” ANG KALAYAANG
NAGMUMULA
KAY JESU-CRISTO “
“ Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isangsumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sumpain ang hinditumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag, kung gayon, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapagkat “Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” Ngunit ang Kautusan ay hindi nasasalalay sa pananalig sa Diyos, sapagkat sinasabi ng Kasulatan,” Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan aymabubuhay sa pamamagitan nito.”
Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng
Kautusan nang siya’y magdusa na
parang isang sinumpa. Sapagkat
nasasaad sa Kasulatan,” Sinumpa
ang bawat ibinitin sa
punongkahoy.” Tinubos niya tayo
upang ang mga pagpapalang
ipinangako ng Diyos kay Abraham
ay kamtan ng mga Hentil sa
pamamagitan ni Cristo Jesus, at sa
pamamagitan ng pananalig sa
kanya ay sumaatin ang Espiritung
ipinangako ng Diyos. “
- GALACIA 3:10-14
KAUTUSAN – mga utos at tuntuning ibinigay ng Diyos nang siya’y makipagtipan sa mga Israelita na nasusulat sa mga tapyas na bato.
( Exodo 19-20-34, Deuteronomio 5-10-29 )
• May pagpapala na matatamo mula sa Kautusan kung ang mga utos at tuntuning nasasaad dito ay susunding lahat ngunit kaparusahan na kamatayan o sumpa naman sa bawat paglabag.
Kaya’t kayo’y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;
-JOSUE 23:6
At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.
- JOSUE 8:34
( Deuteronomio 27-28)
• Ngunit lahat ay nagkasala at walang sinumang naging marapat sa paningin ng Diyos ( Roma 3:23 ) sapagkat ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat ( Santiago 2:10 )
• Walang napaging-ganap ang Kautusan.
Sapagka’t napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan. Sapagka’t ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal, at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios.
- HEBREO 7:18-19
Bagama’t naaalaman na ang tao
ay hindi inaaring-ganap sa mga
gawang ayon sa kautusan,
maliban na sa pamamagitan ng
pananampalataya kay
Jesucristo, tayo rin ay
nagsisampalataya kay Cristo
Jesus, upang tayo’y
ariing-ganap sa pamamagitan
ng pananampalataya kay Cristo,
at hindi dahil sa mga gawang
ayon sa kautusan: sapagka’t sa
mga gawang ayon sa kautusan
ay hindi aariing-ganap ang
sinomang laman.
- Galacia 2:16
sapagkat lahat ng tao ay alipin
ng kasalanan. (Roma 7:14-25 )
“Sa gayo’y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. Bukod dito’y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. Nguni’t ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila’y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. Nang magkagayo’y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa ilang, upang lipulin sila.
- EZEKIEL 20:10-13
• Kaya’t ang Kautusan na dapat na magdulot ng pagpapala ay nagdulot ng sumpa at kamatayan sa sangkatauhan.
At nang isang panahon ako’y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa’t nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako’y namatay; At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito’y sa ikamamatay; Sapagka’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.
- ROMA 7:9:11
( Galacia 3:10, 2 Corinto 3:6 )
“ GINAWA NG DIYOS ANG HINDI NAGAWA NG KAUTUSAN DAHIL SA LIKAS NA KAHINAAN NG TAO… “
“ Ngunit nang dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos. “
- GALACIA 4:4-5
1. Kalayaan sa Sumpa ng
Kautusan
“Kung gayon, inalis ang unang tuntunin dahil sa ito’y mahina at walang bisa. Sapagkat walang napaging-ganap ang Kautusan; ngunit higit na mabuti ang bagong pag-asang tinanggap natin — sa pamamagitan nito’y nakalalapit na tayo sa Diyos.”
- HEBREO 7:18-19
• Pinawalang-bisa ni Cristo ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin upang pag-isahin ang mga Judio at mga Hentil.
Sapagka’t siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan; At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya’y pinatay ang pagkakaalit.
– EFESO 2:14-16
• Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, ang bawat nakipag-isa sa kanya ay namatay na sa kasalanan at nalibing na kasama nya at sa gayon ay nakalalaya sa ilalim ng Kautusan.
Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo’y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo’y makisama sa iba, sa makatuwid baga’y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo’y magsipagbunga sa Dios. Sapagka’t nang tayo’y nangasa laman, ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan. Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.
- ROMA 7:4-6
( Roma 7:1-6, Galacia 2:19-20,
Galacia 3:12-13 )
2. Kalayaan sa Ilalim ng
Kapangyarihan ng
Kasalanan
“Ginawa ng Diyos ang hindi nagawa ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Sinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang maging handog para sa kasalanan, at sa anyong iyo’y hinatulan niya ang kasalanan.”
- ROMA 8:3
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
-GAWA 2:38
“ Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na
na bautismuhan kay Cristo Jesus
ay nabautismuhan sa kanyang
kamatayan? Samakatwid, tayo’y
namatay at nalibing na kasama
niya sa pamamagitan ng bautismo
upang kung paanong binuhay na
muli si Cristo sa pamamagitan ng
dakilang kapangyarihan ng Ama,
tayo nama’y mabuhay sa isang
bagong pamumuhay. Sapagkat kung nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. “
- ROMA 6:3-7
Ang BAUTISMO
1. Katunayan ng Pagsisi at Pagtalikod sa Kasalanan
Ang bautismo na ipinangaral at unang isinagawa ni Juan Bautista ay para sa pagsisisi ng kasalanan, bagama’t hindi pa ito nakapaghuhugas ng kasalanan sapagkat ng kapanahunang iyon ay hindi pa napagtitibay ang Bagong Tipan dahil hindi pa nagaganap ang pagbububo ng dugo ni Cristo o kanyang kamatayan. Gayundin naman, ang bawat sumasampalataya kay Cristo ay nagpapa-bautismo bilang katunayan ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.
Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus; Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating. At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa’t narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.
- GAWA 13:23-25
2. Katunayan ng Pananampalataya sa Panginoong Hesu-Cristo
At sinabi niya, Kung gayo’y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, Sa bautismo ni Juan. At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila’y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga’y kay Jesus. At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
- GAWA 19:3-5
At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako’y mabautismuhan? At sinabi ni Felipe: Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios. At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila’y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.
- GAWA 8:36-38
At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo. At nang siya’y mabautismuhan na, at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako’y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo’y magsitira doon. At kami’y pinilit niya.
- GAWA 16:14-15
At si Crispo, ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.
- GAWA 18:8
3. Kapamaraanan ng Diyos Upang Mahugasan sa Kasalanan ang Sumasampalataya
At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.
-GAWA 22:16
At dahil dito’y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.
- HEBREO 9:15
Kung ang pagtutuli sa laman noong panahon ng Lumang Tipan ay tanda ng pagkailalim ng mga Israelita sa Unang Tipan ng Diyos, ang pagpapabautismo naman ay ang paraan upang ang tao ay makapasok sa tipan ni Cristo o mapasailalim sa Bagong Tipan ng Diyos . Ang pagtutuli sa mga Judio ay sa laman o panlabas na paglilinis ngunit ang pagtutuli sa mga sumasampalataya ay sa Espiritu na nangangahulugang paglilinis ng puso.
Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo; Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama’y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay. At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan: Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito’y kaniyang inalis, na ipinako sa krus; . . .
- COLOSAS 2:11-14
Ang pagtutuli sa Bagong Tipan na siyang pagbabautismo ay nagbubunga ng pagbabago ng kalooban. Kaya sinasabi sa mga hindi sumasampalataya:
Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso’t mga tainga, kayo’y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
-GAWA 7:51
Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;
- GAWA 3:21
Sapagka’t siya’y hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman; Datapuwa’t siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios.
- ROMA 2:28-29
4. Kapamaraanan ng Diyos Upang ang Sumasampalataya ay Kanyang Mapag-Harian
Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
- JUAN 3:3
Ang tinutukoy na kapanganakang muli sa bibliya ay kapanganakan sa TUBIG at ESPIRITU.
Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
- JUAN 3:5-6
Kailangang mahugasan sa kasalanan ang sumasampalataya upang ang Espiritu na ipagkakaloob ng Diyos ay makapanahan sa kanya, kailangang malinis ang puso at mabago ang kalooban sapagkat doon mananahan ang Banal na Espiritu ng Diyos ng sa gayon ay makapag-hari sa buhay ng isang mananampalataya. Sapagkat hindi makakapanatili ang Espiritu sa maruming puso o sa taong namumuhay sa laman. Ang BAUTISMO SA TUBIG ang NAGHUHUGAS ng kasalanan at ang ESPIRITU naman ang nagbibigay- buhay, ito ang proseso ng kapanganakang muli. Kailangang manatili sa pananampalataya at patuloy na lumakad ayon sa nasa ng Espiritu upang hindi umalis ang banal na Espiritu at makapanatili sa paghahari ng Diyos.
Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa kaniya. At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. Nguni’t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo. Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.
- ROMA 8:914
Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman. Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin. Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan. At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t isa, nangagiinggitan sa isa’t isa.
- GALACIA 5:16-26
Ang Espiritu ay karaniwang ipinagkakaloob matapos ang bautismo ngunit may pangyayari na nasusulat sa bibliya na naunang ipinagkaloob ang Espiritu, ito ay naganap sa mga Hentil at pagkataps sila ay binautismuhan.
Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan: Na nang sila’y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo. Sapagka’t ito’y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila’y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang magkagayo’y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.
- GAWA 8:14-17
At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.
- GAWA 19:5-6
Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita. At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka’t ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo. Sapagka’t nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo’y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo’y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.
- GAWA 10:44-48
Ang bawat Cristiano ay hindi na
maaalipin pa ng kasalanan kung
mananatili siya sa
pananampalataya sapagkat:
1. May Banal na Espiritu na Siyang Pumapatnubay at Tumutulong
At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni’t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita; At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka’t siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.
- ROMA 8:26-27
2. Ang Awa at Biyaya ng Diyos ay Maaasahan dahil kay Hesu-Cristo na Tumutulong at Nakauunawa sa Kahinaan ng Tao
Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.
- HEBREO 4:15-16
Palibhasa’y nagbata siya sa pagkatukso, siya’y makasasaklolo sa mga tinutukso.
- HEBREO 2:18
3. Itinutuwid ng Diyos ang Kanyang mga Anak sa Pagkakamali Upang Hindi Mahatulang Kasama ng Sanlibutan
3Dapat ninyo siyang isaalang-alang na mabuti upang huwag kayong manlupaypay at huwag manghina ang inyong kaluluwa, dahil siya ay nagtiis ng labis na pagsalungat mula sa mga taong makasalanang laban sa kaniya.
4Sa pakikibaka ninyo laban sa kasalanan ay hindi pa kayo humantong sa pagdanak ng inyong dugo. 5Nakalimutan na ba ninyo ang salitang nagpapalakas ng inyong loob na tumutukoy sa inyo bilang mga anak? Ang sinasabi:
Anak ko, kung itinutuwid ka ng Panginoon,
huwag mong ipagwalang bahala. At kung sina-saway
ka niya, huwag manghina ang iyong loob.
6Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga
iniibig niya, pinapalo ang bawat tina-tanggap
niya bilang anak.
7Kung nagbabata kayo ng pagtutuwid, ang Diyos ay siyang gumagawa sa inyo bilang mga anak. Sapagkat alin bang anak ang hindi itinutuwid ng kaniyang ama? 8Ang lahat ng anak ay dumaranas ng pagtutuwid. Ngunit kung hindi kayo itinutuwid, kayo ay mga anak sa labas at hindi kayo mga tunay na anak. 9Higit pa dito, lahat tayo ay may mga ama sa laman at itinutuwid nila tayo. At iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na handa tayong magpasakop sa ating Ama ng espiritu upang tayo ay mabuhay? 10Sapagkat sila ay nagtutuwid sa atin, ayon sa ipinapalagay nilang mabuti, sa maikling panahon. Ngunit ang Diyos ay tumutuwid para sa ating kapakinabangan at upang tayo ay maging kabahagi ng kaniyang kabanalan. 11Ngunit walang pagtutuwid na parang kasiya-siya sa kasalukuyan. Ito ay masakit ngunit sa katagalan, ito ay nagdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran, sa mga nasasanay ng pagtutuwid.
- HEBREO 12:3-11
3. Kalayaang Gumawa ng Mabuti
Ang kasalanan ang pumipigil sa tao sa paggawa ng mabuti…
Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala. Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. Datapuwa’t kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. Sapagka’t ako’y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob: Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?
- ROMA 7: 18-24
Pinalaya tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan at sa pagka-alipin sa kasalanan kaya malayang-malaya na tayo sa paggawa ngmabuti.
Ngayon mga kapatid, tinawag kayo
ng Diyos upang kayo ay maging
malaya. Huwag lamang ninyong
gamitin ang inyong kalayaan na
maging pagkakataon para sa
makalamang pita. Sa halip, sa
pamamagitan ng pag-ibig ay
maglingkod kayo sa isa’t isa.
- GALACIA 5:13
MANATILING MALAYA!
“ Pinalaya tayo ni Cristo upang
manatiling malaya. Magpakatatag
nga kayo, at huwag nang paaalipin
uli! “
- GALACIA 5:1
• Upang hindi mapahiwalay kay Cristo at mawalan ng karapatan sa habag ng Diyos.
“Kung kayo ay pinapaging-
matuwid ng kautusan, kayo ay
napahiwalay na kay Cristo.
Nahulog na kayo mula sa
biyaya.”
- GALACIA 5:4
• Upang masunod ang kalooban at kapamaraanan ng Diyos.
“Pinatotohanan ko na sila ay may kasigasigan sa Diyos ngunit ang kasigasigan nila ay hindi ayon sa lubos na kaalaman. 3Hindi nila alam ang katuwiran ng Diyos. At
sapagkat sinisikap nilang
maitatag ang kanilang
katuwiran, hindi sila
nagpapasakop sa
katuwiran ng Diyos.
Ito ay sapagkat si Cristo ang
hangganan ng Kautusan patungo
sa katuwiran ng lahat ng
sumasampalataya.”
- ROMA 10:2-4
• Upang makamtan ang pangako ng Diyos.
No comments:
Post a Comment