PANANAMPALATAYA
1. NABABATAY SA
KAPANGYARIHAN
NG DIYOS
“Mga kapatid, ako ay dumating sa inyo na naghahayag ng patotoo patungkol sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o karunungan. Ito ay sapagkat pinagpasiyahan kong walang malamang anuman sa inyo maliban kay Jesucristo na ipinako sa krus. Nakasama ninyo ako sa kahinaan, sa pagkatakot at lubhang panginginig. Ang aking pananalita at pangangaral ay hindi sa mapanghikayat na pananalita ng karunungan ng tao. Sa halip, ito ay sa pagpapatunay ng Espiritu at ng kapangyarihan. 5Ito ay upang ang inyong pananampalataya ay hindi ayon sa karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.” – 1 CORINTO 2:1-5
a. Dapat mag-ingat ang mga kristiyano sa mga magdarayang aral na hindi nasasalig kay Cristo (Colosas 2:8), mga taong walang matuwid na patakaran (2 Pedro 3:17-18), ibang mabuting balita (Galacia 1:6-8) hindi paniniwala sa mabuting balita (Hebreo 4:1-2) upang makatiyak na ang pananampalataya ay tunay na nakabatay sa at sa kapangyarihan ng Diyos o kay Cristo. b. Dapat na alam ng mga kristiyano ang sinasampalatayanan upang matiyak ang kaligtasan
“Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo ang ebanghelyo na ipinangaral ko sa inyo na inyo ring tinanggap at inyong pinaninindigan. Sa pamamagitan din nito kayo ay ligtas, kapag nanghahawakan kayong matatag sa salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na lamang kung sumampalataya kayo nang walang kabuluhan.” – 1 Corinto 15:1-2
c. Dapat na nalalaman ng bawat kristiyano na tayo ay wala na sa ilalim ng Una o Lumang Tipan kundi sa tipan na ni Cristo – kaya tayo’y tinatawag na “mga Kristiyano” – tayo’y mga lingkod ng Bagong Tipan. (2 Corinto 3) Ito ang lalong mabuting tipan na ang taga-pamagitan ay si Cristo (Hebreo 7:22, 9:15). Lalong mabuting tipan sapagkat may kakulangan ang Unang Tipan kaya ito ay pinawalang-bisa. (Hebreo 8:7-13) Hindi nakamtan ng mga lingkod ng Unang Tipan ang pangako ng Diyos sa kanilang kapanahunan. (Hebreo 11:13) Ngunit kapag tinupad na ng Diyos ang kanyang pangako, tayong mga kristiyano ay makakasama nila (Hebreo 11:39-40) doon sa buhay na walang – hanggan. (Pahayag 21:1-4)
c. Dapat na nalalaman ng bawat kristiyano na tayo ay wala na sa ilalim ng Una o Lumang Tipan kundi sa tipan na ni Cristo – kaya tayo’y tinatawag na “mga Kristiyano” – tayo’y mga lingkod ng Bagong Tipan. (2 Corinto 3) Ito ang lalong mabuting tipan na ang taga-pamagitan ay si Cristo (Hebreo 7:22, 9:15). Lalong mabuting tipan sapagkat may kakulangan ang Unang Tipan kaya ito ay pinawalang-bisa. (Hebreo 8:7-13) Hindi nakamtan ng mga lingkod ng Unang Tipan ang pangako ng Diyos sa kanilang kapanahunan. (Hebreo 11:13) Ngunit kapag tinupad na ng Diyos ang kanyang pangako, tayong mga kristiyano ay makakasama nila (Hebreo 11:39-40) doon sa buhay na walang – hanggan. (Pahayag 21:1-4)
2. NANANATILI SA ARAL
NI CRISTO
“Sa sinumang sumasalangsang at hindi nananatili sa aral ni Cristo ay wala sa kaniya ang Diyos. Siya na nananatili sa aral ni Cristo, ang Ama at ang Anak ay nasa kaniya.“
- 2 JUAN 1:9
“Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”
- JUAN 8:31-32
ANG BUOD NG MGA ARAL NI CRISTO
a. PANANAMPALATAYA
(Colosas 1:23, 2 Tim. 1:13, Pahayag 14:12)
” Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. ”
-1 JUAN 6:35
b. PAG-IBIG
(1 Juan 4:20-21, 1 Pedro 1:22-25, Juan 15:10-12)
” Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo:
Mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo,
mag-iibigan, makikilala ng lahat ng tao na kayo’y
mga alagad ko. ”
- JUAN 13:34-35
c. KATOTOHANAN
(Hebreo 2:1, 2 Tim. 1:13, Efeso 4:21-25, 1 Tes. 2:3-4, San. 1:18 , Efeso 5:8-9)
” Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, sa gayon, nahahayag na ang kanyang gingawa’y pagsunod sa Diyos. ”
– JUAN 3:21
3. NAGTITIIS
” Ang pagtitiis sa hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos, sapagkat ng si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan nya kayo ng halimbawang dapat tularan. ”
- 1 PEDRO 2:21
“Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin.”
– MATEO 16:24
“Sapagkat ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang sumampalataya sa kaniya kundi ang magbata rin naman ng hirap alang-alang sa kaniya.”
– FILIPOS 1:29
MGA PAGTITIIS KRISTIYANO
a. Pagtitiis ng Pag-uusig
– GAWA 20:22-24
” Alalahanin ninyo ang mga sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa panginoon, kung ako’y inusig nila, uusigin din nila kayo. ”
– Juan 15:20
b. Pagtitiis sa Pagsunod sa Kalooban ng Diyos
– HEB. 10: 35-36, 1 PEDRO 4:12-19
” Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos kaysa magdusa kayo sa paggawa masama. ”
- 1 Pedro 3:17
c. Pagtitiis sa Pagtalikod sa Kasalanan
– 1 JUAN 3:9, HEBREO 12:3-4
” Yamang si Cristo’y nagbata ng hirap sa buhay na ito. Kayo man ay dapat maging handa sa pagtitiis. Sapagkat ang nagtiiis ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa pagkakasala. ”
- 1 Pedro 4:1
d. Pagtitiis sa Kahirapan
” Tingnan ninyo, mga kapatid kong minamahal! Hinirang ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutan upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya. ”
- Santiago 2:5
· Mapalad ang mga dukhang ang pag-asa ay nasa Diyos. (Mateo 5:3)
Mahirap magpasakop sa paghahari ng Diyos ang mga mayayaman ngunit ang hindi magagawa ng tao ay magagawa ng Diyos .(Lucas 8:18-27)
Maaaring itaas ng Diyos ang isang mahirap at ibaba naman ang isang mayaman. (Santiago 1:9-11)
· Ang kahirapang nararanasan natin ay nagtuturo sa atin na:
1. Umasa at Mabuhay sa Pananalig sa Diyos – Lucas 12:22-31, 1 Timoteo 6:17-19
“Kaya’t ang paningin namin ay nakapako sa mga bagay na di nakikita, hindi sa nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita. ”
- 2 Corinto 4:18
2. Maging Kuntento Upang Hindi Malayo sa Pananampalataya
” Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan at wala rin tayong madadala pag-alis dito. 8Kung tayo ay may pagkain at pananamit, masiyahan na tayo sa mga ito Ang mga nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan. Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na magkamal ng salapi, may mga nalayo sa pananampalataya at nasadlak sa paghihirap ng kalooban.
- Timoteo 6:17-10
4. NAGBUBUNGA
NG
MABUTING GAWA
( Tito 2:14, Efeso 2:10 )
Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa
paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira,
ay ang buhay na walang hanggan:
- ROMA 2:7
“Ang paggawa ng mabuti at pakikibahagi sa paglilingkod ay huwag ninyo itong kaliligtaan sapagkat kalugud-lugod sa Diyos ang mga handog na tulad nito.”
-HEBREO 13:16
” Gayon din naman, mga kapatid, namatay na kayo sa Kautusan nang kayo’y maging bahagi ng katawan ni Cristo, upang maging kabiyak ni Cristo na muling binuhay, at magbunga ng mabubuting gawa ukol sa Diyos. ”
- ROMA 7:4
DALAWANG URI NG GAWA NA NASUSULAT SA BIBLIYA
1. Mga Gawa Ayon sa Kautusan
– GALACIA 3:3-5, ROMA 3:28
” Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman. ”
- Efeso 2:9
” Sapagkat ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasalanan sa pamamagitan ng Kautusan.
- Roma 3:20
” Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan. Maliwanag, kung gayon, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapagkat. Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay. Ngunit ang Kautusan ay hindi nasasalalay sa pananalig sa Diyos, sapagkat sinasabi ng Kasulatan,” Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”
- GALACIA 3:10-12
2. Mga Gawa Ayon sa Pananalig
– SANTIAGO2:14-17
” Diya’y makikita mong magkalakip ang mga gawa at ang kanyang pananampalataya, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. Natupad ang sinasabi ng Kasulatan,” Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya’y ibinilang na matuwid.” Ang tawag sa kanya ng Diyos ay” Ang kaibigan kong si Abraham.” Diyan ninyo makikita na ibinibilang na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at di dahil sa kanyang pananampalataya lamang.”
-SANTIAGO 2:22-24
· Maliwanag kung gayon na na ang tinutukoy na gawa sa Roma 3:20 ay mga gawa ayon sa Kautusan. Sinasabi ng bibliya na ang bawat tumanggap kay Cristo ay kailangang gumawa ng mga mabubuting bagay na naayon sa mga aral ni Cristo upang maging ganap ang kanyang pananampalataya.
Ayon sa Roma 1:16-17 :
” Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat nananampalataya — una’y sa mga Judio at gayon din sa mga Griego. Inihahayag nito na ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ayon sa nasusulat,
” Ang pinawalang-sala sa
pamamagitan ng pananampalataya ay
mabubuhay.”
Ito’y hindi tulad ng panununtunan ibinigay ng Diyos sa mga Israelita tulad nang nasusulat:
Sa gayo’y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon.
- EZEKIEL 20:10-11
Ang buhay na tinutukoy ng Ebanghelyo ay
makakamtan sa pamamagitan ng katuwirang hiwalay
sa Kautusan- ito ang katuwirang nagmumula sa
pananampalataya kay Hesu-Cristo.
At ako’y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang aking sarili, sa MAKATUWID BAGA’Y SA KAUTUSAN, kundi ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:
-FILIPOS 3:9
” Kayat ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato.”
- Mateo 7:25
Ang salitang tinutukoy ni Jesus ay ang EBANGHELYO O MABUTING BALITA na siyang mamamalagi magpakailanman at hindi ang Kautusan na tinatawag ding Kautusan ni Moises na siyang titik ng Lumang Tipan.
“Ngunit ang salita ng Panginoon
ay mamamalagi kailanman.”
At ito ang Mabuting Balitang
ipinangaral sa inyo.”
– PEDRO 1:25
Ayon sa Roma 10:8-11:
” Ngunit ito ang sinasabi niya,” Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong mga labi at nasa iyong puso,” (ibig sabihi’y ang salitang ipinangangaral namin tungkol sa pananampalataya). Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.”
·
” ipahahayag ng iyong mga labi ” - pagpapahayag ng Ebanghelyo o Mabuting Balita
“mananalig ka nang buong puso” - pagsunod sa Mabuting Balita o pagsasagawa ng mga aral at utos na nasusulat sa Bagong Tipan.
” maliligtas ka ” - dahil ang taong tunay na nananalig ay sumusunod sa aral ni Cristo. Napapatunayan ang kanyang pananampalataya ng kanyang mga gawa dahil patay ang pananampalatayang di pinatutunayan sa gawa. (Santiago :14-17)
5.NANANATILING TAPAT
HANGGANG WAKAS
” Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo, kung mananatili tayong matatag hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya. ”
– HEBREO 3:14
Sapagkat,” Kaunting panahon na lamang,hindi na magluluwat, At ang paririto ay darating.Ang tapat kong lingkod ay nabubuhaysa pananalig sa akin,Ngunit kung siya’y tumalikod, hindi ko kalulugdan.”” Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak, kundi sa mga nananalig sa Diyos at sa gayo’y naliligtas. ”
- HEBREO 10:39
“Ngunit siya na makapagtitiis hanggang wakas ay maliligtas.”
No comments:
Post a Comment