Monday, July 13, 2009

Panawagan at Mensahe Para Sa Mga Pastor ng Born-Again

Ako po ay isang born-again christian simula pa noong taong 1999. Nagpapasalamat po ako dahil nakilala ko si Cristo sa buhay ko sa pamamagitan ng isang pastor sa Christ Comission Fellowship - isang Pentecostal Church kung saan ako nabautismuhan. Tinuruan po nila ako kung paano maging disipulo ni Cristo sa patnubay ng isang aklat na ibinigay nila sa akin na isinulat ni Betram Lim na pinamagatang "Practical Discipleship" na masasabi kong malaki din ang naitulong sa aking paglagong espiritwal dahil ito ay nababatay din sa mga aral ni Cristo sa aklat ng Bagong Tipan. Ito rin po ang dahilan kaya nahilig ako sa pagbabasa at pagsasaliksik ng bibliya. Ngunit dahil sa paglipat ko ng tirahan ay hindi po ako nakapanatili sa kongregasyon ng CCF.
Sa loob ng sampung taon kung pag-aaral at pagsasaliksik ng bibliya ay may mga hiwaga akong natuklasan dito. Hiniling ko sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin na maunawaan ang mga bagay na iyon na nababasa ko noon pa na hindi ko lubos na maunawaan at di ko rin naririnig na ipinaliliwanag o tinuturo ng mga pastor, bagamat apat na kongregasyon na ang aking nadaluhan.
Sa kasalukuyan,malinaw na sa akin ang hiwaga ng Mabuting Balita at napatunayan ko ito sa pagsasaliksik dahil hindi lamang ako ang may ganitong pag-kaunawa. Ngunit nalulungkot po ako sa natuklasan ko na wala sa kongregasyong aking kinabibilangan sa kasalukuyan ang tunay na aral ni Cristo bagama't sinasabi nila na sila ay "full gospel church" o kay Cristo, hindi naman gaanong binibigyang pansin ang mga aral ni Cristo. Ang kalimitang itinuturo ay ang mga kuwento sa lumang tipan. Pumipili lamang ng mga talata sa bagong tipan ngunit ang mga aral at utos ni Cristo ay hindi gaanong naipapangaral.
May kamag-anak po akong pastor at alam kong hindi siya nasisiyahan sa pagpanig ko at ngayo'y paghakbang na umanib sa Iglesia Ng Diyos na pinangangasiwaan ni Brother Eli Soriano. Alam ko po na hindi sang-ayon ang mga pastor sa samahang ito ngunit dito ko po napakinggan ang buong aral ni Cristo at sa samahang ito ko rin nakita ang tunay na pagmamalasakitan ng mga magkakapatid sa iglesia at sa bunga ng kanilang mga paggawa ay masasabi ko na tunay nga silang mga Cristiano.
Nais ko pong malaman ng mga namumuno sa samahang born-again na kulang at mayroong mali sa mga aral na inyong itinuturo. Hindi ko po ito ginagawa upang itaas ang aking sarili o ipakitang ako'y may kaalaman kundi ito po ay dahil sa aking pagmamahal at pagmamalasakit sa aking mga kapatid at gayon na rin po sa inyo. Nakikita ko ang pagnanais ng aking mga kapatid sa born-again na sumunod at magligkod sa Diyos ngunit dahil sa hindi naituturo sa kanila ang buong aral ni Cristo ay nananatili silang hindi lumalago sa pananampalataya at pagkakilala kay Cristo.. Napapansin ko na bagama't sinasabing nababago ang buhay sa makikitang pagkawala ng mga bisyo o masamang pamumuhay, sa ugali at kalooban naman ng maraming nagsasabing sila ay born-again ay di makikitang sila ay nagiging kawangis ni Cristo. Nananatili pa din sa kongregasyon ang pagka-bahabahagi, inggitan, pagmamataas, makasariling hangarin at pag-aalitan kaya masasabing ang pagbabago ay tila panlabas lamang. Maraming mga Pastor na ang pangangaral ay nakatuon sa mga bagay na nasa sanlibutang ito, ang kasaganahan ng sanlibutan na alam nating may katapusan. Hindi po ito ang pananampalataya na itinuturo ng bibliya. Ang tunay na pananampalataya ay pagtuon ng paningin sa mga bagay na hindi nakikita-mga bagay na makalangit at hindi panlupa. "Ang aral na basta tinanggap si Cristo ay ligtas na ay wala pong batayan sa bibliya". Mali po ang inyong pagkaunawa... kailangan nating alamin, pag-aralan at sundin ng buong katapatan ang mga aral at utos ni Cristo upang tayo ay maligtas. Kailangan nating manatili sa aral ni Cristo upang tayo'y makapanatiling tapat sa ating pananampalataya hanggang wakas. Ang "bautismo" ay kailangan upang ang tao ay makapasok sa tipan ni Cristo - ito ay utos mismo ni Cristo upang mahugasan ang kasalanan at mapagharian ng Diyos ang sinumang tumanggap at sumasampalataya sa kanya nang sa gayon ang bawat cristiano ay makalakad sa katuwiran at kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo at hindi na muling maakit pa sa kasamaan ng mundo maliban nalang kung piliin niyang tumalikod sa Diyos. Ang bautismo ay hindi gaanong binibigyang pansin ng ibang mga Lider ng born-again dahil ito daw ay panlabas lamang na pagpapahayag na tinatanggap si Cristo, na sapat na daw na dumalangin ang tao ng pagtanggap kay Cristo at sinasabing sila ay "cristiano na" at ligtas na -bagay na malayo sa itinuturo ng bibliya.
Hindi rin nila mabitawan ang ikapu na sinasabing "susi sa pagpapala" ngunit kung titingnan ang pamagat nito sa aklat ng Malakias, ito ay "Pagbabayad ng Ikapu"- bagay na iniutos sa mga Israelita noong panahon ng Lumang Tipan at ito ay hindi susi sa pagpapala dahil bago pa sila inutusang magbigay ng ikapu ay pinagpala na sila sa pamamagitan ng lupang pangako na masagana sa lahat ng bagay na ibinigay sa kanila ng Diyos nang sila'y palayain mula sa Egipto. Dahil sa ikapu, natutuon ang pansin ng mga tao sa mga pagpapalang materyal sa mundong ito sa halip na sa mga bagay na espiritwal, naghahangad ng kayamanang pang-mundo sa halip na maging kuntento-bagay na itinuturo ng bibliya dahil ang tunay na pagpapala na inilaan sa atin ng Diyos ay wala sa sanlibutang ito kundi nasa langit na siyang inaasahan at hinihintay ng mga tunay na sumasampalataya sa Diyos.
Nalulungkot po ako dahil isinangguni ko na ang mga bagay na ito sa aking mga naging pastor at maging sa aking tiyo na pastor ngunit ayaw nilang unawain at tanggapin... Ako daw ay naliligaw na ng landas bagama't totoo at nababatay sa bibliya ang aking mga sinasabi. Kaya ito nalang ang naisip kong paraan.. maaaring magalit kayo sa akin ngunit ito ang katotohanan sa Salita ng Diyos.. Nawa'y huwag na po kayong magmatigas dahil malaki ang inyong pananagutan sa pagkapahamak ng mga kaluluwa... Huwag nawang mangyari na mapabilang kayo sa sinsabi sa aklat ng Mateo na mga nangaral at gumawa ng himala sa pangalan ni Cristo ngunit kanyang itinakwil...

8 comments:

  1. alam mo ba na ang pagiikapu ay isang uri ng pagsunod sa utos ng Dios dahil pag di mo nasunod yan ay magnanakaw ka sa harapan ng Dios dahil yung para sa kanya ay kinukuha mo pa at hindi lahat ng Born again gaya ng sinasabi mo nagkakamali ka patungkol jan at tandaan mo na ang namiminuno sa iglesya ay hindi nakikipag away a nagtatago at nagsasalita man ng masama wag mo ng tingnan ang iba tingnan mo muna ang sariling puwing mo bago mo punasan ang tahilan ng iba at humingi ka rin ng Tulong sa Dios na mapagunawa mo ang lahat ng bagay mula sa kasulatan at hindi yung inaalis mo rin yung dapat na sundin gaya nga ng pag iikapu dahil pawang ng nakasulat sa bibliya ay sundin dahil ang kasulatan ay kinasihan ng Espiritu Santo at tiyak mula sa kanya yan!!God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. pakibasa po yung post tungkol sa ikapu sa blog na ito upang mauunawaan po ninyo...

      "Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao. Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makakapagpabagsak ng matitibay na kuta. 5Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Cristo. 6Ito ay handang maghiganti sa lahat ng pagsuway kapag naganap na ang inyong pagsunod.

      - 2 CORINTO 10:4-7

      hindi po ito pakikipag-away na panlaman kundi pakikipaglaban para sa katuwiran at katotohanan upang makalaya ang maraming tao sa pandaraya ni satanas.. nawa po ay makalaya kayo sa maling pagkaunawa ninyo dahil nanggaling na po ako diyan.. kung bubuksan nyo lang ang puso at isip nyo, hindi kayo magagalit sa taong naghahayag sa inyo ng katotohanan.. God bless po!

      Delete
    2. Ang ikapu umiral lang yan noong panahon ni Moises hanggang kay Juan Bautista lang noong panahon ng Kristiyano hindi na umiiral yan. Atsaka saan nyo nabasa na ang ikapu ay pera ang ginagamit? Saan nyo nabasa pera ginamit nila sa Ikapu? ang alam ko ani yan ng mga pananim at mga hayop na inaalagaan hindi pera.....

      Delete
  2. Hindi po lahat ng Born again ay kapareho ng tinutukoy mo kapatid... Pakibasa na lang po sa Malakias 3:7-10 ang patungkol sa ikapu upang maliwanagan po kayo... God bless

    ReplyDelete
  3. pakidagdag nyo na rin po ang Levitico 27:30

    ReplyDelete
  4. lahat nakasulatan ay kinasihan ng Banal na Spiritu kaya wala dapat isapoyra.magagamit sa pagtotoro ng katotohanan.kaya dapat tanggapin ang katotohanan na ang lahat nakalagay sa bible na inuutos gawin at ang ipinagbabawal dapat huwag gawin.

    ReplyDelete
  5. Alam mo kapatid nasa katotohanan ka na sana, Ano ang Biblical na katuruan yung Ikapu o yung paghingi ni Soriano ng pera sa mga miyembro suriin mo igi ang mga tinuturo ni ginoong Soriano, alam mo ba na maraming kaso yan si ginoong soriano lalo na sa pera naway bumalik ka sa katotohan ang Born Again ay hindi relihiyon kundi Relasyon sa Diyos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya po ako umalis sa Born_Again dahil nalaman ko ang na mali ang turo ng mga pastor.. Magsuri po kayo, lahat ng panget na sinasabi kay Bro. Eli ay puro kasinungalingan, tunay syang mangangaral na nagmamalasakit sa kaligtasan ng kaluluwa ng kanyang kapwa tao. Sa 7 taon ko na dito nakita ko at napatunayan na mabuti syang tao, dahil nung nasa Born-again pa ako di naman ako interesado na makinig sa kanya dahil sa mga negative na naririnig ko, pero salamat sa Diyos sa pagbabasa ko ng Bibliya at kagustuhang maunawa ito, nalaman ko ang totoo. Si Bro. Eli ang tunay na mangangaral ng Dios at hindi ang mga pastor ng born-again na karamihan ay pakinabang ang hanap sa mga miyembro.

      Delete