” At ngayon ay ipinaaalala ko sa inyo mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral sa inyo. Iyan ang Ebanghelyo na tinanggap at nagiging saligan ng inyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo – maliban na nga lamang kung kayo’y sumampalataya na di iniisip ang inyong sinasampalatayanan.”
– 1 CORINTO 15:1 – 2
“ Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman.”
At ito ang Mabuting Balitang ipinangaral sa inyo.” – PEDRO 1:25
“ Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula. “ – MATEO 24:25
“ANG SALITA NG KATOTOHANAN NA NAGDUDULOT NG KALIGTASAN”
“ Kayo ma’y naging bayan ng Diyos nang kayo’y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan —
ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya’t ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. “ – EFESO 1:13
“ANG IPINANGARAL NI CRISTO AT MGA APOSTOL NA NAGING SALIGAN
NG PANANAMPALATAYA NG MGA KRISTIYANO” ( ROMA 10: 13-18 )
“ Nang mga sandaling yaon ay maraming pinagaling si Jesus: mga pinahihirapan ng karamdaman, at mga inaalihan ng masasamang espiritu. Ipinagkaloob niyang makakita ang mga bulag. Sinabi niya sa kanila pagkatapos,” Bumalik kayo kay Juan at sabihin ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. “ –LUCAS 7:21-22
“ At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. ” –1 CORINTO 15:1
“ Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo, sapagkat ito ang— kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat nananampalataya una’y sa mga Judio at gayon din sa mga Griego. Inihahayag nito na ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ayon sa nasusulat,” Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”
– ROMA 1:16-17
“NAGSISIMULA SA PANANAMPALATAYA” - ROMA 10:9-10
· Pagsisisi sa mga Kasalanan
“ Sumagot si Pedro,” Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. “ – GAWA 2:38
· Pananalig kay Cristo at Pagtanggap sa Mabuting Balita tungkol kay Cristo – 2 PEDRO 1:3
“ At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. “ - 1 CORINTO 15:1-2
· Pagpapabautismo
“ Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo… “ – 1 PEDRO 3:21
“PAMUMUHAY SA PANANAMPALATAYA” - HEBREO 10:35-39
· Pagsunod sa mga Aral ni Cristo
“ Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya,” Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” – JUAN 8:31-32
· Pamumuhay nang Naaayon sa Mabuting Balita
“ Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Mabuting Balita tungkol kay Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o hindi, makatitiyak akong kayo’y nananatili sa iisang layunin at sama-samang ipinagtatanggol ang Mabuting Balita. “ – FILIPOS 1:27
· Paggawa ng Mabuti
“ Gayon din naman, mga kapatid, namatay na kayo sa Kautusan nang kayo’y maging bahagi ng katawan ni Cristo, upang maging kabiyak ni Cristo na muling binuhay, at magbunga ng mabubuting gawa
ukol sa Diyos. ” – ROMA 7:4
“NAGIGING GANAP SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALAYA” - MATEO 24:13
“Sapagkat tayo ay naging mga kabahagi ni Cristo kung ang pagtitiwalang natamo natin sa pasimula pa ay pananatilihin nating matatag hanggang sa katapusan.” - HEBREO 3:14
·Hindi pare-pareho ang haba ng takbuhin ng bawat kristiyano kaya sinabi ni Hesus na may mga nauuna na mahuhuli at mga nahuhuli na mauuna. ( MATEO 20:1-16 )
·Kailangang manatiling tapat sa pananampalataya ang bawat Kristiyano upang maligtas. ( HEBREO 10:37-39 )
·Kailangang lakipan ng gawa ang pananampalataya upang ito’y maging ganap ( SANTIAGO 2:22-24 ) sapagkat patay ang pananampalatayang hindi pinatutunayan sa gawa. ( SANTIAGO 2:17 )
ANG MGA PAGPAPALA NG EBANGHELYO
1. Pagpapawalang – Sala – ROMA 3:22
” Bagama’t kami’y ipinanganak na Judio at hindi makasalanang Hentil, alam naming na ang tao ay pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at hindi sa mga gawa ayon sa Kautusan. Nananalig din kami kay Jesu-Cristo upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagkat ang tao ay hindi mapapawalang – sala sa pamamagitan ng pagtalima sa Kautusan.” – GALACIA 2:15 – 16
2. Pagkakaloob ng Espiritu Santo
“Ngunit nahayag ang kabutihan ng Diyos, na ating Tagapagligtas at ang kaniyang pag-ibig sa mga tao. 5Nang mahayag ito, iniligtas niya tayo, hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng katuwiran na ating ginawa, kundi ayon sa kaniyang kahabagan. Ito ay sa pamamagitan ng muling kapanganakang naghuhugas sa atin at sa pamamagitan ng Banal na Espiritung bumabago sa atin. 6Masagana niyang ibinuhos ang Banal na Espiritu sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas.” - TITO 3:4-6
“Hindi tayo pinapahiya ng pag-asa sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa atin.” – ROMA 5:5
3. Pagpapagiging – Matuwid
“Sa ganito ring paraan, si Abraham
ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang
sa kaniya na katuwiran. “ - GALACIA 3:6
“9Sa ganoon, ako ay masumpungan sa kaniya, hindi sa pamamagitan ng sarili kong katuwiran na ayon sa Kautusan kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at ang katuwiran na mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya.
- FILIPOS 3:9
· Ang tao ay hindi napagiging matuwid ng Kautusan dahil ayon sa tuntunin nito, dapat lahat ng nasusulat na utos doon ay nasusunod at ang paglabag sa isang utos ay katumbas ng paglabag sa lahat ng utos. Kaya naman hindi nagiging matuwid ang mga Judio na saklaw ng Kautusan dahil bilang tao, sila ay likas na mahina at di kayang sumunod sa buong Kautusan kaya naman sila ay napailalim sa sumpa ng Kautusan. ( Galacia 3:10-14 )
· Subalit sa pamamagitan ng pananampalataya, ang tao ay napagiging –matuwid- Judio man o Hentil dahil sa Espiritu Santo na ipinagkakaloob ng Diyos na siyang tumutulong sa tao upang magawa ang kalooban at utos ng Diyos, at kung magkasala man, sa pamamagitan ng taos-pusong paghingi ng tawad ay pinatatawad at nililinis upang maging tunay na matuwid. ( 1 Juan 1:9 )
ANG KATUWIRANG BUKOD SA KAUTUSAN SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA KAY CRISTO
“Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:
Sapagka’t sa pamamagitan ng mga GAWA NG
KAUTUSAN
ay WALANG LAMAN NA AARIING-GANAP
sa paningin niya;
sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan. Datapuwa’t ngayon
BUKOD sa kautusan ay ipinahahayag ang ISANG
KATUWIRAN ng Dios,
na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta; Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng
KAUTUSAN NG PANANAMPALATAYA.
Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay
INAARING-GANAP SA PANANAMPALATAYA
NA HIWALAY
sa mga GAWA NG KAUTUSAN. “
- ROMA 3:19-28
4. Pagpagiging – Anak ng Diyos at Taga-pagmana ng Pangako ng Diyos
“Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos. Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo. 28Walang pagkakaiba sa Judio at sa Griyego. Walang alipin o malaya man. Walang lalaki o babae sapagkat iisa kayong lahat kay Cristo Jesus. 29Yamang kayo ay kay Cristo, binhi kayo ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako.” - GALACIA 3:26-29
“Ito ay sapagkat sila na inaakay ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos.” - Roma 8:14
“Kaya nga, ikaw ay hindi na isang alipin, subalit isa nang anak. At kung ikaw ay isang anak, ikaw rin naman ay tagapagmana ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.” - Galacia 4:7
5. Pagpapalaya sa Ilalim ng Kautusan
“Ito ay sapagkat ang Kautusan ay mahina sa pamamagitan ng makalamang kalikasan, kaya ito ay walang kapangyarihan. Isinugo ng Diyos ang sarili niyang anak na nasa anyo ng taong makasalanan upang maging hain para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sa laman ay hinatulan na niya ang kasalanan.” – ROMA 8:3
“Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. 14Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus.” - COLOSAS 2:13 –14
“Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ang batas ng Kautusan na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan. 16At upang kaniyang pagkasunduin ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus, na dito ang pag-aalitan ay pinatay niya.” - EFESO 2:15 – 16
” Ngunit ngayo’y patay na tayo sa kasalanang umalipin sa atin, wala na tayo sa ilalim ng Kautusan. Kaya’t tayo’y naglilingkod sa Diyos, hindi dahil sa lumang tuntuning nasusulat kundi sa bagong buhay ayon sa Espiritu. ” – ROMA 7:6
” Ngunit nang
dumating ang takdang
panahon, sinugo ng
Diyos ang kanyang
Anak. Isinilang siya ng
isang babae at
namuhay sa ilalim ng
Kautusan upang
palayain ang mga
nasa ilalim ng
Kautusan. Sa gayon,
tayo’y mabibilang na
mga anak ng Diyos.”
–GALACIA 4:4 – 5
-
Ang Judio at mga Hentil ay dalawang bayan na magkaaway at pinaghihiwalay ng Kautusan, dahil ayon sa Kautusan, hindi maaaring makipag-isa ang mga Judio sa mga Hentil. Ngunit nakita ng Diyos na lahat ay alipin ng kasalanan, Judio man o Hentil at ito ang dahilan ng pagsugo nya sa kanyang bugtong na anak na si Hesus – upang tubusin ang lahat sa pamamagitan ng kanyang dugo dahil ang Kautusan na nasa ilalim ng Unang Tipan ay hindi mapapawalang bisa kung walang pagbububo ng dugo dahil ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng dugo- ng dugo ng hayop. Ngunit higit na mabisa ang dugo ni Cristo na siyang nagpatibay sa Bagong Tipan na kung saan, ang sinumang sasampalataya sa mga aral nito at papasok sa tipan sa pamamagitan ng bautismo ay lilinisin at patatawarin sa kanilang mga kasalanan, pagkakalooban ng Espiritu Santo upang magkaroon ng kakayahang makalakad sa kalooban at katuwiran ng Diyos nang sa gayon ay maiharap ni Cristo sa Ama na sakdal at banal upang magmamit ng walang-hanggang buhay.
No comments:
Post a Comment