti ang bagong

pag-asang tinanggap natin — sa

pamamagitan nito’y nakalalapit na

tayo sa Diyos.”

- HEBREO 7:18-19

Pinawalang-bisa ni Cristo ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin upang pag-isahin ang mga Judio at mga Hentil.

5Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ANG BATAS NG KAUTUSAN na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan.

– EFESO 2:15

Sapagkat ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasalanan sa pamamagitan ng Kautusan. ”

- ROMA 3:20

” Bagama’t kami’y ipinanganak na Judio at hindi makasalanang Hentil, alam naming na ang tao ay pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at hindi sa mga gawa ayon sa Kautusan. Nananalig din kami kay Jesu-Cristo upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagkat ang tao ay hindi mapapawalang – sala sa pamamagitan ng pagtalima sa Kautusan.”

– GALACIA 2:15 – 16

” Ngunit nang dumating ang

takdang panahon, sinugo ng

Diyos ang kanyang Anak.

Isinilang siya ng isang babae at

namuhay sa ilalim ng Kautusan

upang palayain ang mga nasa

ilalim ng Kautusan. Sa gayon,

tayo’y mabibilang na mga anak

ng Diyos.”

– GALACIA 4:4 – 5

Ito ang dahilan ng pagkakatawang-tao ni Cristo, upang ganapin ang mga nasusulat tungkol sa kanya sa Aklat ng Kautusan nang sa gayon ay matubos niya ang sangkatauhan sa sumpa nito. (Mateo 7:38-39)

Ang Kautusan ay naging sumpa sa mga tao dahil walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos ayon sa Deuteronomio 4:1-2:

“ Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo ng matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. HUWAG NINYO ITONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN. Sundin ninyo ito ng WALANG LABIS AT WALANG KULANG.”

Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag, kung gayon, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapagkat” Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” NGUNIT ANG KAUTUSAN AY HINDI NASASALALAY SA PANANALIG SA DIYOS , sapagkat sinasabi ng Kasulatan,” Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”

- GALACIA 3:10-12

Ang nais ng Diyos ay sunding lahat ang nasusulat sa Aklat ng Kautusan ngunit walang sinumang nakatupad sa lahat ng nasusulat dito sapagkat ang lahat ay nagkasala – walang sinumang naging marapat sa paningin ng Diyos (Roma 3:23) sapagkat ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat. (Santiago 2:10)

Ang Kautusan ni Moises na siyang titik ng Unang Tipan ay Kautusan ng Gawa samantalang ang Tipan ni Cristo ay Kautusan ng Pananampalataya. Kaya sinasabi na ito ang katuwirang hindi galing sa pagsisikap ng tao kundi sa kapamaraanan ng Diyos sa bawat sumasampalataya.

Mayroon kaming ganitong

pagtitiwala sa pamamagitan ni

Cristo patungkol sa Diyos. 5Hindi

namin inaangkin na kaya naming

gawin ang anumang bagay sa aming

sarili. Wala kaming kakayahan sa

aming sarili, subalit ang aming

kakayahan ay sa Diyos. 6

- 2 CORINTO 3:4-5

Roma 3:9-18

Walang Isa mang Tao na Matuwid9Ano ngayon? Kami ba ay nakakahigit? Hindi! Ito ay sapagkat napatunayan na namin noong una pa man, na kapwa ang mga Judio at mga Griyego ay nasa ilalim ng kasalanan. 10Ito ay ayon sa nasusulat: Walang sinumang matuwid, wala kahit isa. 11Walang sinumang nakakaunawa, walang sinu-mang humahanap sa Diyos. 12Ang lahat ay lumihis ng daan, sama-sama silang naging walang pakinabang. Walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. 13Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan. Sa kanilang mga dila ay ginagamit nila ang pandaraya. Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa mga labi nila. 14Ang mga bibig nila ay puno ng pagsumpa at mapait na mananalita. 15Ang mga paa nila ay mabilis sa pagbuhos ng dugo. 16Pagkawasak at paghihirap ang nasa kanilang mga landas. 7Hindi nila alam ang landas ng kapayapaan. 18Ang pagkatakot sa Diyos ay wala sa kanila.

Ito ANG BUNGA ng pagsuway ni Adan na naging sanhi ng paglaganap ng kasalanan sa sangkatauhan na nagdulot ng kamatayan.

12Sa kadahilanang ito, sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan. Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat. 13Ito ay sapagkat ang kasalanan ay nasa sanlibutan na bago pa ibinigay ang kautusan. Ngunit nang wala pa ang kautusan ang kasalanan ay hindi ibinibilang. 14Subalit ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises. Ito ay naghari maging sa kanila na ang kasalanan ay hindi tulad ng pagsalangsang ni Adan na siyang larawan ng paparating na.

-ROMA 3:12-14

Ngunit dahil sa napakadakilang pag-ibig niyasa atin, siya na rin mismo ang gumawa ng paraan upang tayo’y matubos.

Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan nang siya’y magdusa na parang isang sinumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.” Tinubos niya tayo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay kamtan ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus, at sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay sumaatin ang Espiritung ipinangako ng Diyos. “

- GALACIA 3:13-14

1Ngayon nga ay wala nang kahatulan sa kanila na na kay Cristo Jesus. Sila ang mga lumalakad na hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu. 2Ito ay sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na nasa kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa akin mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. 3Ito ay sapagkat ang kautusan ay mahina sa pamamagitan ng makalamang kalikasan, kaya ito ay walang kapangyarihan. Isinugo ng Diyos ang sarili niyang anak na nasa anyo ng taong makasalanan upang maging hain para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sa laman ay hinatulan na niya ang kasalanan. 4Upang matupad ang matuwid na hinihiling ng kautusan sa atin na mga lumalakad nang hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu.

– ROMA 8:1-4

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagkakaloob sa kanyang bugtong na anak na si Hesus na nag-alay ng kanyang dugo sa ikapag-papatibay ng Bagong Tipan na nagsimulang magkabisa nang maganap ang kamatayan ni Cristo…

16Sapagkat kung saan naroon ang isang tipan, kinakailangan ang gumawa ng tipan ay mamatay. 17Sapagkat pagkamatay ng isang tao, ang isang tipan ay magiging mabisa. Habang ang taong gumawa nito ay nabubuhay pa, wala itong bisa. 18Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo.

-HEBREO 9:16-18

At sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay mapagiging-matuwid ang mga tao, mapag-haharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kanyang Espiritu, kaya naman ang bawat mananampalataya ay hindi na maaalipin pa ng kasalanan, laging makaka-asa sa habag at kapatawaran mula sa Diyos, magkakaroon ng kakayahang gumawa ng mabuti at matuwid sa pamamagitan ng patnubay at kalakasang nagmumula sa Salita ng Diyos na buhay at makapangyarihan at higit sa lahat ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

1

Kaya nga, yamang tayo ay pinaging-

matuwid sa pamamagitan ng

pananampalataya, mayroon tayong

kapayapaan sa Diyos sa

pamamagitan ng ating Panginoong

Jesucristo. 2Sa pamamagitan din

niya tayo ay nagkaroon ng daan

patungo sa biyaya sa pamamagitan

ng pananampalataya. Sa biyayang

ito tayo ay naninindigan at

nagmamalaki sa pag-asa ng

kaluwalhatian ng Diyos. 3Hindi

lang ito, kundi sa paghihirap ay

nagmamalaki rin tayo dahil alam

nating ang paghihirap ay

nagbubunga ng pagtitiis. 4Ang

pagtitiis ay nagbubunga ng

magandang ugali at ang magandang

ugali ay nagbubunga ng pag-asa. 5

Hindi tayo pinapahiya ng pag-asa

sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay

ibinuhos sa ating mga puso sa

pamamagitan ng Banal na Espiritu

na ipinagkaloob sa atin.

9Higit pa riyan, tayo ngayon ay

pinaging-matuwid sa pamamagitan

ng kaniyang dugo. Kaya nga, tayo

ay maliligtas sa poot sa

pamamagitan niya. 10Ito ay

sapagkat nang tayo ay kaaway ng

Diyos, ipinagkasundo tayo sa

kaniya sa pamamagitan ng

kamatayan ng kaniyang anak. Higit

pa riyan, ngayong tayo ay

ipinagkasundo, tayo ay maliligtas

sa pamamagitan ng buhay ng

kaniyang anak. 11Hindi lang gayon,

kundi tayo ay nagagalak sa Diyos sa

pamamagitan ng ating Panginoong

Jesucristo na sa pamamagitan niya,

tayo ay nagtamo ng

pakikipagkasundo.

- ROMA 5:1-12

ANG KAHULUGAN NG SALITANG “CRISTIANO”

ANG KAHULUGAN NG SALITANG “CRISTIANO”

Ang salitang “Cristiano” ay nangangahulugang ALAGAD ni Cristo. Sa madaling salita ay taga-sunod ni Cristo:

At nang siya ay matagpuan niya, dinala niya siya sa Antioquia. Nangyari na sa buong isang taon, sila ay nakipag-tipon sa buong iglesiya. Sila ay nagturo sa maraming tao. Ang mga alagad ay unang tinawag na mga Kristiyano sa Antioquia.

- GAWA 11:26

Kaya ang pagiging Cristiano ay nangangahulugang pagsunod sa mga utos at aral ni Cristo at hindi basta paniniwala lamang kay Cristo”.

31Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

- JUAN 8:31-32

9Sa sinumang sumasalangsang at hindi nananatili sa aral ni Cristo ay wala sa kaniya ang Diyos. Siya na nananatili sa aral ni Cristo, ang Ama at ang Anak ay nasa kaniya.

- 2 JUAN 1:9

Ito ang utos ni Cristo:

19Humayo nga kayo. Gawin ninyong ALAGAD ang lahat ng mga bansa, inyong BAUTISMUHAN sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. 20TURUAN ninyo sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na aking inutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. Siya nawa!

– MATEO 28:19-23

34Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo MAG-IBIGAN sa isa’t isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa’t isa. 35Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa’t isa.

– JUAN 13:34-35

Ito ang mensahe ni Jesus:

Si Jesus ay sumigaw at nagsabi: Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. Ang nakakita sa akin ay nakakita sa kaniya na nagsugo sa akin. Ako ay narito bilang liwanag sa sanlibutan upang ang lahat ng sumasampalataya sa akin ay hindi manatili sa kadiliman.

–JUAN 12:44-46

21Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22Sa araw na iyon ay marami ang magsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, hindi ba sa iyong pangalan ay naghayag kami ng salita katulad ng mga propeta, at sa iyong pangalan ay nagpalayas kami ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming himala? 23Pagkatapos nito ay ipahahayag ko sa kanila: .Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos

- MATEO 7:21-23

47Kung ang sinuman ay nakikinig ng aking mga salita at hindi sumasampalataya, hindi ko siya hinahatulan. Ito ay sapagkat hindi ako narito upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ang sangkatauhan. 48May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw. 49Ito ay sapagkat hindi ako nagsasalita mula sa sarili ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nag-utos kung ano ang dapat kong sabihin at bigkasin. 50Alam ko, na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan. Ito nga ang sinasabi ko. Kung papaanong sinasabi sa akin ng Ama, sa gayunding paraan nagsasalita ako.

-JUAN 12:47-50

TAYO AY NASA HULING ARAW NA… PANAHON

NA UPANG ATING UNAWAIN AT TANGGAPIN

ANG KATOTOHANAN NG SALITA NG DIYOS

UPANG TAYO AY HINDI MAHATULAN…

Ikaw ba ay Cristiano? Mahal mo bang talaga si Hesus?

Kung gayon, manatili ka sa kanyang aral at

sundin ang kanyang mga utos. Lahat ng mga

aral ni Cristo ay matatagpuan sa Aklat ng

Bagong Tipan. Ito ang nararapat na pag-aralan

at isapamuhay ng bawat Cristiano.

“9Kung papaanong inibig ako ng Ama ay gayon ko rin kayo inibig. Manatili kayo sa aking pag-ibig. 10Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Tulad ko, tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nanatili sa kaniyang pag-ibig. 11Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo. Gayundin naman, ang inyong kagalakan ay malubos. 12Ito ang aking utos: Kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo.”

-JUAN 15:9-11