ANG IKAPU
Malakias 3:6-12
“Ang Pagbabayad ng Ikapu”
1.Ito ay utos para lamang sa mga Israelita sa panahon ng Lumang Tipan.
– Malakias 3:6-8, Deuteronomio10:12-15, 11
“Ang mga hinirang na saserdote sa mga inapo ni Levi ay inaatasan ng Kautusan na kumuha ng ikapu mula sa mga Israelita, samakatuwid baga’y sa kanilang mga kapatid, bagama’t mula rin sila kay Abraham.”
- HEBREO 7:5
2.Ito ay isang tuntunin sa ilalim mg Kautusan.
– Deut. 26:1-2, 12-13
“ Ito ang kautusang ibinigay ni Moises sa mga Israelita, mga batas at tuntuning ipinahayag nila nang sila ay makalabas sa Egipto.”
– DEUT. 4:44
a.Ito ay pagkain at hindi salapi
“Kukunan ninyo ng ikapu ang inyong ani taun-taon.Ang ikapu ng inyong ani, alak, langis, at mga panganay ng inyong mga hayop ay doon ninyo kakainin sa lugar na pipiliin ni Yahweh upang matuto kayong matakot sa kanya. Kung malayo ang lugar na pipiliin niya at magiging mahirap dalhin doon ang mga ikapu ng inyong ani, ipagbili ninyo iyon at dalhin ang pinagbilhan sa lugar na pinili niya. Pagdating doon, bumili kayo ng anumang gusto ninyo: baka, tupa, alak o anumang nais ninyo at siya ninyo pagsalu-saluhang mag-anak sa harapan ni Yahweh.”
– DEUT. 14:22-26
b.Hindi ito maaaring maging salapi sapagkat ang pinakamainam nito ay inihahandog sa Diyos, sa makatuwid ay sinusunog.
“Kaya’tsabihin mo sa kanila na pagkatapos ibukod ang pinakamainam sa bahagi ng ikapu ng buong Israel, ang matitira’y sa kanila na… At maaari na nilang kainin ang mga iyon kahit saan…”
– BILANG 18:30-31
c.Ito ay kinukuha taun-taon at tinitipon tuwing ika-tatlong taon at bukod sa mga Levita, binabahagi din ito sa mga taga-ibang bayan, mga ulila at balo.
“Tipunin ninyo ang ikapu ng inyong ani tuwing ika-tatlong taon. Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparte sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga taga-ibang bayan kasama ninyo, mga ulila at mga balo. Sa gayon, pagpapalain kayo ni Yahweh.”
– DEUT. 14:22, 28-29, 26:12
ANG IKAPU AY HINDI UTOS PARA SA MGA KRISTIYANO
1.Ang bawat tumanggap at sumampalataya kay Cristo ay wala na sa ilalim ng Kautusan kung siya ay Judio, samantalang ang mga Hentil sa simula pa ay hindi nasasakop ng Kautusan.
– Gawa 15:5-11, Roma 7:1-6
“Sapagkat hindi tunay na Judio ang isang tao dahil lamang sa Judio ang kanyang mga magulang at dahil sa pagtutuli ng laman. Ang tunay na Judio ay ang taong nagbago na ng puso’t kalooban, ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat…”
– ROMA 2:28-29
“Kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.”
– GALACIA5:18
2.Naging-isa ang mga Judio at Hentil hindi dahil saKautusan kundi sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo.
“Pinawalang-bisa niya ang Kautusang parang mga utos at tuntunin upang pag-isahin sa kanya ang dalawang bayan at maghari ang kapayapaan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, winakasan nya ang alitan ng dalawang bayan, kapwa pinapanumbalik sa Diyos, at pinagbuklod ng iisang katawan.”
– EFESO 2:15-18
3.Ang pangako ng Diyos kay Abraham ay batay sa kanyangpananalig at hindi dahil sa kanyang pagsunod sa Kautusan.
“Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang sanlibutan hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan kundi sa kanyangpananalig sa Diyos at sa gayon siya ay pinawalang-sala.”
– ROMA 4:13
“Sapagkat ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan.”
– ROMA 3:20
4.Wala nang mga Levita o mga saserdote sa kasalukuyang panahon sapagkat si Cristo na ang saserdote magpakailanman.
– Hebreo 8:1-13
“Sa isang dako, dahil pinigilan sila ng kamatayan upang magpatuloy, kinakailangan ang maraming saserdote.Sa kabilang dako naman, dahil si Jesus ay nabubuhay magpakailanman, siya ay may pagkasaserdoteng mananatili magpakailanman.”
- HEBREO 7:23-24
5.Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng anuman kaya’t ang handog at hain na kanyang kinalulugdan ay hindi salapi o anumang bagay kundi ang buhay na nakalulugod sa kanya – ang pagagawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa.
“Kaya nga, mga kapatid, sa pamamagitan ng mga kaawaan ng Diyos, ako ay namamanhik sa inyo. Iharap ninyo ang inyong mga katawan sa Diyos bilang isang haing buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang inyong katampatang paglilingkod. Huwag ninyong iayon ang inyong mga sarili sa kapanahunang ito. Sa halip ay mabago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong isipan. Ito ay upang masuri ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos. “
– ROMA 12:1-2
“Kaya sa pamamagitan niya, patuloy tayong magdala ng handog ng papuri sa Diyos. Ang ating hain ay ang bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Ang paggawa ng mabuti at pakikibahagi sa paglilingkod ay huwag ninyo itong kaliligtaan sapagkat kalugud-lugod sa Diyos ang mga handog na tulad nito.”
– HEBREO 13:15-16
6.Ang Diyos ay hindi nananahan sa mga templo o gusaling ginawa ng tao.
– Gawa 17:24-25
“ Si David ay naging kaluguran sa paningin ng Diyos. Hiniling niyang siya ay makapagpatayo ng isang tahanan para sa Diyos ni Jacob. Ngunit si Solomon ang nagtayo ng bahay para sa kaniya.
Subalit ang Kataas-taasan ay hindi tumitira sa mga banal na dakong gawa ng mga kamay, tulad sa sinasabi ng propeta:
Ang langit ay aking trono. Ang lupa ang
tuntungan ng aking mga paa. Sabi ng Panginoon:
Anong bahay ang itatayo ninyo sa akin? O,
anong dako ang pagpapahingahan ko? Hindi
ba ang lahat ng ito ay ginawa ng aking kamay?
Kayong mga matitigas ang ulo at hindi tuli ang mga puso at tainga! Lagi ninyong sinasalungat ang Banal na Espiritu. Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno ay gayundin naman ang gingawa ninyo.”
- GAWA 7:46-51
7.Ang templo ng Diyos ay ang mga Kristiyano“
Hindi ba ninyo alam na kayo ang banal na dako ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay nananahan sa inyo? Ang sinumang wawasak sa banal na dako ng Diyos ay wawasakin din ng Diyos sapagkat ang dakong banal ng Diyos ay banal at kayo ang dakong iyon.”
– 1 CORINTO3:16-17
8.Ang ikapu at iba pang mga tuntunin sa ilalim ng Kautusan o Lumang Tipan ay nawalan na ng bisang mapagtibay ang Bagong tipan sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo.
“Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya. Sapagkat kung saan naroon ang isang tipan, kinakailangan ang gumawa ng tipan ay mamatay. Sapagkat pagkamatay ng isang tao, ang isang tipan ay magiging mabisa. Habang ang taong gumawa nito ay nabubuhay pa, wala itong bisa. Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo.”
– HEBREO 9:15-18
9.Ang mga Kristiyano ay wala na sa ilalim ng Lumang Tipan kundi nasa ilalim na ng Bagong Tipan.
“ Niloob nya na kami ay maging lingkod ng Bagong Tipan, tipang hindi nababatay sa Kautusang nakatitik kundi sa Espiritu. Sapagkat ang dulot ng titik ay kamatayan, ngunit ang Espiritu’y nagbibigay buhay. “
– 2 CORINTO 3:6
ANG PAG-IIKAPU SA KASALUKUYANG PANAHON AY HINDI KALOOBAN NG DIYOS
1.Sapagkat ayon sa Unang Tipan, nararapat na sunding lahat ang mga utos at mga tuntuning nasusulatsa Aklat ng Kautusan- hindi ang pag-iikapu lamang.
“ Sundin ninyo at tuparing lahat ang nasusulat sa Aklat ng Kautusan ni Moises. Huwag kayong sumuway kahit bahagya sa kanyang mga utos.”
–JOSUE 23:6
“ Ngunit dapat kang magpakatatag at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang Kautusang ibinigay sa inyo ni Moises. Huwag mong susuwayin ang anumangitinagubilin doon , at magtatagumpay ka sa lahat monggagawin. Huwag mong kalimutang basahin ang aklat na yaon. Dili-dilihin mo iyon araw-gabi upang matupad mo ang lahat ng nasusulat doon. Sa gayon, giginhawa ka at magtatagumpay.
– JOSUE 1:7-8
“Ang sinumang tumutupad sa buong Kautusan ngunit natitisod sa isang bahagi ay nagkakasala sa buong Kautusan. Ito ay sapagkat sinabi ng Diyos: Huwag kang makiapid. Sinabi rin niyang huwag kang papatay. Kung hindi ka man nakiapid ngunit ikaw naman ay pumatay, ikaw ay lumabag din sa Kautusan.”
– SANTIAGO 2:10-11
Ito ay sapagkat ang lahat ng nasa ilalim ng Kautusan ay nasa ilalim ng sumpa, dahil nasusulat:Sinumpa ang lahat ng mga hindi nagpapatuloysa paggawa ng lahat ng mga bagay na nakasulatsa aklat ng Kautusan.
- GALACIA 3:10
2.Ang nananangan sa pagsunod sa Kautusan upang maging matuwid ay napapahiwalay na kay Cristo.
“Ang nagsisikap na magingmatuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan ay napahiwalay na kay Cristo at wala nang karapatan sa habag ng Diyos.”
- GALACIA 5:4
3.Ang Kautusan ay nababatay sa sariling pagsisikap at hindi sa pananalig sa Diyos
“ Mapapatunayan kong sila’y nagsisikap na maging kalugod-lugod sa Diyos, subalit mali ang kanilang batayan. Sapagkat hindi nila nakilala ang pagpapawalang-sala na kaloob ng Diyos, at nagsikap silang magtayo ng sarili nilang pamamaraan sa halip na sundin ang pamamaraan ng Diyos. Si Cristo ang hangganan ng Kautusan, at sa gayon, ang sinumang nananalig sa kanya ay pawawalang-sala.”
- ROMA 10:2-4
Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat:
ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng
pananampalataya.
Ngunit ang Kautusan ay hindi sa pananampalataya. Subalit ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay
mabubuhay sa pamamagitan nito.
– GALACIA 3:11-12
“Kaya nga, alamin ninyo ito mga kapatid, na sa pamama-gitan ng lalaking ito ay ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pamamagitan niya, ang lahat ng sumasampalataya ay pinaging-matuwid sa lahat ng bagay. Sa mga bagay na ito ay hindi kayo maaaring mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng kautusan ni Moises. Mag-ingat nga kayo na huwag mangyari sa inyo ang sinalita ng mga propeta:
Narito, kayong mga mapangutya, mamangha kayo at mapapahamak sapagkat may gagawin ako sa inyong mga araw. Ito ay isang gawa nasa anumang paraan ay hindi ninyo paniniwalaan kahit na may isang tao pang magsabi sa inyo.
- GAWA 13:38-41
4.Ang pagbibigay na nararapat sa mga Kristiyano ay ang nasusulat sa
2 Corinto kabanata 8 at 9 na pinamagatang
“ Paano Dapat Magbigay ang Isang Kristiyano? “
“Batahin ninyo ang pasanin ng bawat isa’t isa. Sa ganitong paraan ay tinutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.”
-Galacia 6:2
a.Pagbibigay sa udyok ngpag-ibig para sa nangangailangang mga kapatid at kapwa tao.
“Subalit sumasagana ang lahat ng bagay sa inyo, sa pananampalataya, sa salita, sa kaalaman, sa kasigasigan at sa pag-ibig ninyo sa amin. Kung gaano kayo sumagana sa mga ito, sumaganang gayon ang biyayang ito sa inyo. Nagsasalita ako hindi ayon sa utos kundi sa pamamagitan ng pagsusumigasig ng iba at sa pagsubok sa katapatan ng inyong pag-ibig.”
- 2 CORINTO 8:7-8
“Ito ay sapagkat hindi namin ninanais na ang iba ay madadalian at kayo ay mabigatan. Ang nais namin ay pagkakapantay-pantay. Sa kasalukuyan ang inyong kasaganaan ay sa kanilang kakulangan. At upang ang kanilang kasaganaan sa ngayon ay magpuno sa inyong kakulangan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay. Ayon sa nasusulat:
Siya na nagtipon ng marami ay hindi nagkalabis,
at siya na nagtipon ng kaunti ay hindi nagkulang.
- 2 CORINTO 8:13-15
b.Pagbibigay ayon sa kakayahan.
“Sapagkat kung bukal sa kalooban ang pagbibigay, tatanggapin ng Diyos ang inyongnakayanan: hindi niya hinihintay na magbigay kayo ng hindi ninyo kaya.”
- 2 CORINTO 8:12
c.Pagbibigay ayon sa sariling pasya.
“ Ang bawat isa ay dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob.”
-2 CORINTO 9:7
“Sapagkat ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises ngunit ang PAG-IBIG at KATOTOHANAN ay dumating sa pamamagitan ni CRISTO. “
- JUAN 1:17
Ang pag-iikapu na isinasagawa sa kasalukuyang panahon ay hindi nababatay sa bibliya sapagkat ang ikapu na tinutukoy sa aklat lumang tipan ay nauukol sa pagkain at hindi sa salapi bagamat mayroon nang salapi sa panahong iyon. Ito ang sabi ni Moises sa aklat ng Deuteronomio 4:1-2:
“ Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo ng matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. HUWAG NINYO ITONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN. Sundin ninyo ito ng WALANG LABIS AT WALANG KULANG.”
Nangangahulugan ito na ang mga tuntunin sa ilalim ng Kautusan na tinatawag ding “Kautusan ni Moises” (Josue 23:6) ay hindi maaaring baguhin o palitan. Ang Ikapu bilang tuntunin sa ilalim ng Kautusan ay may pamamaraan ayon sa iniutos ng Diyos sa pamamagitan ni Moises at ito ay hindi maaaring baguhin ng tao mula sa pagkain tungo sa salapi. Ang tuntunin sa ikapu ay mababasa sa mga aklat ng Deuteronomio 4:1-3, Deuteronomio 26:1-15 at Bilang 18:25-32. Ito ang ikapu na tinutukoy sa aklat ng Malakias at ito ay utos para lamang sa mga Israelita noong panahong iyon.
Maliwanag kung gayon na ang pag-iikapu sa kasalukuyang panahon ay hindi utos mula sa Diyos kundi utos lamang ng tao. Ang mga tumutupad nito ay hindi nagiging kalugod-lugod sa Diyos bagkus ay napapailalim sa sumpa at napapahiwalay kay Cristo. Ang ikapu ring ito ang isa sa nagiging sanhi ng di- pagkakaunawaan at pag-alis ng mga mananampalatayang walang kakayahang makatupad nito sa kongregasyon.
No comments:
Post a Comment