ANG BAGONG TIPAN
Ang Tipan ni Cristo
( Tipan Kung Saan Napapailalim ang Bawat Cristiano )
Ang Bibliya ay binubuo ng 2 bahagi – ang Aklat ng Lumang Tipan at Aklat ng Bagong Tipan. Marami tayong matututuhan sa Aklat ng Lumang Tipan- ito ay nagsisilbing patnubay at nakapagbibigay kalakasan ang mga nasusulat sa aklat ng Awit at karunungan naman ang matatamo sa mga Kawikaan. Ang mga kasaysayan ng mga lingkod ng Diyos sa kapanahunang iyon, ang kanilang mga katagumpayan at maging ang kanilang mga pag-kakamali ay magbibigay ng aral sa bawat bumabasa nito. Mahalaga ang Aklat ng Lumang Tipan dahil kung hindi ito naging bahagi ng bibliya ay hindi natin maikukumpara ang pagkakaiba ng Unang Tipan na ginawa ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises at Bagong Tipan para sa lahat ng sasampalataya sa pamamagitan ni Cristo. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa Aklat ng Lumang Tipan ay makikita natin ang kahigitan ng Bagong Tipan gaya ng nasasabi sa:
2 CORINTO 3
1Magsisimula ba kaming papurihan muli ang aming mga sarili? Kailangan ba, tulad ng iba, ang sulat ng pagkilala para sa inyo, o ang sulat ng pagkilala mula sa inyo? 2Kayo ang aming sulat na iniukit sa aming mga puso na nalalaman at nababasa ng lahat ng mga tao. 3Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.
4Mayroon kaming ganitong pagtitiwala sa pamamagitan ni Cristo patungkol sa Diyos. 5Hindi namin inaangkin na kaya naming gawin ang anumang bagay sa aming sarili. Wala kaming kakayahan sa aming sarili, subalit ang aming kakayahan ay sa Diyos. 6Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
Ang Kaluwalhatian ng Bagong Tipan
7Ang paglilingkod ng kamatayan sa mga sulat na iniukit sa mga bato ay ginawa na may kaluwalhatian. Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha. Ang kaluwalhatiang iyon ay lilipas. 8Kung ganito ito, bakit hindi magiging lalong maluwalhati ang paglilingkod ng Espiritu? 9Ito ay sapagkat kung ang paglilingkod ng kahatulan ay maluwalhati, lalong higit ang kaluwalhatian ng paglilingkod ng katuwiran. 10Ito ay sapagkat kahit na ang ginawang maluwalhati ay hindi naging maluwalhati sa ganitong paraan dahil sa nakakahigit na kaluwalhatian. 11Ito ay sapagkat kung ang lumipas ay may kaluwalhatian, lalo ngang higit ang kaluwalhatian niya na nananatili.
12Sa pagkakaroon nga ng pag-asang ito, lalong malakas ang aming loob. 13At hindi kami katulad ni Moises na naglagay ng lambong sa kaniyang mukha upang hindi matitigan ng mga anak ni Israel ang katapusan noong lumilipas. 14Ang kanilang mga pag-iisip ay binulag dahil hanggang sa ngayon nanatili pa rin na ang lambong na iyon ay hindi inaalis sa pagbasa ng lumang tipan. Iyon ay lumipas na kay Cristo. 15Hanggang sa ngayon kapag binabasa ang aklat ni Moises, may lambong sa kanilang mga puso. 16Kapag ito ay bumalik sa Panginoon, ang lambong ay aalisin. 17Ang Panginoon ay Espiritu at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon ang kalayaan. 18Ngunit makikita nating lahat, ng walang takip sa mukha, ang kaluwalhatian ng Panginoon. Tulad sa isang salamin, makikita nating lahat na tayo ay matutulad sa gayong anyo mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Ito ay tulad ng nagmula sa Panginoon na siyang Espiritu.
Ito ang tinutukoy sa:
At tungkol sa akin, ito ang aking
tipan sa kanila, sabi ng Panginoon:
ang aking Espiritu na nasa iyo, at
ang aking mga salita na inilagay ko
sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa
iyong bibig, o sa bibig man ng iyong
lahi, o sa bibig man ng angkan ng
iyong lahi, sabi ng Panginoon,
mula ngayon at magpakailan pa
man.
-ISAIAH 59:21
ANG UNANG TIPAN
1. Ang tagapamagitan ay tao – si Moises .
At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel. Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo’y inilapit ko sa akin din. Kaya’t ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka’t ang buong lupa ay akin; At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.
- EXODO 19:3-6
2. Pinagtibay ng dugo ng hayop .
18Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo. 19Sapagkat nangusap si Moises sa bawat tuntunin ng kautusan sa lahat ng taong naroroon. Pagkatapos nito ay dinala niya ang dugo ng mga guya at kambing na may kahalong tubig, pulang lana at sanga ng isopo at winisikan niya ang aklat ng kautusan at ang lahat ng taong naroroon.
- HEBREO 9:18-19
3. Nasusulat sa tapyas na bato.
Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin.
-DEUTERONOMIO 5:22
4. Nababatay sa Kautusang nakatitik na nagdudulot ng kamatayan.
6Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu DAHIL ANG KASULATAN NG KAUTUSAN AY PUMAPATAY, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
- 2 CORINTO 3:6
5. Hindi nakasalalay sa pananampalataya.
12NGUNIT ANG KAUTUSAN AY HINDI SA PANANAMPALATAYA. Subalit
ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay
mabubuhay sa pamamagitan nito.
-GALACIA 3:12
6. Nauukol sa pagkain at inumin, mgapaglilinis at alituntunin ng tao.
10Ang mga ito ay binubuo ng pagkain at inumin at mga natatanging paraan ng paglubog at mga ALITUNTUNIN NG TAO. Iniutos ito ng Diyos hanggang sa panahon na babaguhin niya ang mga bagay.
–HEBREO 9:10
7. Hindi napagiging matuwid ang tao.
Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat
ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng
pananampalataya.
-GALACIA 3:11
8. Mahina at walang- bisa
18Sapagkat ang dating kautusan ay isina isangtabi dahil ito ay mahina at walang kabuluhan. 19Sapagkat walang napapaging-ganap ang kautusan. Sa kabilang dako, mayroong pagpapakilala ng lalong mabuting pag-asa, na sa pamamagitan nito, tayo ay lumalapit sa Diyos.
- HEBREO 7:18-19
9. Lumipas at pinawalang-bisa.
12Sapagkat nang baguhin ng Diyos ang pagkasaserdote, kinakailangang baguhin din niya ang kautusan.
7Sapagkat kung ang unang tipan ay walang kakulangan, hindi na sana naghahanap pa ng lugar para sa ikalawang tipan.
13Nang sabihin niya: Isang bagong tipan, pinaging luma niya ang unang tipan. Ito ngayon ay tumatanda na at malapit nang mawala.
- HEBREO 7:12, 8:7, 8:13
Sinabi ng Diyos ang tungkol sa tipang ito sa Aklat ng Lumang Tipan na inihayag ni Propeta Jeremias.
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka’t makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka’t aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.
- JEREMIAS 31:31-34
ANG BAGONG TIPAN
1. Ang tagapamagitan ay anak ng Diyos– si Jesu-cristo.
Sapagkat ang kautusan ay nagtatalaga ng mga pinunong-saserdote na mga taong may kahinaan. Ngunit ang salita ng panunumpa na dumating pagkatapos ng kautusan ay nagtalaga sa anak na pinaging-ganap magpakailanman.
15Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.
– HEBREO 7:28, 9:15
2. Pinagtibay ng dugo ni Cristo.
12Pumasok siya, hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing o guya kundi sa pamamagitan ng sarili niyang dugo. At nang maganap na niya ang walang hanggang katubusan, pumasok siya sa kabanal-banalang dako nang minsan lamang at magpakailanman.
– HEBREO 9:12
3. Nasusulat sa puso ng tao.
3Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.
– 2 CORINTO 3:3
4. Nababatay sa Espiritu na nagbibigay-buhay.
Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
-2 CORINTO 3:6
. Nakasalalay sa pananampalataya.
35Kaya nga, huwag ninyong itakwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. 36Sapagkat kailangan ninyo ang pagtitiis upang pagkatapos maisagawa ang kalooban ng Diyos ay matanggap ninyo ang kaniyang pangako. 37Sapagkat sa napaikling panahon na lamang:
Siya na paparito ay darating na at hindi siya
magtatagal. 38Ngunit ang matuwid ay mabubuhay
sa pamamagitan ng pananampalataya. At kung
siya ay tumalikod, hindi malulugod ang aking
kaluluwa sa kaniya.
39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumalikod patungo sa pagkawasak. Sa halip tayo ay kabilang sa mga sumasampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.
-HEBREO 10:35-39
6. Nauukol sa pagbabago ng puso at kalooban.
29Ang tunay na Judio ay ang Judio sa kalooban at ang tunay na nasa pagtutuli ay sa puso, sa espiritu at hindi ayon sa titik ng kautusan. Ang papuri sa kaniya ay hindi mula sa tao kundi mula sa Diyos.
-ROMA 2:29
7. Napagiging-matuwid ang tao.
14Sapagkat sa pamamagitan ng paghahandog ng isang hain, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinapaging-banal.
– HEBREO 10:14
6Sa ganito ring paraan, si Abraham
ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang
sa kaniya na katuwiran.
- GALACIA 3:6
8. Makapangyarihan at mabisa.
2Sa pamamagitan nito, si Jesus ang naging katiyakan ng isang lalong higit na mabuting tipan.
4Gaano pa kaya ang dugo ni Jesus na makakapaglinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa buhay na Diyos. Inihandog niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang walang kapintasan sa pamamagitan ng tulong ng walang hanggang Espiritu.
15Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.
– HEBREO 7:22, 9:14-15
9. Mananatili kailanman, walang-hanggang tipan.
23Sa isang dako, dahil pinigilan sila ng kamatayan upang magpatuloy, kinakailangan ang maraming saserdote. 24Sa kabilang dako naman, dahil si Jesus ay nabubuhay magpakailanman, siya ay may pagkasaserdoteng mananatili magpakailanman. 25Kaya nga, ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya ay maililigtas niya nang lubusan, yamang siya ay nabubuhay magpakailanman upang siya ay mamagitan sa kanila.
-HEBREO 7:23-25
Bukod dito’y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man.
- EZEKIEL 37:26
Sa mga aklat naman na isinulat ng mga propeta ay mababasa natin ang kanilang mga pahayag tungkol kay Jesu-Cristo na makikita natin na nagkaroon ng kaganapang lahat ng sa Aklat ng Bagong Tipan, gayundin ang mga hula tungkol sa mga magaganap sa huling panahon. Kung gayon, ang Aklat ng Lumang Tipan ang nagpapatibay sa katotohanan ng mga pangyayari sa Bagong Tipan. Ngunit maliwanag na ang mga utos at mga tuntunin sa Aklat ng Lumang Tipan na isinulat ni Moises na tinatawag ding Kautusan ay nawalan na ng bisa simula ng mapagtibay ang Bagong Tipan.
Kung gayon, inalis ang unang
tuntunin dahil sa ito’y mahina at
walang bisa. Sapagkat walang
napaging-ganap ang Kautusan;
ngunit higit na mabuti ang bagong
pag-asang tinanggap natin — sa
pamamagitan nito’y nakalalapit na
tayo sa Diyos.”
- HEBREO 7:18-19
Pinawalang-bisa ni Cristo ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin upang pag-isahin ang mga Judio at mga Hentil.
5Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ANG BATAS NG KAUTUSAN na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan.
– EFESO 2:15
” Sapagkat ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasalanan sa pamamagitan ng Kautusan. ”
- ROMA 3:20
” Bagama’t kami’y ipinanganak na Judio at hindi makasalanang Hentil, alam naming na ang tao ay pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at hindi sa mga gawa ayon sa Kautusan. Nananalig din kami kay Jesu-Cristo upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagkat ang tao ay hindi mapapawalang – sala sa pamamagitan ng pagtalima sa Kautusan.”
– GALACIA 2:15 – 16
” Ngunit nang dumating ang
takdang panahon, sinugo ng
Diyos ang kanyang Anak.
Isinilang siya ng isang babae at
namuhay sa ilalim ng Kautusan
upang palayain ang mga nasa
ilalim ng Kautusan. Sa gayon,
tayo’y mabibilang na mga anak
ng Diyos.”
– GALACIA 4:4 – 5
Ito ang dahilan ng pagkakatawang-tao ni Cristo, upang ganapin ang mga nasusulat tungkol sa kanya sa Aklat ng Kautusan nang sa gayon ay matubos niya ang sangkatauhan sa sumpa nito. (Mateo 7:38-39)
Ang Kautusan ay naging sumpa sa mga tao dahil walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos ayon sa Deuteronomio 4:1-2:
“ Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo ng matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. HUWAG NINYO ITONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN. Sundin ninyo ito ng WALANG LABIS AT WALANG KULANG.”
“ Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag, kung gayon, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapagkat” Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” NGUNIT ANG KAUTUSAN AY HINDI NASASALALAY SA PANANALIG SA DIYOS , sapagkat sinasabi ng Kasulatan,” Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”
- GALACIA 3:10-12
Ang nais ng Diyos ay sunding lahat ang nasusulat sa Aklat ng Kautusan ngunit walang sinumang nakatupad sa lahat ng nasusulat dito sapagkat ang lahat ay nagkasala – walang sinumang naging marapat sa paningin ng Diyos (Roma 3:23) sapagkat ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat. (Santiago 2:10)
Ang Kautusan ni Moises na siyang titik ng Unang Tipan ay Kautusan ng Gawa samantalang ang Tipan ni Cristo ay Kautusan ng Pananampalataya. Kaya sinasabi na ito ang katuwirang hindi galing sa pagsisikap ng tao kundi sa kapamaraanan ng Diyos sa bawat sumasampalataya.
Mayroon kaming ganitong
pagtitiwala sa pamamagitan ni
Cristo patungkol sa Diyos. 5Hindi
namin inaangkin na kaya naming
gawin ang anumang bagay sa aming
sarili. Wala kaming kakayahan sa
aming sarili, subalit ang aming
kakayahan ay sa Diyos. 6
- 2 CORINTO 3:4-5
Roma 3:9-18
Walang Isa mang Tao na Matuwid9Ano ngayon? Kami ba ay nakakahigit? Hindi! Ito ay sapagkat napatunayan na namin noong una pa man, na kapwa ang mga Judio at mga Griyego ay nasa ilalim ng kasalanan. 10Ito ay ayon sa nasusulat: Walang sinumang matuwid, wala kahit isa. 11Walang sinumang nakakaunawa, walang sinu-mang humahanap sa Diyos. 12Ang lahat ay lumihis ng daan, sama-sama silang naging walang pakinabang. Walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. 13Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan. Sa kanilang mga dila ay ginagamit nila ang pandaraya. Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa mga labi nila. 14Ang mga bibig nila ay puno ng pagsumpa at mapait na mananalita. 15Ang mga paa nila ay mabilis sa pagbuhos ng dugo. 16Pagkawasak at paghihirap ang nasa kanilang mga landas. 7Hindi nila alam ang landas ng kapayapaan. 18Ang pagkatakot sa Diyos ay wala sa kanila.
Ito ANG BUNGA ng pagsuway ni Adan na naging sanhi ng paglaganap ng kasalanan sa sangkatauhan na nagdulot ng kamatayan.
12Sa kadahilanang ito, sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan. Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat. 13Ito ay sapagkat ang kasalanan ay nasa sanlibutan na bago pa ibinigay ang kautusan. Ngunit nang wala pa ang kautusan ang kasalanan ay hindi ibinibilang. 14Subalit ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises. Ito ay naghari maging sa kanila na ang kasalanan ay hindi tulad ng pagsalangsang ni Adan na siyang larawan ng paparating na.
-ROMA 3:12-14
Ngunit dahil sa napakadakilang pag-ibig niyasa atin, siya na rin mismo ang gumawa ng paraan upang tayo’y matubos.
Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan nang siya’y magdusa na parang isang sinumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.” Tinubos niya tayo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay kamtan ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus, at sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay sumaatin ang Espiritung ipinangako ng Diyos. “
- GALACIA 3:13-14
1Ngayon nga ay wala nang kahatulan sa kanila na na kay Cristo Jesus. Sila ang mga lumalakad na hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu. 2Ito ay sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na nasa kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa akin mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. 3Ito ay sapagkat ang kautusan ay mahina sa pamamagitan ng makalamang kalikasan, kaya ito ay walang kapangyarihan. Isinugo ng Diyos ang sarili niyang anak na nasa anyo ng taong makasalanan upang maging hain para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sa laman ay hinatulan na niya ang kasalanan. 4Upang matupad ang matuwid na hinihiling ng kautusan sa atin na mga lumalakad nang hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu.
– ROMA 8:1-4
Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagkakaloob sa kanyang bugtong na anak na si Hesus na nag-alay ng kanyang dugo sa ikapag-papatibay ng Bagong Tipan na nagsimulang magkabisa nang maganap ang kamatayan ni Cristo…
No comments:
Post a Comment