Sunday, May 3, 2009

ANG KAHULUGAN NG SALITANG “CRISTIANO”

ANG KAHULUGAN NG SALITANG “CRISTIANO”

Ang salitang “Cristiano” ay nangangahulugang ALAGAD ni Cristo. Sa madaling salita ay taga-sunod ni Cristo:

At nang siya ay matagpuan niya, dinala niya siya sa Antioquia. Nangyari na sa buong isang taon, sila ay nakipag-tipon sa buong iglesiya. Sila ay nagturo sa maraming tao. Ang mga alagad ay unang tinawag na mga Kristiyano sa Antioquia.

- GAWA 11:26

Kaya ang pagiging Cristiano ay nangangahulugang pagsunod sa mga utos at aral ni Cristo at hindi basta paniniwala lamang kay Cristo”.

31Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

- JUAN 8:31-32

9Sa sinumang sumasalangsang at hindi nananatili sa aral ni Cristo ay wala sa kaniya ang Diyos. Siya na nananatili sa aral ni Cristo, ang Ama at ang Anak ay nasa kaniya.

- 2 JUAN 1:9

Ito ang utos ni Cristo:

19Humayo nga kayo. Gawin ninyong ALAGAD ang lahat ng mga bansa, inyong BAUTISMUHAN sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. 20TURUAN ninyo sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na aking inutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. Siya nawa!

– MATEO 28:19-23

34Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo MAG-IBIGAN sa isa’t isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa’t isa. 35Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa’t isa.

– JUAN 13:34-35

Ito ang mensahe ni Jesus:

Si Jesus ay sumigaw at nagsabi: Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. Ang nakakita sa akin ay nakakita sa kaniya na nagsugo sa akin. Ako ay narito bilang liwanag sa sanlibutan upang ang lahat ng sumasampalataya sa akin ay hindi manatili sa kadiliman.

–JUAN 12:44-46

21Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22Sa araw na iyon ay marami ang magsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, hindi ba sa iyong pangalan ay naghayag kami ng salita katulad ng mga propeta, at sa iyong pangalan ay nagpalayas kami ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming himala? 23Pagkatapos nito ay ipahahayag ko sa kanila: .Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos

- MATEO 7:21-23

47Kung ang sinuman ay nakikinig ng aking mga salita at hindi sumasampalataya, hindi ko siya hinahatulan. Ito ay sapagkat hindi ako narito upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ang sangkatauhan. 48May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw. 49Ito ay sapagkat hindi ako nagsasalita mula sa sarili ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nag-utos kung ano ang dapat kong sabihin at bigkasin. 50Alam ko, na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan. Ito nga ang sinasabi ko. Kung papaanong sinasabi sa akin ng Ama, sa gayunding paraan nagsasalita ako.

-JUAN 12:47-50

TAYO AY NASA HULING ARAW NA… PANAHON

NA UPANG ATING UNAWAIN AT TANGGAPIN

ANG KATOTOHANAN NG SALITA NG DIYOS

UPANG TAYO AY HINDI MAHATULAN…

Ikaw ba ay Cristiano? Mahal mo bang talaga si Hesus?

Kung gayon, manatili ka sa kanyang aral at

sundin ang kanyang mga utos. Lahat ng mga

aral ni Cristo ay matatagpuan sa Aklat ng

Bagong Tipan. Ito ang nararapat na pag-aralan

at isapamuhay ng bawat Cristiano.

“9Kung papaanong inibig ako ng Ama ay gayon ko rin kayo inibig. Manatili kayo sa aking pag-ibig. 10Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Tulad ko, tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nanatili sa kaniyang pag-ibig. 11Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo. Gayundin naman, ang inyong kagalakan ay malubos. 12Ito ang aking utos: Kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo.”

-JUAN 15:9-11

No comments:

Post a Comment